Chapter 28

274 28 0
                                    

Matapos ang gabing yun, kung saan ko nasaksihan ang pagatake ng mga magic stealer ay hindi na ako mapakali. Maaaring nakita ko kung papaano ang kaya netong gawin ngunit sa pangyayari na iyon ay lalo kong naintindihan kung bakit ang mga tao dito ay labis labis ang nararamdaman na takot.


Kinaumagahan, nakita kong nagaayos ang mga tagapag linis dito dahil sa nasirang mga gamit kagabi, alam ko na dahil din dito sa mahika naming dalawa ni Rose, ngunit kung 'di namin ginawa iyon ay baka mas marami pang estudyante ang nasaktan.

"kamusta na yung dalawang nawalan ng malay?" kasama ko ngayon si Nadia dito sa gubat, dahil kanina pa siya hindi mapakali. Tuwang tuwa dahil sa nagawa niya gamit ang kanyang mahika.

"nagkaroon na sila ng malay kanina, may natamong sugat ang isa pero ginamot naman na ni mama," mama? Yung doctor?

"mama? Ayun ang nanay niyo ni Jacob?" napatango siya hudyat na tama nga ang sinabi ko.

Kaya pala ganoon na lang ang tingin sa akin ng doctor noong nasa clinic ako, marahil siya'y nagtataka kung kaano ano ako ng kanyang mga anak.

Nahagip ng paningin ko si Rose na ngayon ay seryosong nakatingin sa kawalan, pinagmasdan ko ito nakita ko ang paghinga niya ng malalim. Kung siguro hindi mo lang naiwala ang magic charm ay hindi aabot sa ganito ang sitwasyon nang academy. Unti unti nang pumapasok sa isip ko kung gaano ba talaga kaimportante ang kwintas na ito.


Natuloy pa din ang klase sa magic class at ngayon ay may bago kaming ensayo na gagawin. Ito ay kung paano gumamit ng espada maaring gamit din ang aming mahika.

"ang ensayo natin ngayon ay kung paano gamitin ang espada, maaari din niyo ito gamitan ng inyong mahika. Hindi lang dapat mahika natin ang paganahin kundi pati na rin ang ating pisikal na pakikipaglaban," wika ng aming guro.

Ngayon ay naka grupo kami sa anim at isa isang susubukan ang espada sa pakikipaglaban. Isang babae ang kaharap ko ngayon. Akala ko'y si Rose nanaman ngunit ngayon ay pinaglayo na kami.

Nagumpisa kaming maglaban, ang tinuro ng guro namin na istratehiya ay ginagawa ko. Kung paano iiwas sa kalaban kapag susugod, paano itutok ang espada sa leeg habang nakatalikod ito sayo. Ngayon ay nadulas ako dahilan upang mahawakan ako sa braso patalikod ng isang estudyante. Magaling din pala ang isang to, subalit agad din ako nakahanap ng pagkakataon na humarap sa kanya at itutok ang espada sa kanyang mata. Malayo ang espada, may kakaunting espasyo akong iginawad dito ngunit makikita mo na isang hakbang pa niya ay paniguradong bulag ang isang to.

Nakita ko si Leon at Jacob na naglalaban, Nadia at Rose. Si Nadia ay nakatayo sa ibabaw ni Rose na ngayon ay nakahiga, laking gulat ko dito dahil malakas sa pisikal si Nadia kung ikukumpara kay Rose. Tinulungan niya itong makatayo, at bakas din sa mukha ni Rose ang gulat sa kanyang mukha. Si Leon at Jacob ngayon ay walang gustong magpatalo,  seryoso ang dalawang naglalaban subalit hindi mo pa rin maiaalis sa eskpresyon ni Leon ang pangaasar. Napailing na lang ako sa aking nakita.


Natapos ang magic class, ngayon ay nasa canteen kami nila Nadia, Leon at Jacob. Si Rose ay nasa kabilang lamesa dahil wala na siyang pepwestuhan dito sa tabi ni Jacob.

"Jacob, ayoko munang ipaalam kay Nadia ang plano kong pagkuha ng kwintas.." napalingon naman si Jacob sa aking sinabi at ngayon ay nakataas ang kilay neto.

"bakit?" tanong neto.

"basta," seryoso kong tugon.

Napansin kong nakatingin ng seryoso ngayon sa akin si Rose, hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon. Tungkol nanaman ba kay Jacob?

"Alice mamayang gabi tambay tayo sa kwarto mo," wika ni Nadia.

"sige dala ka pagkain," may pa kindat pang nalalaman si Nadia bago umalis. Ang ibig sabihin ay alam na niya na pagkain talaga dapat ang dadalhin niya sa kwarto ko.

The Bond of Magic #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon