Nakaramdam ako ng sakit ng katawan, sakit na hindi ko maipaliwanag dahil tila ba'y may isang bagay na nakadagan sa aking katawan. Panaginip ba 'yon? Ilang minuto 'kong inalala kung ano ba ang nangyari, kung bakit ba nandito ako at agad ko ring napagtantong panaginip ang lahat ng 'yon kasama sila mama at Felicia at ang mga tatay namin ni Rose.
"nasaan ako?" minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang mga punong matataas. Nasa gubat pa din ba ako?
Pinilit kong itukod ang aking siko upang maiangat ang aking katawan ngunit sadyang malakas pa din ang pwersa ng sakit na nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang masakit na parteng bahagi sa aking tiyan, ngumiwi ako dahil sa biglaang pagkirot at pagkakita ko sa aking kamay, ito'y punong puno ng dugo.
Luminga ako sa paligid nagbabakasaling may makitang isang bagay upang maiangat ang aking sarili. Nasa gilid ko ay may kawayang mahaba, kahit namimilipit ako sa sakit, pinilit ko pa rin na abutin upang makatayo. Nang makuha ko ang kawayang mahaba, may napansin akong dugo sa dulo neto. Hinawakan ko at agad akong napasapo sa aking ulo dahil sa pagka hilo. Naalala ko kung ano 'to, ito ang kawayang tumama sa aking tiyan, dahil sa lakas kaya't nagdugo at nahulog ako sa bangin. Isa din na tumama sa akin ay ang parang kidlat na mahika ng matanda kung kaya't ganito na lang ang epekto sa akin. Huminga ako ng malalim at napatingin sa asul na langit, huminga ng malalim at pumikit ng mariin nang may bigla akong naramdamang mainit sa bahagi ng aking pisngi. Ang luhang hindi ko na napigilan ay sunod sunod na ang pagpatak. Akala ko katapusan ko na.
Napalingon ako sa aking likuran ng may naramdaman akong parang papalapit na tao, hindi. Ngayon alam ko na ang tawag sa amin, enchanter. Mabilis akong tumungo sa bandang malapit na puno na alam kong pwede ding pagtaguan, muntik pa kong matapilok dahil sa sakit.
"Alice! Nasaan ka?!" nandito ako sa likod ng puno nakatago, at nahimigan ko ang pamilyar na boses na 'yon.
"Alice! For God's sake!" hindi ko mapaliwanag ang saya at kagalakan na nararamdaman ko ng napagtanto kong kung sino 'yon.
"Jacob! I'm here," dahil sa panghihina hindi na ako nakalapit sa kaniya kaya't tinawag ko na lang siya habang nakasandal ako sa may likod ng puno.
Narinig ko ang matigas na mga yapak ni Jacob tila ba'y ito'y nagmamadali.
"Alice!" nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Jacob sa akin, agad akong napangiwi dahil sa naipit kong sugat. Ngunit sa kabilang banda, nakaramdam ako ng inis. Bakit siya nandito?
"Jacob! Iniwan mo sila Nadia!" wika ko.
"nandoon si Leon at Rose saglit lang 'to kumuha ako ng gamot ni mama sa clinic niya," nilabas niya ang iilang halamang gamot para sa sugat ko. Alam niya na din pala agad kung saan ako napuruhan.
Tinaas ko ang T-shirt ko upang makita niya mismo ang sugat, napapikit ako dahil ayokong nakakakita ng dugo kahit akin pa 'to mismo. Dumako naman ang paningin ko kay Jacob dahil bigla na lamang siyang tumahimik.
Napansin ko ang pawis na tumulo sa gilid ng kaniyang ulo, agad ko ding nalaman kung bakit.
"Jacob ayos naman!" wika ko.
"ito na," bumalik siya sa kaniyang wisyo at pinagpatuloy na ang paggagamot sa aking sugat.
"akala ko talaga katapusan ko na," nandito kami ngayon sa punong pinagtaguan ko, nagpapahinga dahil maya maya maayos naman na ako.
"bago ako lumipad para hanapin ka, nakita ko si Rose na napahawak sa kaniyang ulo dahil sa sakit," ani Jacob.
"kamusta sila?" tanong ko.
"kumuha ako ng gamot mo, nakikipaglaban sila ng biglang sumakit ang ulo ni Rose," wika ni Jacob. Ilang segundo akong nagisip kung ano ba ang maaaring dahilan kung bakit nagkaganon si Rose. Naisip ko na baka habang wala akong malay at ang nasa panaginip ko ay ang nakaraan nila mama ay baka ganoon din ang naalala niya kung kaya't sumakit ang ulo niya. Dahil kami ang nagmamay ari ngayon ng magic charm. Tulad na lamang ng sabi nila papa at 'yong dating si president Lynea, marahil sa amin pinamana ang kwintas dahil sa pagtatanggol nila papa sa magic academy.
"alam ko na kung, bakit kailangan na nating bumalik maya maya kapag medyo ayos na ako," tumango si Jacob bilang tugon sa sinabi ko.
Makalipas kalahating oras napagpasyahan naming bumalik na sa gubat kung saan huling tagpo namin ng matandang nakatira sa gubat or should i say ang pinuno ng mga magic stealer.
"kaya mo na ba? Sigurado ka?" naglalakad na kami ni Jacob pabalik. Hindi tulad kanina, nakakatayo na rin ako ng maayos.
"oo 'wag mo ko alalahanin."
Sa puntong 'to ayokong maging mahina, kailangan kong maipagtanggol ang mga kapwa ko enchanter at ang academy na humubog sa pagkatao ko.
Sa pagdating namin, laking gulat ko sa aking nakita, nakahiga na ngayon sa lupa si Nadia dahil sa biglaang pagtulak ng lalaking hindi ko makilala kung sino 'yon. Si Leon ay may hawak ngayon na pana upang panain ang mga lumilipad na magic stealer at nagpapaulan ng itim na usok. Mabuti na lang bago umalis sa academy may binigay si vice president Corazon upang kahit papaano ay hindi kami atakihin kung sakaling magpaulan nga ang mga ito. Ang bisa ng binigay sa amin ay tatagala lamang ng anim na oras.
"Leon sa likod mo!" sigaw ni Jacob dahilan upang kami lahat ay mapalingon. Bago pa maatake ng stealer si Leon ay may isang bagay agad na lumipad patungo dito, tiningnan ko kung saan nanggaling 'yon. Kay Nadia.
"Nads!" nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya upang pakalmahin. Hindi ko din alam na magaling siya dito, saktong sakto sa ulo ng ibon ang kutsilyong pinalipad ni Nadia. Naalala ko na magaling nga pala siya sa archery kaya't hindi na nakakapagtaka.
"simulan niyo na!" sigaw ni Rose. Tinulungan kong tumayo si Nadia at nagsimula na kong magpokus para sa aking mahika.
Naramdaman ko ang malamig na bahagi sa aking mata dahil sa pwersahan kong paggamit ng aking mahika para mailabas. Itinuon ko ang aking paningin sa isang lalaking naglalakad palapit sa amin, biglaang nagkaroon ng yelo ang bahagi netong binti. Si Rose ay nakikipag laban sa matanda, mukhang mahirap talunin ang isang 'to dahil siya ang pinuno.
Nahimigan ko naman ang pamilyar na boses na nanggagaling sa matanda. At sa oras na 'yon lumabas nanaman ang mukha ni Felicia dahilan upang mapatigil kaming lahat.
Nang bumalik ang mukha ng matanda ay nagsimula ulit si Rose sa pakikipaglaban dito. May humawak na dalawang lalaki sa aking braso dahilan upang mawala ang yelo sa binti ng lalaki, naramdaman ko ang paghigpit at para bang gusto nilang putulin ang dalawa kong braso.
Hindi ako nagpatinag, kinagat ko ang aking labi at iniangat ang aking balikat kasabay ang mga braso at agad ibinaba ng malakasang pwersa dahilan upang mabitawan ako ng dalawa. Hindi lang basta natumba, tumilapon sila sa malayo at nakita ko agad ang pagpupumilit nilang tumayo.
Si Leon ay nasa likuran ko na may hawak na espada at nasaktuhan ko kung paano niya putulan ng ulo ang isang magic stealer na nag aniyong tao.
"sinisigurado kong pagsisisihan niyo 'to!!!" sigaw ng matanda. Pagkatapos noon ay sunod sunod na ang pagtawa niya ng malakas kaya nabalutan agad ng kakaibang awra ang gubat.
Halata sa mukha ni Rose na napipikon na dahil parang ginagamit lang ng matanda si Felicia upang ilito ito.
Bago pa ako makapagsalita sumugod na si Rose na may mga apoy sa palad at nababalutan ang katawan ng nagbabagang apoy patungo sa matanda.
"Rose! 'wag mong kalimutan na si Felicia yan kailangan lang natin siyang tanggalan ng lakas!" ngunit alam ko sa puntong 'yon huli na ang lahat. Sa pagsigaw kong 'yon ay napalitan ng pagka gulat dahil sa ginawa ni Rose at sa pagka wala ng pokus niya sa bagay na ito.
"Rose..." wika ko.
Ang mga magic stealer ay kinuha ang pagkakataon na 'yon upang lumipad papalayo dahil kami ngayon ay nagulat din sa nangyari.
••••
BINABASA MO ANG
The Bond of Magic #Wattys2021
FantasyIsang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing...