Natapos ang activity namin sa magic class at napagod din ako dahil sa activity namin ngayon, pero noong tiningnan ko ang katabi kong si Jacob mas halata sa kanya ang pagod. Napatingin siya sa akin at sumilay ang kanyang ngiti sa kanyang labi.
"are you tired?" tanong ko sa kanya
"I'm happy," ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko.
Nagpaalam na kami sa isa't isa, hindi ko nakita si Nadia dahil kasama daw ni Leon. Anong nangyari na sa dalawang yun?
"nakakailan ka na Alice," si rose na naabutan kong nakasandal sa gilid ng kwarto ko.
"nakakailan?" nagtataka ako ano ba tinutukoy neto.
"akin lang si Jacob!" ngayon nagets ko na yung gusto niyang iparating, dahil nanaman kay Jacob.
"lalo kang hindi magugustuhan ni Jacob kung ganyan ang ugali mo," sa sobrang inis niya, tinalikuran na lang niya ako at naglakad palayo.
Pagod ako pero hindi pa naman ako inaantok kaya napagpasyahan kong mag stay muna dito sa hallway habang nakatingin sa langit. Kitang kita ang mga bituin ngayon dahil sa dilim ng paligid, at ang buwan ay bilog para bang kalmado ito kahit maraming bagyo ang dumating.
Ma, I hope you're okay there. I'm doing okay here sana lang mas bigyan mo pa ako nang lakas para mas makayanan lahat ng pagsubok na pagdadaanan ko sa pagstay ko dito sa academy.
"Alice!" si Edrian, na ngayon ay tumabi sa akin habang nakatingin sa langit.
"Ed, bakit ngayon lang ata kita nakita?" ngayon ko na lang ulit siya nakita, ano bang pinagkakaabalahan nang isang to?
"may inasikaso lang kasi ako," nagkamot na lang siya ng ulo at tumingin din sa langit.
"nakakapagod," wala na akong nasabi kundi ito lang.
"matatapos din lahat ng ito," sumulyap ako kay Edrian na ngayon ay nakangiti sa akin.
Hindi ko malaman sa anong dahilan pero sa tuwing kasama ko sila ni Nadia, gumagaan ang loob ko na para bang sila yung taong never akong magagawang saktan at talikuran. I hope so.
Pumasok na ako sa kwarto dahil alas otso na ng gabi, nakaramdam na din ako ng antok. Naglinis na ako nang katawa, at naupo sa kama habang kumakain ako ng gabihan.
Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina sa amin ni Jacob.
"magiging okay din ang nararamdaman mo," napatingin ako kay Jacob dahil sa sinabi niya. Nandito pa din pala kami sa taas at hindi pa rin niya ako binababa.. Napatitig ako nang mariin sa kanyang mga mata. It's difficult to stay calm when your mind is full of unsaid things..
Napansin ko sa kanyang mga mata na para bang nagaalala at hindi alam ang sasabihin sa akin..
He brought my hand on his lips. He kissed my palm softly. Namungay ang mga mata kong habang tinitingnan siya. Parang kinukurot ang puso ko.
Bumalik ako sa wisyo nang maramdaman kong tinatawag ni Nadia ang pangalan ko.
"tulala ka ah, may nangyari ba?" nandito ngayon si Nadia dahil nagpasuyo din ako sa kanya bumili ng softdrinks dahil ang sabi niya bibili siya sa baba.
"thank you Nads," umiling lang ako sa kanyang tanong at umalis na din siya, dahil matutulog na ako. Masyado akong pagod ngayong araw.
Kinabukasan pagtapos nang klase namin sa magic class, naglabas ng anunsyo si president na magtipon lahat ng estudyante sa labas dahil may bisita daw kaming dapat batiin dahil sa muling pagbabalik niya dito sa academy. Ang sabi ni Nadia, ang vice president daw na ito ay nagpunta sa mundo ng mga tao upang makita lahat ang mga kagaya namin at papuntahin dito sa academy. Tapos na daw ang kanyang misyon kaya babalik na siya dito sa academy.
Ala una ng hapon kasagsagan nang init, nagtipon na ang mga estudyante sa labas. Si Jacob ay katabi ko pinapagitnaan kami nina Leon at Jacob, si Rose ay nasa likod ni Jacob at matalim ang titig sa akin.
"Please welcome our Vice President Ma'am Corazon," nakita ko ang matandang lumabas galing sa likod ng stage at nagulat ako sa aking nakita.
Nanlaki ang mata ko dahil sa taong nasa harapan ko ngayon, ang matandang iyon.. Ang matandang hinahanap ko.. Nandito sa harapan ko.
"Nads, siya yun!" turo ko kay Nadia at napalingon kung ano ba yung tinutukoy ko.
"huh?" nagtatakang tanong ni Nadia
"siya yung hinahanap ko sa mundo ng mga tao," agad ding nanlaki ang mata ni Nadia at tumingin sa harapan namin.
Hindi ko sigurado kung sa akin ba nakatingin ang matanda dahil malayo ako sa stage pero nasigurado kong sa akin ito nakatingin dahil ngumisi ito sa akin.
Kailangan ko siya makausap, kailangan kong malaman ang sagot lahat ng katanungan ko.
Pagkatapos namin siyang batiin, pumunta ako sa opisina ni president Leonora, saktong nakita ko silang dalawa na nakaupo. Napatingin ako sa matanda at para bang expected na niya na pupunta ako dito.
"Hello Alice," sabi ng matanda na nagngangalang Corazon.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nadatnan kong si Rose ang pumasok, bakit siya nandito?
"Ma'am Corazon kamusta po?" wika ni Rose, kilala niya ito?
"mabuti at nandito na kayong dalawa ngayon," nagtataka ako, ano bang ibig sabihin ng matanda. Nakita ko si President na abala sa mga papel na nasa harapan niya ngayon, tila walang pakealam sa mga nangyayari.
"nasaan ang kwintas Rose?" nagulat ako sa tanong ng matanda, ganoon din si Rose.
"ahhh.. Ba..kit po?" bakit siya nauutal?
"marahil noong buhay pa ang iyong ina Alice at ang iyong nanay Rose hindi kami nagkaintindihan.." huminga muna siya nang malalim bago magpatuloy "ang kwintas ay hindi nararapat sa mundo ng mga tao kaya dapat ang kwintas ay dapat nasa iisang tao lang.. Pero ito ay kung nasa mundo lang siya ng tao. Dapat ang dalawang nagmamay-ari ng kwintas ay nasa mundo nang magic academy upang maging ligtas ito. Pero ang iyong ina Rose ay naging makasarili lamang," napatingin ako sa matanda na ngayon ay gulong gulo, nakita ko si Rose na nanlaki ang mata na tila ba naguguluhan sa mga nalalaman. Ganoon din ako.
"ang ibig kong sabihin ay mamalasin lamang ang isa sa inyo kung kayo ay nasa mundo ng mga tao, kaya dapat pagsamahin ang kwintas. Mag sasampung taong gulang kayo bago niyo malaman iyon, ang akala ko'y naiintindihan ng iyong ina Rose ang ibig kong sabihin... Kailangan niyo lang magpunta sa magic academy para maging maayos ang lahat. Naging makasarili ang iyong ina Rose," matalim na tinitigan ng matanda si Rose at sa kalagayan ko ngayon.. Ako'y nalilito at may halong galit dahil kay Rose at sa ina niya. Makasarili nga kayo.
Napatingin sa akin ang matanda at napabaling agad kay Rose.
"nasaan ang kwintas ni Alice?" nanlaki ang mata ni Rose dahil sa biglaang tanong sa kanya ni ma'am Corazon.
"ahhh...ehh.. " sabay kamot ni Rose sa kanyang ulo.
"nawala?" nagulat ako sa sinabi ni ma'am Corazon, at tiningnan ko si ma'am na para bang balewala sa kanya kung nawala ito dahil parang alam na niya ang sasabihin ni Rose.
"so..sorry po.." tumulo na lang ang luha ni Rose at napagtanto kong nawala niya nga ito.
"bakit nawala?!" hindi ko na namalayan ang sarili ko agad ko siyang hinawakan sa kaniyang palapulsuhan. Napabitaw naman ako agad ng marahan niyang inalis ang kamay kong nakahawak dito. Nagtiim bagang ako dahil sa nalaman ko.
Kaya pala hindi ko makita sa kwarto niya dahil nawala niya ito. Matalim ko siyang tiningnan at agad agad akong umalis sa opisina ng padabog.
•••••
BINABASA MO ANG
The Bond of Magic #Wattys2021
FantasyIsang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing...