EPILOGUE

683 9 1
                                    

Ang akala ko'y wala na kong bagong umagang dadatnan dahil sa malalim kong sugat na natamo kay Mildred. Masyado akong nagpakain sa galit bago ko siya mapatay kung kaya't hindi ko na napansin na napuruhan na ako.

"magpapaalam na kami," nakangiting bati ni Josephine sa amin at ang mga nasa likod niya ay ang mga kasama din niya sa misyon.

Sila Josephine ay matalik ding kaibigan nila papa, kung kaya't ganoon na lang kalaki ang epekto ng galit sa kanila pagdating kay Mildred.

"magiingat po kayo," ani Rose. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa.

"tara na?" pupunta kami sa dagat kung saan ko isinaboy si mama at ang mga gamit ni Felicia na sinunog ni Rose. Sinunog niya ito upang kahit wala ang katawan ni Felicia dito ay magkasama pa rin silang dalawa ni mama.

"ma, nandito na kami."

Umupo kami sa damuhan ni Rose habang nakatapat sa dagat.

"nakuha na din namin ang kwintas ma," ani Rose.

Kaya pala nawala bigla sa likod namin sina president noon ay narinig nila ang tawag ni Josephine sa isip neto, nakuha na pala nila Josephine ang kwintas namin ni Rose, ang magic charm. Kung kaya't malaking pagkakataon din na 'yon na isama sila sa misyon para mapabilis ang pagkamatay ni Mildred at ang mga kasama netong mga magic stealer.

Nalaman din nila Josephine na may misyon kami kaya habang abala ang mga magic stealer sa pagabang sa padating namin, kinuha nila Josephine at ang mga kasama niya ang pagkakataon na 'yon upang mabawi ang kwintas.

"saan kaya sila nakatira?" tanong ko kay Rose.

"baka sa mundo ng mga tao at may kaniya kaniya silang mga pamilya," sagot ni Rose.

"may damit ka na ba para mamaya?" tanong ni Rose. Bigla kong naalala ang party na gaganapin mamayang gabi, pagdiriwang din dahil sa natapos na misyon.

"oo, si Nadia at Leon ang nagpunta sa bayan. Hindi ko lang sigurado kung sakto ang sukat na binili sa akin ni Nadia," bahagya akong natawa pero may tiwala naman ako kay Nads dahil sa pagiging fashionista neto.

Alas-kwatro na ng hapon nang mapagpasyahan naming bumalik na sa academy.

"kanina ka pa hinahanap ni Jacob," wika ni Nadia.

"nasaan siya?" tanong ko.

"nandoon," nguso niya sa patungong gubat.

"kayo na ni Leon?" pabiro kong tusok sa gilid niya, agad niyang inalis ang kamay ko at umiwas.

"shh," itinutok ni Nadia ang daliri niya dahil parang nahihiya siya. Nagulat nga rin ako na may something talaga sa kanila, kaya maya't maya na lang ang biro ko sa kaniya.


"ang tagal mo naman," nakita kong nakasandal sa puno si Jacob.

"nagusap kami ni Nads e," wika ko. Nagulat naman ako sa paghila ni Jacob sa palapulsuhan ko sabay yakap sa akin mula sa likuran.

"Jacob.." wika ko.

"yes baby?" halos magtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na labi niya sa gilid ng aking leeg.

"kasi.. Tara na," pagpupumiglas ko dahil baka ano pa ang mangyari. Wait, ano ba 'tong naiisip ko.

Nagulat na lamang ako sa pagbitaw niya at paghila sa akin para ilipad ako sa taas.

Nang naramdaman kong mataas na ang nilipad niya, naalala ko bigla 'yong araw na una ko siyang nakita. Kasama pa niya si Rose noon at masungit pa siya sa akin. Bahagya akong natawa habang nakapikit akong inaalala 'yon. Naramdaman ko ang malamig na paghampas sa pisngi ko ng hangin.

The Bond of Magic #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon