Chapter 32

192 9 0
                                    

Tila para kaming isang tuod na hindi malaman kung anong gagawin dahil abot abot ang kaba at takot ang nararamdaman namin.

"huwag kayong gagalaw!" narinig ko ang bulong ni Jacob ngunit may diin.

"Alice..." narinig ko ang boses ng aking na sa likod na si Nadia. Siya pala ang nasa dulo namin ngayon, ni hindi ko man lang naalala na dapat ay siya ang pinapauna ko dahil pinangako ko sa kanyang gagabayan ko siya.

Lumapit sa kanya si Leon at niyakap, ang ulo niya ngayon ay nasa dibdib neto. Nakita ko naman ang pagiging kalmado ni Nadia dahil sa ginawa ni Leon.

"Alice!!!!" nakita ko ang bagay na pumalupot sa mga binti ni Rose at paakyat na ito sa kanyang katawan. Bago pa ako makatakbo palapit sa kanya ay naramdaman ko na din ang bagay sa aking paa dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.

Paakyat ngayon ito sa aking katawan. Tiningnan ko ang aking mga kasama at hindi lang ako kundi lahat kami ang nababalutan na ngayon ng hindi ko malaman kung anong bagay.

Nagpumiglas ako upang maalis ngunit masyadong mahigpit ang pagkakapit. Ng may narinig akong isang pamilyar na tunog, tsaka ko lang napagtantong mga has pala ito.

"please no.. Please.." Nadia cried out loud.

"ang ingay, shut up!" nagulat ako sa pagsigaw ni Rose. Umabot na sa aming mga dibdib ang ahas na nakapalupot. Si Rose ay pinapakalma ang sarili, ganoon din ako, at si Jacob ay para bang nagiisip kung ano ang maaari naming gawin.

"Let's do this, ang mahika ko at mahika mo ay gamitin natin. Siguro naman walang mangyayari sa gubat na 'to kung patayin natin ang mga ahas right?" maarteng sabi ni Rose. Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Kahit papaano ay nagbabago na siya dahil sa misyon na ito. Ang Rose na dati ay walang pakealam sa kanyang paligid, ngayon ay nagkakaroon na.

Sinumulan kong i pokus ang sarili ko upang mapakalma bago magsimula. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit nang mga ahas at sigurado akong ganoon na din si Rose dahil nakita ko sa kanyang mga mata na nahihirapan.

Halos ang mga kamay namin ay hindi makawala kung kaya't nahihirapan akong alisin ito pero nang makita ko si Rose na hindi nakatali ang kanyang kamay ay sinenyasan ko ito. Tumango siya hudyat na naiintindihan niya ang nais kong iparating.

May lumabas na apoy sa kanyang kamay, nilagay niya ito sa parteng leeg niya na may ahas at agad din itong nasunog kasunod ang mga iba pang nakapalupot sa kaniya. Inuna niyang tanggalin ang nakapalupot sa akin.

Nang mawala ang mga ahas sa aking katawan ay nagumpisa na kaming tanggalin ang mga ahas na nasa katawan ng aming mga kasama. May bakas sa leeg ni Nadia, siya lang ang tanging mayroong ganito sa aming lahat.

Sinunog ni Rose ang mga ahas na nasa paligid namin at gamit ang aking mahika, itinapon ko ito sa ilog.

"Alice..." narinig ko nanaman ang boses na kanina ko pa naririnig bago mangyari ang pagsulpot ng mga ahas.

Hindi ko na namalayan ang nangyayari dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit at agad dinaluhan nila Jacob. Si Rose ay kampanteng nakatayo sa harapan ko, nagtataka dahil sa nangyayari. Kung kanina ay dalawa kami, ngayon ay ako na lang ang nakakarinig ng pangalan ko na tinatawag ng hindi pamilyar na boses.

Napaluhod ako sa sakit ng aking ulo para bang puputulin ito dahil sa paulit-ulit na boses na aking naririnig.

"sino ka?! Stop! Stop!" hindi ko na napigilang sumigaw. Humawak ako sa punong malapit sa akin, bilang suporta. Si Jacob ay hawak hawak na ako at nagtataka sa inaakto ko.

"Alice you need to clear up your mind! Don't let the voices in your head continue to take over!" narinig ko ang sumisigaw na si Jacob ngunit masyadong masakit ang ulo ko para makakalma.

"umayos ka nga Alice!" hindi ko makilala kung sino ang nag angat sa akin ngunit bumalik ako sa aking wisyo dahil sa malakas na pagsampal ni Rose sa akin.

Nagulat ako ngunit hindi na ako nagsalita. Kung hindi dahil sa ginawa niya ay hindi ako makakabalik sa aking sarili. Nakita ko ang gulat na mukha nila Nadia ngunit agad din iyon napawi ng sinabi ni Rose na magsimula na ulit kaming maglakad.

Hinawakan ni Jacob ang braso ko at napansin ito ni Rose, nakita ko ang matatalim niyang titig. Walang nagsalita sa amin dahil sa nangyari. Hinawakan ko naman ang kamay ni Nadia dahil mas mukhang natakot pa siya sa nangyari kaysa sa akin.

"it's okay Nads," wika ko.

Nagulat naman ako sa pagdilim ng paligid. Tanging flashlight lang ang hawak namin pero ramdam kong nandito pa rin sila.

"don't worry, ginawa ko lang itim ang nasa paligid kahit tayo para wala na tayong ma encounter katulad ng kanina. Malalaman ko naman kung may makakasalubong o mawawala sa atin," wika ni Nadia.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at wala na kaming pinag-alala sa ginawa ni Nadia. Para maging matagumpay ang misyon na ito, dapat matuto kaming magtiwala sa isa't isa.

Sana ay maging matagumpay nga itong misyon na 'to para sa ikabubuti ng magic academy at katulad naming mga estudyante.

Biglang pumasok sa isip ko ang matanda kanina. Si vice president Corazon. Para bang may gumugulo sa aking utak pagdating sa kaniya.

Tumigil si Jacob sa paglalakad, mukhang nag aalala nanaman siya sa iniisip ko, nginitian ko siya para maging panatag siya.


Lumiwanag ang paligid, bumalik sa dating anyo ito at kami ay bumalik na rin sa dati. Tiningnan ko si Nadia na ngayon ay nakangiti.

"binalik ko na sa dati, para makita niyong nandito na tayo sa bahay nang matandang nakatira sa gubat."

Inikot ko ang paningin ko sa paligid, parang wala namang tao sa loob. Nauna akong maglakad para makalapit sa bahay, sumunod si Jacob, Leon at Nadia. Si Rose ay lumapit sa may bandang puno ng bahay ngunit agad din naman siyang sumunod.

"bakit Rose?" tanong ko dito.

"wala, sinigurado ko lang walang ibang tao."

Pagkahawak ko sa pinto, agad din itong bumukas. Nasigurado kong walang tao dito, ngunit may kandila at bukas ang bintana. Nakaramdam naman ako ng pagtaas ng balahibo ko.

"are you okay?" lumapit si Jacob. Tinanguan ko ito para mapanatag ulit siya.

"i set aside niyo muna yang cheesy love niyo."

Narinig kong sambit ni Rose. Bahagya naman akong nakaramdam ng hiya. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang magiging dahilan ng pagka sira ng misyon na ito dahil sa pagiging mahina ko.

Palapit ako ngayon sa litratong nakaagaw ng pansin ko na nakasabit sa may sala, ng may parang biglang dumaang naka itim sa harapan ko. Mabilis ito, parang hangin na hindi mo mahuhuli. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, ganoon din ang mga kasama ko.

"naramdaman niyo 'yon?" sambit ni Nadia habang nanginginig ang boses.

"halika Nads," hinila siya ni Leon at pinapakalma.

Bakit ba kasi sinama si Nadia dito? Hindi ba nila alam na hindi sanay si Nadia sa mga ganitong misyon. Pwede namang kami na lang apat.

Nakatingin ngayon si Rose sa labas ng bintana, hindi ko malaman sa anong dahilan kung bakit parang may tinitingnan siyang bagay sa labas at halata sa kaniya na natatakot.

"Rose ayos ka lang?" nilapitan ko ito at hinawakan ang kanyang braso ngunit nagulat ako nang makita ang kanyang mga matang parang hindi makapaniwala sa nakikita at naninigas na ang kaniyang mga balikat.

••••

The Bond of Magic #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon