"ang sabi nila president nasa likod lang natin sila kaya 'wag daw tayong kabahan," ani Leon. Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya, anong klaseng training 'to? Ang ilagay sa kapahamakan ang buhay ng mga estudyante?
"malalaman mo din kung bakit kasama ito," nagulat ako sa biglaang boses na aking narinig sa aking isip dahilan upang mapatigil ako. Napagtanto ko din agad na si vice president ito kaya nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Napansin ko din ang paglingon ni Rose.
Sa kalagitnaan ng aming paglalakad patungo sa kwebang aming hinahanap, ay nakaramdam ako ng malamig na pakiramdam na dumampi sa aking balat.
"wala munang gagalaw!" wika ni Rose, pabulong ngunit may diin ang pagkakasabi niya. Nasisigurado ko ding halos kaming lahat ay ganoon ang naramdaman.
"nasaan ba sila president?" ani Nadia.
"kanina ay pinapakiramdaman ko sila at alam kong malapit lang sila sa atin pero ngayon ay wala na akong maramdaman," sambit naman ni Jacob. Sabay sabay kaming huminga ng malalim dahil sa napagtanto namin, mukhang kami na lang ang nandito sa gubat.
"wala talaga tayong aasahan sa dalawang matandang 'yon," halos lahat kami ay napalingon kay Rose dahil sa sinabi niya. Ganoon pa rin ang galit niya dahil sa nangyari.
Napagpasyahan naming magpatuloy na sa paglalakad dahil nawala ang malamig na bagay na 'yon, marahil hangin lang na dumaan dahil gubat ito, maraming mga puno.
Masyado ata kaming naging kampante sa paglalakad dahil nakalimutan na namin na ang gubat na 'to ay punong puno ng kakaibang bagay.
"Alice!" nakita ko si Nadia na nakahandusay na sa sahig at nahihirapang tumayo, agad namin siyang dinaluhan.
"bakit Nads, anong nangyari bakit bigla ka nalang naka handusay diyan?" sunod sunod na tanong ko, tila parang isa na akong hibang dahil sa sobrang pagka gulat.
"ayon!" may tinuro siya sa taas dahilan upang sabay sabay kaming mapalingon. Ang mga magic stealer ay nasa himpapawid at parang isang mga ibon na nagsisiyahan habang lumilipad, at labis na nanlaki ang mata ko ng sunod sunod silang magpaulan ng matatalim na bagay.
Tumayo si Nadia at agad ko ding iniwasan, halos mapasigaw ako ng muntikan ng mahagip neto si Rose ngunit agad din niyang sinira ito gamit ang mahika niya.
Dahil sa hirap ng aking mga kasama sa pagiwas, ang aking mahika ay inilabas ko at itinutok sa taas upang ipang harang sa amin. Naging yelo ito, at ito ang nagsilbing harang sa amin upang hindi kami matamaan.
"umaalis na sila," ani Rose.
"hindi," sinundan ko kung saan patungo ang mga magic stealer. Isa isa silang nagbabaan at pumwesto na parang isang trapong handang sumugod sa mga kalaban.
"magsisimula na," lumingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses. Nandito na sila President. Ang akala ko'y si vice at ang guro lang namin ang kasama namin ay nagkamali ako. May mga kasama silang tatlong babae at limang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Kung titingnan mo para lang din silang kasing edad ni mama.
"sila ang mg kaklase ng magulang niyo Alice, Rose.." ani President. Napatingin na din si rose dahil sa sinabi ni president. Tiningnan kami ng seryoso ng mga ito tila isa kaming bagay na napaka importante para sa kanila, hindi ko alam kung bakit ang mga mata nila'y may gustong iparating ngunit hindi ko malaman.
"hi Leonora.." sabay sabay kaming napalingon sa harapan namin dahil sa nagsalita, hindi lang dahil dito kundi dahil na rin sa pagbanggit neto sa pangalan ni president.
"traydor!" sigaw ng babaeng kasama nila president. Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang mga kamay niyang nakakuyom na.
Ibinuka ng babae ang mga kamay niya at may onti unting lumabas na mga maliliit na ahas. Agad nanlaki ang mga mata ko, 'yon ang mahika niya?
BINABASA MO ANG
The Bond of Magic #Wattys2021
FantasyIsang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing...