Chapter 40

210 5 0
                                    

"hi," hindi ko namalayan na lumapit na si Alejandro sa amin. Si Alejandro ay katapat lang ng bahay namin ni ate nagulat nga din ako na nagaaral siya doon sa magic academy, ang academy kung saan dapat ay naroon kami ni ate kaso naudlot kaya sa susunod na taon pa kami makakapasok ni ate doon.

Napaka liit ng mundo dahil kauri pa namin ang katapat na bahay namin, medyo magaan sa pakiramdam dahil may kauri kami. May isa pang kinakasama si Alejandro kaibigan niya ata ito na minsan lang umuwi dahil nagtatrabaho dito sa bayan.

"hello.." ani ni ate Felicia, nilagay niya ang iilang hibla ng buhok niya sa likod ng kaniyang tainga.

"Tess, next year pa kayo papasok sa academy diba?" pagbaling ni Alejandro sa akin, nakangiti ito. Hindi ko malaman sa anong dahilan bakit parang may tumatalbog sa puso ko.

"ah.. Oo," sagot ko na medyo nakaramdam ng pagka ilang.

"hintayin kita," pagkasabi ni Alejandro noon, hindi ko alam bakit nakaramdam na lang ako ng init sa aking pisngi.

"ayos ka pa ba?" natatawang baling ni ate sa akin, ngunit agad ko din napansin ang mga mata niyang hindi maitago ang lungot. Bakit?

Ang mahika ko ay kayang gawing yelo ang isang bagay at tubig, si ate Felicia ay kayang magbuhat ng mabigat. Ang uri namin ay may mahikang taglay at hindi ordinaryong tao. Ang tawag sa mga uri namin ay Enchanter, ang may taglay na mahikang hindi taglay ng ordinaryong tao.

Ang magic academy ay lugar ng mga enchanter, dito lang kami lumaki sa bayan dahil parang masarap mamuhay sa mundo ng mga tao subalit hindi pala habang buhay dapat ganito, kapag hindi kami nagpunta sa academy maaaring mawala ang aming mahika.

Ang academy na kung saan ay tahanan ng mga enchanter at mas mahahasa pa ang mahikang taglay dahil sa ensayo na magaganap. Mahikang hindi dapat ipagsa walang bahala dahil maaaring ito ang magdulot sa amin ng kapahamakan, hindi lang sa amin kundi sa buong enchanter na din. Ang sabi ng mga matatanda may kalaban kaming dapat iwasan dahil may gusto silang makuha sa mga enchanter na dalawang bagay. Ano kaya 'yon?

"ano nanamang iniisip mo?" wika ni ate Felicia na ngayon ay nagluluto para sa ulam namin.

"gusto ko nang pumasok sa academy," napatingin ng bigla si ate dahil sa sinabi ko at hindi ko alam bakit ngumisi.

"dahil kay Ale..jandro?" nauutal niyang tanong.

"hindi ah! Sayong sayo na 'yon," ani ko at agad ding natawa si ate dahil sa naging reaksyon ko.



"Alejandro, si ate at Emman wait natin," ilang buwan na din ang nakalipas mula nang pumasok kami dito ni ate, nauna ng isang taon sila Emman pumasok dito.

"anong ipapangalan natin sa anak natin?" hinawakan ni Alejandro ang tiyan ko at hinimas. Anim na buwan na akong buntis sa dinadala ko ngayon at ang nakakatuwa pa, parehas kaming buntis ni ate ngayon. Hindi ko rin akalain na magkakamabutihan sila ni Emman.

"Alice," 'yon ang naisip kong pangalan para sa anak namin.

"halika na," iginaya na ako ni Alejandro palabas para umuwi sa bahay namin sa mundo ng mga tao.

Isang buwan din mula noong huling dalaw namin dito sa bahay, habang nagluluto ako ng makakain namin ni Alejandro sumilip ako sa bintana para nakita kung may tao na kila ate, ngunit wala akong nakitang naka sinding ilaw.

Naramdaman ko ang mainit na braso ni Alejandro na yumakap sa akin mula likuran, at agad kong naramdaman ang mainit na labi niya sa aking panga pababa sa aking leeg, nakiliti naman ako kaya umiwas ako ng bahagya. Dahil sa ginawa niya hinampas ko siya sa braso.


Alas-onse na ng gabi nang napagpasyahan naming matulog. Wala pang kalahating oras ng may narinig akong kumakatok sa pintuan. Sinuot ko ang robe ko para bumaba. Pagkabukas ko Nakita ko ang hingal na hingal na si ate Felicia, bago siya magsalita huminga muna siya ng malalim para magkaroon ng lakas para magsalita.

"si emman..." hawak hawak pa din ni ate ang kaniyang dibdib dahil sa pagod, hinawakan ko naman siya sa braso niya dahil bigla kong naalala na buntis din pala siya.

"ate kumalma ka nga, makakasama sa'yo yan," wika ko at iginaya ko siya sa loob para umupo.

"kailangan si Alejandro sa academy, ang mga magic stealer umaatake! Inatake nila si president Lynea, hindi ko inakalang may magtatraydor sa loob ng academy," wika ni ate Felicia na ngayon ay mukhang nakabawi na. Samantalang ako hindi pa rin maintindihan ang sinasabi niya dahil sa bilis niyang magsalita kaya napakamot na lang ako ng ulo.

"ano ba Tess! Kailangan si Alejandro doon dahil magisang lumalaban si Emman sa academy, si president Lynea ay nanlaban dahil pinilit nilang kunin ang magic charm ni president. Kailangan si Alejandro doon, nagtraydor si ma'am Mildred! Ang punyetang 'yon!" hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig ko, nanlaki ang mata ko at akmang tatawagin ko na si Alejandro ng nakita ko siyang nakababa na at nakaayos.

"Alejandro, please be safe!" wika ko at hinawakan ang pisngi niya. Hindi ko alam ang mga mangyayari dahil sa tagal ng hindi umaatake ang mga magic stealer, bakit ngayon pa? Bago siya umalis naramdaman ko ang labi niyang mapusok na hinalikan ang labi ko. Nanginginig ang kaniyang mga kamay tila parang inaasahan niya na 'to.

"dito muna kayo ni Felicia, 'wag kayong lalabas," halik sa noo ang huling iginawad sa akin ni Alejandro bago umalis hanggang sa hindi ko na nakita ang likod niya hudyat na malayo na siya.


Isang oras na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin ako mapakali dahil sa nangyayari, parehas kaming tulala ni ate. Ang mga kamay niya ay naginginig at ang mga binti ko naman ang hindi mapakali.

"puntahan natin!" tumayo ako at sumigaw dahil sa hindi ko mapakalma ang sarili. Nag ayos ako at nagbihis.

Kasama ko ngayon si ate Felicia, wala pa naman akong nararamdaman na kirot dahil kay Alice, sumasakit lang siya kapag sumisipa siya.

Nakarating kami sa harap ng academy, papasok na sana kami nang napansin namin ang kakaibang awra dito. Ang paligid ay napapaligiran ng apoy, tubig at mga ibat ibang uri ng mahika na taglay ng bawat isa dito subalit ang nangingibabaw ay ang mahikang taglay ng magic stealer.

Ang buong paligid ay nababalot ng kadiliman dahil sa abong pinapalabas ng mga magic stealer na palipad lipad. Ang iilan sa amin ay hindi na makahinga. May isang bata sa gilid ang nakaupo na dahil mukhang nahihirapan na din sa nangyayari.

"halika silong ka muna dito," nilapitan siya ni ate Felicia at binigay ang jacket na suot suot neto para hindi mahimatay ang bata.

"ate paano ka? Yung anak mo?" tanong ko dito dahil masyado talagang mabait si ate sa mga bata lalo na't kapag nakikita niya itong nahihirapan.

"I'm okay," ani ate Felicia. Si ate Felicia ay mabilis maawa lalo na sa mga bata, siguro dahilan din ito kung bakit nahumaling si Emman sa kaniya. Ang pinagtataka ko nga kung bakit sa akin nahulog si Alejandro imbis na sa kaniya. Sa kalagitnaan ng kaguluhan ay nakapag isip pa talaga ako neto, napailing na lang ako dahil sa ginawa ko.

"Felicia!! Bakit kayo nandito?" narinig ko ang boses ni Emman mula sa loob ng academy. Hindi pa kami nakakapasok dahil ngayon pa lang namin napagtanto ang totoo talagang nangyayari.

"ang kwintas!" nagulat ako sa malakas na pagsigaw ni president Lynea, at mas lalo akong nagulat ng nakita namin siyang nakahiga na sa lupa at ang buong katawan niya ay nababalot ng sariling dugo. Sabay kaming napasinghap ni ate Felicia kasabay ng pag takip sa bibig dahil sa samu't saring nararamdaman sa mga nangyayari.

•••

The Bond of Magic #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon