Alice pov
Puti ang paligid na nasa harapan ko ngayon, teka nasaan ako? Bumangon ako subalit agad din akong napahiga dahil sa sakit ng katawan ko. Ano bang nangyari at bakit puro puti ang nakikita ko?
"gising na si Alice!" napalingon ako sa pinanggalingan nang boses ni Nadia.
"Alice.." wika ni Leon, nasa harapan ko na silang dalawa ngayon. Nagtataka pa din ako kung bakit nandito ako, tsaka ko napagtanto na nasa clinic ako.
Unti unti kong naalala kung bakit napunta ako dito.
"Jacob! Halika na dalian mo," ngayon ko lang napagtanto na mabilis pala ako tumakbo kapag nakakaramdam na ng takot.
Bigla akong nakaramdam ng pamamanhid sa binti ko, at unti unting nagdilim ang paningin ko.
Napasapo ako sa ulo ko, ngayon naalala ko na kung bakit nandito ako ngayon. Dahil sa katigasan ng ulo ko at nadamay pa si Jacob dito.
"nasaan si Jacob? Okay lang ba siya?" tanong ko sa kanila, puno ang boses ko ngayon ng pagkabahala.
"ayos lang siya, nagulat na lang ako at buhat buhat ka niya na walang malay," wika ni Nadia.
Oo nga pala nawalan ako ng malay habang kami ay lumilipad.
Nahagip nang mga mata ko ang babaeng doctor na kanina pa nakatingin sa akin at punong puno ang mga mata niya nang iba't ibang emosyon.
Nakalabas na ako ngayon nang clinic dahil mabuti buti na rin ang lagay ko, nakita ko si Rose sa garden na para bang may hinihintay na bisitang papasok mula gate ng academy.
"canteen tayo, kailangan mong kumain."
Nagulat ako sa biglaang paglitaw ni Jacob sa aking harapan. Tumango na lang ako dahil kumukulo na ang tiyan ko kanina pa. Ngunit hindi ko talaga maalis ang tingin ko kay Rose na para bang nababahala sa mangyayari.
I ordered spaghetti with lumpiang shanghai and coke of course, hindi ata ako mabubuhay kung walang coke.
Kaming dalawa lang ni Jacob ang nasa canteen ngayon, akala ko susunod sila Nadia pero hindi pala. Mukhang kumain na siya kanina pa at sinundo lang nila ako sa clinic.
Nagsimula na kaming kumain ni Jacob at nakaramdam ako nang pagkailang dahil sa mga titig niya ngayon. Para bang isang bagay ako sa kanyang paningin na hinding hindi na makakawala.
Dinungaw ko ulit si Rose dahil kanina pa talaga ako hindi mapalagay. Nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng galit sa aking nakita. Si Felicia.
Hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari, basta ngayon palabas ako ng canteen at handang kausapin ng harapan silang dalawang magina.
Felicia pov
"ano Rose, anong balita kay Alice? Wala pa din?" hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ni Rose at parang tutunga tunganga na lang.
"ma, nandito na siya wala na akong Magagawa!" hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit kusang gumalaw ang aking kamay at nasampal ko si Rose ng sobrang lakas.
"sabi ko.. Paalisin mo siya dito!" hindi ko alintana kung sino ang mga taong makakakita sa akin ngayon dahil sa pagsigaw ko. Hindi ko na kontrolado netong mga nakaraang araw ang sarili ko. Mabilis na akong magalit at makagawa ng mga bagay na hindi ko din akalain na magagawa ko.
"really ma? Dahil lang dyan, nagkakaganyan ka na?" nakahawak si Rose ngayon sa kanyang pisngi kung saan ko siya sinampal. At alam ko dahil bakas sa kanyang mukha na ito'y labis na nasaktan dahil sa aking nagawa.
Alice pov
"ganyan ka ba talaga ka desperada Felicia?" tulad sa ginawa ko noong nakaraan, nagtago ako sa likod ng puno upang hindi nila malaman na nandito ako. At tama ang narinig ko na gusto ni Felicia na gawin ni Rose ang inuutos niya. Ang mawala ako dito sa academy. Pero yun ang hinding hindi ko hahayaan mangyari.
"A..alice..." nakita ko ang gulat na mukha ni Rose. At si felicia? Parang normal lang sa kanya ito hindi katulad dati, para bang wala siyang pakealam kung marinig ko ito. May kakaiba sa kanya.
"hello Alice my dear," my dear? Gross.
"pasensya na Felicia, pero hindi magagawa ni Rose ang inuutos mo," tiningnan ko si Rose ngayon at kita ko sa kanya na galit siya sa akin na para bang nangangamba.
"malayong malayo ka sa ina mo Alice," nang narinig ko ang pagkakasabi ni Felicia tungkol sa aking ina ay nagtiim bagang ako.
"siguro natutuwa ka dahil wala na siya ngayon.. Dahil magisa na lang ako at nagtagumpay ka sa plano mo," hindi ko lubos maisip kung bakit bakas sa mukha niya ang gulat pero sa pagkakatanda ko ay nasabi ko naman dito noon pa na nawala na si mama. Ganoon din ang naging reaksyon ni Rose, parehas kaming nagulat dahil sa kanyang ina.
"ma umalis ka na!" pagtataboy ni Rose sa kanyang ina.
Natapos ang paguusap namin dahil hindi ko na kaya pang maglaan ng oras kung kakausapin ko pa nang matagal si Felicia.
"anong eskandalo nanaman ginawa ng nanay ni Rose?" tanong ni Nadia.
"wala, baliw lang."
Pabiro ko nalang sambit kay Nadia, pero ang totoo.. Nagtataka ako sa mga inaakto ni Felicia na kahit mismo niyang anak ay halata na nagtataka din.
Hapon na nung bumalik ako sa kwarto at gusto ko muna magpahinga at 'wag magpaistorbo. Gigising na lang ako maya maya para kumain ng agahan.
Felicia pov
Nandito ako ngayon sa dagat kung saan isinaboy ni Alice ang abo ni Tess. Napaka tahimik at payapa dito.. Parang isa itong lugar sa mga taong nais munang magpakalayo sa magulong mundo kung saan sila nabubuhay.
Kamusta ka na Tess? Maayos ka na ba? Pasensya na at hindi ko din inaasahang mangyayari ito, ni wala akong ibang nagawa kundi ang gawin ito dahil ito lang din ang makakabuti para sa anak ko.
Sorry kasi di ako nag isip, sorry dahil naging padalos-dalos ako, sorry kung sinira ko pagkakaibigan natin.
Hindi ko namalayan na may tumulong luha na pala sa aking mga mata. Hindi ko itinatanggi na naging makasarii ako pero lahat naman ng ina ay gagawin ang lahat para sa ikabubuti nang kanyang anak.
Sa pagtingin ko sa kawalan, biglang sumakit ang aking tiyan at para bang masusuka ako.
Bigla kong naalala ang mga masasayang karanasan namin ni Tess, yung mga bagay na sabay naming pinlano at sabay naming gustong gawin ngunit dahil sa pagiging makasarili ko ay sinira ko yun at ngayon ay hindi ako naging masaya.
Naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa pisngi ko, isinawsaw ko ang aking kamay sa dagat upang damhin ang lamig neto.
Kung nandito ka kaya Tess, parehas kayang maayos ang buhay nating dalawa kasama ang mga anak natin? Syempre oo. Ako lang naman ang naging dahilan kung bakit nasira ang lahat ng ito, at kung bakit nawala ka sa mundong ito.
Sana kahit matagal na yun na nangyari ay mapatawad mo pa din ako.
May napansin akong kakaiba sa gilid ko agad ko itong sinundan ng walang pagaatubili. Hindi ko namalayan ay nakarating ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Tsaka ko napagtanto na naliligaw ako, nasaan ba ako?
"Felicia.." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses nang tumawag sa akin. Ngunit wala akong nakita.
"Felicia..." sa kabilang banda naman ay may tumawag ulit sa akin subalit wala pa din ako nakita.
Pagkatapos noon ay sunod sunod na ang boses na tumawag sa akin. Napantig ang aking tainga at pagkatingin ko sa palad ko ay may nakita akong dugo.
Tumayo ako ng diretso at agad sumilay ang ngiti sa aking labi.
••••
BINABASA MO ANG
The Bond of Magic #Wattys2021
FantasyIsang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing...