Hindi ko na alam ang gagawin, naramdaman ko ang pagkirot ng tiyan ko dahil sa biglaang pagsipa ni Alice.
"hush baby," hinimas ko 'to upang pakalmahin.
"akala niyo ba makakatakas pa kayo?" nagulat ako at halos mapako na ang paa ko sa lupa dahil sa lakas ng boses ni Mildred. Ang mga enchanter ay ganoon din, tila bakas sa kanilang mukha ang hindi makapaniwala dahil ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaan dito sa academy ay siya rin palang magtatraydor.
"isa.. Kang.. Traydor!" bumaling ang tingin ko sa sumigaw at napagtanto kong si president Lynea ito na duguan ngayon habang nakahiga, ang akala ko'y may lakas pa siya tumayo pero nakita ng sarili kong mata ang onti unting pagbigay ng kaniyang mga kamay at kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata.
Narinig ko ang boses ni Mildred na umalingawngaw ngayon sa buong academy. Ang mga ibong magic stealer ay isa isang nagsibabaan at nanlaki ako sa aking nakita, ganoon din si ate Felicia. Ang mga magic stealer ay naging anyong tao, ang mga damit nila'y kulay itim at ang labi ay puno ng mga dugo.
"Tess, tara!" agad akong hinili ni ate papasok banda sa canteen upang magtago. Nakita ko ang mga ngisi sa labi ng mga demonyong hindi ko malaman sapagkat tila ito'y tuwang tuwa pa sa mga nangyayari ngayon dahil nag aagaw buhay ang mga tao sa paligid.
Bigla akong napapikit dahil sa kidlat na dumaan sa kalangitan at kasabay ang malakas na pagkulog. Hindi ko namalayan na may luha ng tumulo sa aking mga mata. Habang ako'y nakatingin patuloy na tumutulo ang aking mga luha habang ang paligid ay nababalot ng kadiliman.
Nag aagaw ang kahel at kadiliman ng langit. Ang takot na aking nadarama ay tila ang gabing walang bahid na kahit anong liwanag.
"ano 'yon?" ani ni ate Felicia kaya napabaling ako sa kung saan siya nakatingin.
Nang makita ko 'to ay alam ko na kung kanino galing ang isang bagay na malakas hinahangin. Kay Alejandro. Ang mahika niyang wind manipulator ay pinapagana niya ngayon upang maibsan ang dilim na bumabalot ngayon sa paligid ngunit bagamat masyadong malakas ang mga kalaban.
Ngunit agad ding naudlot ang titig ko ng may liwanag akong nakita sa gilid. Nanlaki ang mata ni ate Felicia dahil sa oras na 'yon ay napagtanto naming kay Emman ang mahikang 'yon. Lalabas na sana siya para lapitan ang asawa ng bigla ko itong pigilan.
"gusto mo bang mapahamak? Kasama anak mo?!" sigaw ko dito.
"si Emman!" alam ko, naiintindihan ko kung nagpapanic siya pero sa gagawin niyang 'to ay panganib ang dala sa bata.
"ang anak mo! Akala mo matutuwa si Emman sa gagawin mo?" tanong ko dito. Binitawan ko ang kaniyang braso ng nakita kong kumalma na siya at huminga ng malalim.
Ang apoy na namuo sa palad ni Emman at ang hangin na binuo ni Alejandro, ngayon ay naghahari na dito sa academy. Ang apoy na lumalagablab sa buong katawan ni Emman ay lalong pinapalakas ni Alejandro kung kaya't ang kanilang mahika ay nagsanib pwersa.
Ang academy ay pinapalibutan ng apoy at kung hindi pa kami humawak ni ate Felicia ay kanina pa kami tinangay dahil sa sobrang lakas ng hangin na iginawad ni Alejandro.
Ang iilang magic stealer bumalik sa pagiging ibon dahil sa ginawa nila Alejandro.
Ang mga estudyante sa academy ay nawalan ng malay ngunit ang iilan ay nakasilong katulad namin ni ate Felicia.
"kailangan natin silang tulungan," wika ko.
"Tess! Ikaw na ang nagsabing makakasama sa anak natin!" nagulat ako sa pag sigaw ni ate.
"masyado kayong matapang na dalawa kaya paboritong paborito kayo ni Lynea," sumulpot sa gitna si Mildred na may dala dalang pugot na ulo. Agad nanlaki ang mata ko, kaninong ulo 'yon?
BINABASA MO ANG
The Bond of Magic #Wattys2021
FantasyIsang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing...