Chapter 29

240 26 0
                                    

Sa pagkawala ni Edrian. The night before he died, i was just crying and crying, begging not to take him. Begging to heal him, hoping for another chance to live in this world. Pero alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay wala na akong magagawa dahil tuluyan na siyang nawala dito sa mundong puno ng kaguluhan.

Napangiti ako ng mapait habang inaalala ko ang mga masasayang alaala na kasama si Edrian, yung panahon na hindi ko pa alam na pusa pala siya. All this time siya lang din pala yung pusang bigla bigla na lang susulpot sa kung saan, pusang lagi akong binabantayan.

Binuwis niya ang buhay niya para sa akin, worth ba 'tong buhay na binigay pa sa akin kapalit ng buhay ni Edrian? Hindi ko na alam.

Wala na yung pusang palaging nakabuntot sa akin, wala na yung Edrian na masayang bubungad sa akin. Kahit dami niya na sinuot noong gabi bago siya mawala ay tuluyan ding naglaho kasama siya, kaya walang naiwan na alaala niya.

"Alice... May bibigay sana ako," biglang sumulpot si Nadia sa harapan ko. Nandito kami ngayon ni Nadia sa garden, kung saan palaging sumusulpot si Edrian.

"ano 'yon Nads?" pilit na ngiti ang iginawad ko kay Nadia.

"Ito.." binigay niya sa akin ang isang litrato, at nakita ko ang larawan naming magkasama ni Edrian. Nagtataka kong tinignan si Nadia kung bakit may ganitong kuha kami.

"hindi ko alam na nakuhanan ko kayo ng litrato," nakangiti niyang sambit.

Tiningnan ko ang litrato naming dalawa. Nagtatawanan kami at halata sa mukha ni Edrian ang pagiging mahiyain. Napanguso na lang ako dahil sa kanya, para siyang isang batang wala pang masyadong alam sa mundo. May biglang kumurot sa puso ko, naisip ko na kung hindi ba ako dumating sa magic academy.. Buhay pa kaya siya?

"huwag mong sisihin sarili mo sa pagkawala niya Alice," Wika nito.

"pero..." hindi ko na alam ang sasabihin ko, parang nanghihina na lang ako bigla.

"alam niya sa sarili niya yun, ginawa niya yun para mailigtas ka talaga."

Hinawakan ni Nadia ang aking kamay para mapakalma ako. Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa kalangitan.

Pasado ala-una nang makaramdam ako ng pagkulo sa aking tiyan. Sabay na din kami kumain ni Nadia. Naramdaman ko ang mga titig sa aking ng estudyante, marahil dahil kay Edrian.

Napansin kong papalapit si Rose sa pwesto namin at hindi ko mapaliwanag ang emosyon sa kanyang mukha.

"ano Alice, wala ka man lang sasabihin na plano para sa misyon? Pagiging makasarili ka pa din?" nakaramdam ako ng pagkairita dahil sa boses ni Rose.

"Rose.. Mamaya na lang, kumakain pa yung tao," inaawat na ni Nadia si Rose dahil nageeskandalo nanaman dahil sa ingay.

"kaya namatay yung pusang walang kaalam alam dahil sa pagiging makasarili mo!" napantig ang tainga ko sa aking narinig. Tumayo ako sa harapan ni Rose at tinitigan ko siya ng mariin. Hindi na ko nakapagpigil, binitawan ko ang platong babasagin sa harapan niya dahilan upang ito ay mabasag. Kita ko ang paglaki ng kanyang mata dahil sa aking ginawa. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi, bago ako tuluyang umalis tinitigan ko siya ng mariin at binangga ko ang braso ko sa braso niya ng malakas dahilan upang muntik na siyang matumba. Wag ngayon Rose, baka hindi ako makapagpigil.

Pumunta ako ng bundok upang mapagisa, hindi ko alam bakit nagumpisa nanaman si Rose. Sa pagkakatanda ko wala naman akong ginawa para ganoon ang maging galit niya sa akin. Ni wala pa kong plano pagdating sa pagkuha ng kwintas na nawawala. Paano nya yun nalaman? Pwede din dahil sa pagiging atat niya. Akala ko ba magaling siya? Bakit ngayon parang gusto na niya malaman ang plano ko?

The Bond of Magic #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon