Chapter03:New World

218 64 39
                                    

Xenndra's phone vibrating

Dahan dahan kong inilabas 'yung phone ko at agad na itinago 'yun sa notebook na nasa desk ko para hindi mapansin nang teacher namin.

       Text Conversation with Maxcoleen Collins-

Maxcoleen: Xenny anong gagawen ko? Nalaman na nila mommy na madalas akong nabu-Bully dito sa Eastwood. Natatakot ako  ililipat daw nila 'ko nang ibang school. Xennyyyy!

Xenndra: Si Ezekiel? Okay lang. Pwede ka naman pumunta punta dito sa Eastwood kung ililipat ka nila e.

Maxcoleen: Xenny pa'no kapag nabully den ako sa lilipatan kong school? Xenny wala 'kong magiging kaibigan dun. Wala 'kong magiging inspiration para sipagin pumasok araw-araw.

Xenndra: Maxcoleen kaya mo 'yan! Matapang ka! Matapang ka! Itatak mo 'yan sa utak mo! Kaya mo 'yan trust me.

Maxcoleen: I'm not brave. Believe me, I might be the lamest person you could met. nihindi ko kayang ipag tanggol ang sarili ko. At alam mo 'yan xenny! Kaya nga 'ko nabubully dito sa Eastwood.

Xenndra: Dadamayan kita later. Pumunta ka sa bahay ah. Baka kasi mahuli ako ng professor namen kapag patuloy pa'tong conversation naten.

Maxcoleen's POV.

"Mommy pwede po bang bago 'ko umuwi pumunta muna 'ko sa bahay nila Xenndra?"

"Baka mapahamak ka or may mag abang sa'yo diyan  sa labas atsaka okay ka na ba? Namamaga pa nga 'yang mga sugat mo eh!" pagaalala ni mommy.

"Mom I'm okay na po. Don't worry po mommy hindi ako mag papagabi." Tumango si mommy.

Masaya ako dahil pinayagan niya ako, Hindi ko masabi 'yung ilang bagay kay Xenndra in public place. Mas maganda kasi mag sabi pag nasa private.
   Habang nag lalakad ako papunta sa bahay nila Xenndra. Iniisip ko paren kung anong mangyayare sa'ken 'pag wala na'kong kaibigan na kasama lagi.
Beeppppp!!.. Beep!!..

Ewan ko ba't hindi ako makagalaw. Natulala ako sa Truck na paparating.

     "B-Buhay ako?" kinapa ko ang katawan ko. Oo nga buhay ako! "n-nasa gilid na 'ko at w-wala sa gitna nang kalsada?"

"Oo buhay ka! Buhay na buhay! Mag papakamatay ka ba ha?!" galit na sigaw nang lalaki. Natulala ako sa lalaki.

A-Ang gwapo niya!

Maputi ,Matangkad ,Medyo kulot ang buhok? Or may curler kasi sila? Ang cute niya habang nag sasalita. Ang ganda nang labi niya p-pinkish.

Teka! teka!

Naiinlove ako sa taong ngayon ko lang nakita? Baliw.

"Sino ka ba?" tanong ko sa lalaki.

"Wala ka na ron!" pagsusungit ng lalaki.

Ang ganda nang mga mata niya kaso suplado. IA-Add ko lang naman sana siya sa Facebook damot!

"Oh? anong tinitingin tingin mo diyan?" pag susungit niya pa.

"W-Wala" tugon ko.

"Hindi ka manlang ba mag papasalamat dahil niligtas nanaman kita ulit? Ang panget nang ugali mo!" pagsusungit niya pa ulit.

"Huh? Ulit? E Ngayon mo nga lang ako niligtas!" pagtataray ko.

"Wow! Ang kapal din nang mukha mo! Ikaw pa may ganang mag taray! Pasalamat ka nga niligtas kita kanina don sa school niyo kung hindi baka nasa ICU kana kung 'di kita nakita na binubugbog! Ta's ngayon tatanga tanga ka pa rin muntik ka na masagasaan! Kundi kita niligtas baka may paglalamayan na sainyo!" galit na sabi niya.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon