Chapter17:Snow

129 48 0
                                    

"Pinakiusapan ako ni Tita na h'wag muna mag pakita sa'yo. Dahil baka 'yung iba pang nakakakilala satin madulas, kaya nag desisyon 'yung mama mo na ilipat ka ng school. Sa Eastwood ka niya pinag-aral. Hindi ko malalaman kung ano'ng mga mangyayari sa'yo sa Eastwood kaya nag bayad ako ng studyante ro'n na pwedeng maging mata ko sa'yo."

"S-Sino 'yung binayaran mo?" hindi ko alam kung bakit ko pa ba 'to titanong. Hindi ko alam kung gusto kong marinig.

"Si Xenndra Roswell." He answered.

Nang marinig ko ang pangalan ni Xenndra ay parang may nadurog na kapiraso sa puso ko. Kaya niya siguro ako kinaibigan para kay Ethan. Nagkaroon nanaman ng mga namumuong luha sa gilid ng mata ko.

"One day, nag karo'n ng meeting ang Owner ng mga school. Nag request ako na sa Eastwood ganapin 'yung meeting. Umaasa kong makikita kita ro'n. Nakita kita ro'n sa Canteen umiiyak saka may mga pasa. Sumunod na kita natin 'yung muntik ka na masagasaan parang wala ka sa sarili mo. Sinunsundan na kita lagi dahil baka balikan ka nanaman ng babaeng nambugbog sa'yo. Nalaman kong lagi ka pala niyang binubugbog. Hindi sa'kin sinabi lahat 'yon ni Xenndra kaya pinalayas ko siya sa Eastwood. Kung hindi dahil sa'kin hindi siya makakapag aral ng highschool. 'Yun lang hiniling ko sakaniya na bantayan ka niya para makapag aral siya. Mahirap lang siya kaya siya ang napili kong maging mata ko saiyo pero binigo niya 'ko—"

"Ethan mabait si Xenndra, lagi niya 'kong tinutulungan. Lagi siyang andiyan para sa'kin. Hindi niya naman ako pinabayaan." Depensa ko.

"Pero ano 'yung nakita ko sa Canteen? Bakit wala siyang ginagawa? Bakit pinapanood ka lang niyang nahihirapan?"

"W-Wala.. Hindi siya makagalaw dahil may kutsilyo 'yung babae. Tulungan mo siya Ethan please!, Marami siyang pangarap sa buhay. Tulungan mo ulit siyang makapag aral please!" naiyak na 'ko.

Dahil sa'kin huminto nanaman siya. So ngayon taon hindi pala siya nakapag-aral. Kahit na gano'n ang ginawa nila sa'kin ni Alexander. Gusto ko pa ring tulungan siya ni Ethan. Wala naman talagang magawa no'n si Xenndra dahil sa knife. Ako rin ang pumigil kay Xenndra na h'wag nang tumulong ayokong mapahamak siya dahil sa'kin.

Naging kaibigan ko parin siya, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ethan. Ginawa niya 'yon? P-Para sa'kin?

"Tutulungan ko ulit siya. Para sa'yo.." Malamig pa rin ang tono niya. Alam kong labag sa loob niya pero gagawin niya ulit para sa'kin. Ganun niya ba talaga 'ko kamahal? Mahal?

Kaya pala gano'n nalang ang galit sa'kin ng ibang tao.

Tama sila. Grabi ang pahirap ko kay Ethan.

"Bakit? Bakit Ethan?"

"Anong bakit?" hindi nag babago ang ekspresyon niya.

"Bakit mo ginawa lahat 'yon?" naiinis ako sa sarili ko.

Pinahirapan ko siya.

Hindi siya umimik.

"Sana hindi mo nalang ginawa 'yon. Andami mo ng sakripisyo. Andami ko ng pahirap sa'yo!"

"Sa tingin mo ba.. Gagawin ko 'yon lahat?..."

"Kung hindi kita mahal?" He added.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Max? Mahal kita kaya ko ginawa lahat 'yon." Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Alam mo bang may anak na tayo?" Ethan.

Nagulat ako sa sinabi niya, kaya kumalas ako sa pag yakap ko sakaniya. Halos hindi ako maka galaw.

What? M-May anak na kami?

"M-May anak tayo?" nanginginig ang boses ko sa kaba.

"Si Snow!"

Snow pala pangalan ng anak namin? So babae?

"Snow, come here!" tawag ni Ethan.

Ambilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Sobrang kabado na 'ko. Bumukas 'yung pinto pero bakit walang pumasok? Kanina pa 'ko nag aantay.. yumuko si Ethan sa baba. May kinuha siya aso, chow chow puppy. Ang cute niya sobra, sobrang mabalahibo. Kulay puti

"Asan na si Snow?" pagtataka ko.

"Eto si Snow!"

"Aso si Snow?" my eyes widened.

"Yup!"

Gumaan ang loob ko. Nakahinga na rin ako ng maayos. Akala ko may anak na talaga kami e, jusmiyo marimar!

Kinuha ko si Snow. Ang harot nito, ang kulit kulit niya. Nakakatuwa siya sobra. Kaya siguro Snow kasi mukha talaga siyang Snow. Augh! So Cute! Nakaka-aliw si Snow. Napaka kulit niya talaga.


"MAX, KAILANGAN MONG PUMUNTA NG AMERICA." Bungad niya.

"Ano naman gagawin ko sa America?"

"Habang maaga pa kailangan mo matutunan ang pamamalakad ng business natin sa America."

Masyado pa 'kong bata para sa gano'n ah? Atsaka wala sa bokabularyo kong mag palakad ng malaking Company sa America.

"Pero ate—"

"Max 'yon lang ang hinihiling ko sa'yo!"

Malamig ang boses ni ate Maxinne.

Ate pa rin ang tawag ko sakaniya kahit hindi kami mag kapated. Dahil nakakatanda siya sa'kin kaya ate.

"Si Tito Benedict ang tumulong sa'kin na makapag aral sa America. Kaya hindi ako galit sa'yo kahit.. Ikaw ang dahilan ng pag kamatay ng tatay ko." Nanginginig ang boses niya. Alam kong galit pa rin siya pero malaki ang utang na loob niya sa mga magulang ko.


ISANG LINGGO ANG LUMIPAS. Naging okay rin ako kaagad makalipas ang tatlong araw kaya nakalabas na 'ko ng hospital.

Ngayon ang flight ko papuntang States. Halo halo ang nararamdaman ko. Nakapunta na 'ko ro'n dati pero hindi ko nga matandaan kaya excited pa rin ako. Natatakot ako dahil hindi ko alam ang mangyayari sa'kin do'n.

Syempre tinapos muna namin 'yung moving up. Sayang lang at hindi natuloy 'yung special number namin nung prom. Partner ko pa naman doon 'yung crush ko. Ex Crush-

Natauhan na 'ko. Kaya hindi ako nagalit sa kanila. Bakit kailangan kong magalit sakanila? Ginawa nila ang lahat para sa'kin. Lalo na si Ethan.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya lahat ng 'yon para.. sakin..


MALAKI PALA ANG BAHAY NG DADDY KO. Ilang linggo pa bago 'ko puntahan 'yung company raw namin.

Nag kwentuhan pa kami ni Ate Maxinne at medyo nabigla ko sa sinabi niya. Medyo lang kasi hindi ko naman siya maalala.

Matapos daw ang aksidente. Habang naka comatose ako. Inatake raw sa puso si Daddy.

Hindi ko kasama si Ethan dito sa States. Kailangan kasi siya ni Brandon sa pag papalakad ng school at iba pa nilang businesses. I can't believe na sa gan'to kong edad. Pag aaralan ko na ang business ng family namin. Hindi naman sa ano, pero alam kong pag aaralan na talaga dapat namin 'to dahil Senior high. Na rin naman ako.


SAMPUNG TAON ANG LUMIPAS. Lagi kong kinakamusta si Mommy. Naka pag tapos na 'ko. Kahit Sampung taon na ang lumipas. Hindi pa rin nawala sa puso ko si Ethan. Siya pa rin ang mahal ko.

By the way, We're in a relationship, 10 years na kami.

Hindi niya 'ko niligawan thru Social Media. Sumunod siya sa'kin. Madami na kaming napuntahan. Tuwing Anniversary namin. Nag c'celebrate kami sa iba't ibang bansa.

1st Anniv. Namin sa Korea kami mag celebrate. Alam niyang fan na fan ako ng BTS. Sinamahan niya 'ko sa Concert. 'Yun ang pinaka hindi ko nakakalimutan. Marami pa kaming napuntahan doon sa korea. Napaka ganda talaga ro'n sobra. Marami na kaming napuntahan na concert ng BTS. Lagi niya 'kong sinasamahan. Kaya mas lalo pa 'kong na inlove sakaniya dahil kahit alam kong hindi niya hilig ang kpop syempre pati ang BTS, support pa rin siya sa'kin.

Pang 10th Anniv. namin ginusto kong iexplore ang ganda ng pilipinas.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon