Epilogue

200 28 4
                                    

MAXCOLEEN's POV.

Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. Hindi pa masyadong malinaw ang naaninag ko. O-M-G! Buhay ako! Naka ligtas ako sa Car Accident? Maliwanag na ilaw ang nasa harap ko pero alam kong hindi ito ilaw ng langit or what. Ilaw lang ito sa kisame. Nalingat agad ako sa gilid ko ng may humawak sa kamay ko.

"Ethan, " tawag ko.

"Max!" mukhang nagulat siya sa'kin.

Nag taka ako nang bigla siyang lumabas ng kwarto. Nasa hospi ba 'ko? No! What? Hospital? Ano'ng ginagawa ko dito? May naka turok sa bandang pulso ko. Huh? Ano naman 'to?

Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na Doctor at Nurse. Sa likod nila ay andoon si Ethan na mukhang masaya sa nangyayari.

"Ethan bakit parang ang saya mo r'yan?" seryoso kong tanong. Nginitian niya lang ako nang pagka tamis-tamis. Medyo nasilaw ako sa itinapat na flash light sa mata ko.

"Ano ho bang ginagawa niyo? Buhay na buhay ako!" sabi ko para tumigil sila.

"Okay na nga siya." Sabi ng doctor kay Ethan.

Lalong lumaki ang ngiti ni Ethan. "Thank you Doc!" pasalamat ni Ethan bago lumabas ang doctor at nurse.

"Okay naman talaga 'ko duh!" medyo nag sungit pa 'ko.

"Max I know, but all I want is to make sure you are okay." He said with a sweet smile.

"Hey, stop! H'wag kang mag pa cute! Hindi pa tayo okay remember?" paalala ko.

"Huh? Hindi tayo okay? Pero nahanap na si Cyel! "

"Sino Cyel pinag sasabi mo r'yan!?,  grabi ang taas ng pangarap mo! Dream name ko 'yon ng magiging anak ko tapos gan'yan ka!" halakhak ko sakaniya.

"Max Ano bang pinag sasabi mo r'yan? May anak na tayo! Tatlo pa nga sila!" seryoso ang pag kaka sabi niya.

"Hindi ka nakakatuwa!" seryoso kong sabi sakaniya pero wala siyang ekspresyon sa sinabi ko.

Pareho kaming napa tingin sa pinto ng may tatlong pumasok sa sobrang c'cute na mga bata.

"Woah! Ang cu-cute niyo naman!" puri ko.

"Syempre naman ma!" sambit nang isang bata na ang puti,  Pwede 'tong mag modelo pag laki.

"Mama I missed you! Ang tagal mong natulog!" sambit ng isang maliit na sobrang cute talaga at gwapong bata. Nag bago ang ekspresyon ko dahil sa narinig ko.

"Bakit niyo 'ko tinatawag na mama? Hindi ko naman kayo anak!" utas ko.

"Anak natin sila Maxcoleen!" seryoso si Ethan nang sabihin 'yon. "Mama naman! Nakaka takot ka po!" sambit nang maliit na bata. "Ito si Cyel nicolieh liam Collins. Caleb ang bunsong anak natin," pag papakilala ni Ethan doon sa sobrang cute na pinaka bata. "Ito si Kyle Collins. Caleb ang panganay natin," pag papakilala niya sa isa pang cute at mukhang matalino na bata. May hawig medyo ang itsura niya sa'kin. Pero 'yung Cyel parang hating Maxcoleen at Ethan. "Ito si Chandler alex Caleb ang pangalawa sa anak natin." Pag papakilala niya sa gwapong bata na pwedeng mag modelo kapag laki. Kamukha niya 'to. Wahh!!! Kaya pala gan'yan ang itsura nang mga 'to.

"P-Pero.. Ang huli kong natatandaan ay..  Nabunggo kami sa isang poste nang tito ko!" sagot ko. Mukhang nagulat si Ethan sa sinabi ko.

" Naalala mo na?" He seriously asked.

"Ano pong naaalala ni mommy, Daddy?" sabat nang bata na si Cyel.  "Cyel , Chandler and Kyle. Lumabas na muna kayo." Utos ni Ethan sa mga bata.

"Nasaan si Dylan?" tanong ko agad sakaniya.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon