Chapter13:Connection

127 51 10
                                    

Alas singko na ng matapos sila Hailey sa pag papractice nila.

"Pahahatid nalang kita kay Zeke, Max!?" alok sa'kin ni Hailey.

Gusto ko sana kaso nahihiya 'ko kay Ezekiel.

"H'wag na ayokong maistorbo pa siya, Hails!" pagtanggi ko.

"Wala namang problema 'yun sa'kin, Max." Ezekiel.

"Hindi na talaga. Mas gusto kong mag commute sa ngayon." I smiled.

Nag pilit pa rin si Hailey pero nanalo pa rin ako.

Nasa labas na 'ko at nag aantay ng taxi. Hindi ko na rin siya inabala na samahan akong mag antay. Ilang minuto na 'kong nag aantay ng taxi pero walang dumating. Maya-maya pa'y may huminto na Yellow Lamborghini.

Si Ethan ba 'to?

Hindi! Hindi! Hindi niya naman alam na andito ka, Max! atsaka Black Lamborghini 'yung kaniya not yellow.

Lumabas sa sasakyan ang isang matangkad, matipuno at gwapong lalaki. Naka sunglass pa siya, suot niya ang isang white shirt. Fitted 'yun sa braso niya kaya bumakad ang muscles niya. Medyo magulo ang buhok niya.

Lumipat siya saka sumandal sa Lamborghini niya.

Nasa bulsa niya ang kaniyang isang kamay at ang isa naman ay dahan dahang hinuhubad ang salamin niyang suot.

"E-Ethan?"

seryoso ang mukha niya.

"Let's Go!" He grabed my wrist.

Pinag-buksan niya 'ko ng pintuan ng car niya. Wala na 'kong nagawa kaya sumakay na 'ko. Nang makapasok siya ay tinanong ko kaagad siya kung paano niya nalaman na andito ako.

"I have my connections, Max." Ethan.

Sabagay 'pag mayaman ka talaga may mga connections ka, kaya nga 'yong iba kahit may ginagawang masama hindi nakukulong b'coz of their connections.

"Pumayag ka?" malamig niyang tono.

Napa taas 'yung kilay ko nang nag tanong siya

"Saan naman ako papayag?" pag tataka ko.

"Pumayag ka bang ikaw ang magiging bida sa dance number nila?" lalong napataas ang kilay ko.

     "P-Paano mo nalaman 'yon?"

Ngumisi siya pero diretso pa rin ang tingin sa daan. Naka ngisi siya pero seryoso ang nakikita ko sa ekspresyon ng mga mata niya. Oo nga pala may mga connections siya p-pero sino ro'n?

"May gown ka na bang susuotin para sa Prom Night?" pag iiba niya.

"Wala pa pero hahanap na kami ng perfect gown para sa prom night ni Hailey."

"Samahan ko na kayo!"

"H'wag na! Alam kong mas komportable si Hailey pag kami lang."

"Ba't si Hailey ang iniisip mo?"

"Mas comfortable ako 'pag walang kasamang lalaki"

"Mag patahi ka nalang atleast gusto mo pa 'yung design ng gown mo!"

"Ayoko! mas gusto kong mamili kasama si Hailey. Tapos!"

tumahimik na siya.

"Gusto mo pa rin ba si Ezekiel Calley?" malamig niyang tono.

"I still like him, walang pinag-bago siya pa rin" diretso kong sagot.

"Ano ba ang nagustuhan mo sakaniya?"

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon