Chapter37:Let go

93 27 0
                                    

"Maxcoleen charlie bakit ka umiiyak d'yan?" pagtataka ni mommy.

"Wala 'to mom." I lied.

"Dahil ba 'yan don kay Ethan Caleb? 'yung anak ng may ari ng Violexia Westwood?" Mom. Nagulat ako sa sinabi ni mommy. What the? pa'no nalamn 'yon ni mommy? fudge!

"h-huh? hindi po!" I lied.
    "Max I already know the truth, h'wag ka ng mag sinungaling." She said.

Tuluyan nang bumuhos talaga ang luha ko. Hindi ko na maitago ang nararamdaman kong kirot.

"Baka naman kasi may dahilan si Ethan kung bakit ka nasaktan niya?" Mommy. Kung pwede ko lang sabihin kay mommy ang katotohanan.. kung pwede lang.

"Pero ano ba kasing nagawa sa'yo ni Ethan? at nag kakaganiyan ka?" tanong sa'kin ni mommy. Hindi ako maka imik sa takot na madulas ako sa sasabihin ko.

Oo umaasa pa 'kong balang araw mag kakaayos pa kami ni Ethan kaya hindi ko masabi kay mommy ang katotohanan. Natatakot ako na dumating ang araw na mag kaayos kaming muli ni Ethan tapos si mommy ang hahadlang sa'min ni Ethan. Alam kong malaki ang tiwala niya kay Ethan dahil sa pag kakaalam niya na may katotohanan 'yung relasyon namin.

At si Ethan ang una kong minahal. Yes! he's my first love. tapos nag kanda letche letche pa lintek na 'to.
    Andito na kami sa loob ng airport ni Mommy at inaantay nalang ang airplaine na sasakyan ko. Habang nag aantay kami si Mommy ay may kausap sa cellphone niya at ako naka tingin lang sa cellphone ko. Hinahantay kong tumawag uli si Hailey or si Ethan. Bago ako umalis gusto ko munang marinig ang boses niya kahit sa cellphone lang kami mag kausap. Dahil alam ko na pag dating ko doon ay pipilitin ko nang kalimutan ang lahat.

Ilang minuto nalang at alam kong aalis na 'ko. Hindi manlang ba talaga sila tatawag manlang? gustong gusto kong marinig ang boses niya. Sana nga tama 'tong desisyon ko.

"Anak tara na! andoon na ang airplane  na sasakyan mo!" aya ni mommy.

"Mom.." I called her.

   Sasabihin ko sanang mag antay ng ilang saglit pero h'wag na lang baka masaktan pa 'ko lalo sa magiging desisyon ko.

"Bakit?" Mom.

"W-wala po." Sagot ko.
Hawak ni mommy ang maleta ko. Isinuot ko na ang shades ko at humalik kay mommy.

Paakyat na 'ko pero napatigil ako ng may marinig na mga nag sisigawan.

"Sir bawal po kayo dito!" awat ng isang empleyado.

"Bawal po kayo dito please lang po h'wag kayong makulit!"

"Tumigil ka, pakiusap bawal ka dito!"

"Pigilan niyo siya!"

Nang makita ko ay mga guards na tumatakbo at mukhang may hinahabol. Natanaw ko ang isang lalaki na pawis na pawis at ang hot pa rin kung tignan.

P-papalapit dito ang lalaki?

Dahan dahan kong inalis ang salamin ko para malinaw na makita 'yong itsura ng lalaki. Napatigil ako sa pag baba ng salamin dahil natanaw ko na siya kaagad. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at sa loob ko parang may nag sasaya rito.

"Ethan.." Sambit ko.

Halatang pagod na siya sa pag takbo.

"Kilala niyo po siya, Ma'am?" tanong ng isang lalaki na may hawak ng iba kong bagahe.

"O-Oo." I answered.

Ano pa bang ginagawa niya dito? tapos na lahat saamin.

"Max please h'wag kang umalis!" sigaw niya.

Nasasaktan akong makita siyang nag kakaganiyan. Hawak ang braso niya ng dalawang guwardiya.

"Ano'ng ginagawa mo dito Ethan?" tanong ni mommy.

"Tita please h'wag niyo pong paalisin si Max ng pilipinas. Kung gusto niya po ay ako nalang ang lalayo sakaniya please! baka mahirapan akong bantayan siya kung aalis siya ng pilipinas, nakikiusap po ako sainyo tita!" Ethan.
    Kita ko ang awa kay mommy. "Gusto kitang tulungan Ethan pero ang anak ko pa rin ang mag dedesisyon sa gusto niya. I'm sorry." Mom.
   Pinag mamasdan ko lang siya pero nahihirapan ako, sobra akong nahihirapan na  nakikita siyang nagkaka ganiyan. Hindi ako sanay na napapahiya, nag mumukha siyang tanga sa harap ng ibang tao. Diyos ko! tulungan niyo po ako! hindi ko kayang nakikita siyang nagkaka ganiyan para lang sa'kin pero kasi hindi rin tama 'yung ginawa niya sa'kin. Ang hirap!
   "Max please maniwala ka sa'kin kahit ngayon lang! mahal kita! humihingi ako ng tawad kung ganun ang ginawa ko pero nag sisisi na 'ko!" pagmama kaawa ni Ethan.

"Ma'am hindi niyo po ba siya tutulungan? kawawa kasi-" hindi na naituloy ang susunod pang sasabihin ng lalaki.
   Nakita ko si Hailey na palapit na rin.

"Max patawarin mo na si Ethan sa kung ano mang nagawa niya." Mukhang naawa na nga rin si Hailey kay Ethan.

Napansin kong may dugo sa may gilid ng labi si Ethan. Gusto kong tanungin kung ano bang nangyari roon. Hindi ko na kaya gusto ko nang maiyak sa nangyayari.

"P-p-paalisin niyo 'yang mga n-nang gugulo na 'yan. A-Ano bayang service n-niyo! Ang p-panget! may mga n-nang gugulo na tapos h-hindi niyo manlang m-mapa alis!" sigaw ko sa mga tao na nag aasikaso sa'min. Nahihirapan akong sabihin 'yon dahil ayoko talagang gawin sakaniya 'yon.

"Bitawan niyo 'ko!" sigaw ni Ethan.

Hinahatak siya palayo ng guards.

"Max, I'm sorry! please h'wag kang umalis!" He shouted.

Pilit pa rin siyang nagka kalag sa mga guards. Tinalikuran ko na sila. Habang papasok ako ay naririnig ko ang hiyaw ni Ethan.

"I love you max and no one can change it!" huli kong narinig na sinabi ni Ethan bago 'ko tuluyang maka pasok sa loob ng airplane.

Pagka upo na pagka upo ko palang sa upuan ay tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Mas nag kirot ang dibdib ko.
Hindi ko akalain magagawa ko 'to.

I love you so much Ethan caster Caleb.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon