Chapter04:MySaviour

200 59 15
                                    

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang gwapo niyang pagmu-mukha. Sa sobrang gwapo niya andaming nakatitig sakaniya na babae pati mga bakla. Kulang nalang matunaw siya sa kakatitig nang ibang students don sa food park kaso nung nakaraang araw pinagsupladuhan niya'ko. Siya rin 'yung lalaki na nag ligtas sa'kin noong muntik na'kong mabangga ng truck ta's doon sa Eastwood mula kay tracy at sa iba pang namb-bully saakin doon. Sana hindi na maulit na mabully pa 'ko. Sana nga natakasan ko na 'yung madilim at nakakatakot na mundong 'yun.

Tok..tok..tok...

"Maxcoleen, bilisan mo andito na si Hailey" Mom.

"Opo wait lang!" sagot ko.

Nag madali akong nag bihis. Medyo nahirapan ako sa pag suot nang palda ko. Mukhang lalo akong tumataba a. Kinuha ko 'yung tape measure. Gosh! Lalo nga akong tumaba! Dating 38 naging 40. Nakakainis pa'no ako magugustuhan ni Ezekiel kung ganito pa 'ko kataba at kapangit!
    Nakaabang na sa labas 'yung car ni Hailey. May driver siya syempre.
   "Hailey ano nga pala 'yung pinagkaka-guluhan kahapon?" tanong ko.

"S-Si Sean! Andoon ahhhhh!" inuyog uyog niya'ko. Sa sobrang kilig siguro.

"Dahil lang sa Sean na 'yun? Anong meron naman don?"

"Hindii! Si Sean Kyle Vetries kasi 'yung crush ko don sakanilang lahat na mag kakaibigan. Mag kakasama sila lahat kahapon kaya sila pinagkaka-guluhan!" I nodded.

     "Ilang taon mo na ba siyang crush?" tanong ko.

"Ahm siguro almost 1 year na rin,"

"pero pinaka maraming nagkaka-gusto talaga kay Ethan Caleb." Dagdag niya pa.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Gwapo, Matangkad, Anak ng may-ari ng Violexia at basta madami pang nakaka-hanga sakaniya. Lagi siyang naka pamulsa pero suplado. Hindi siya namamansin. Nakita ko siya isang araw sa locker room. Lahat ng mga love letters na nakaipit sa locker niya nilagay niya lahat sa basurahan. Wala siyang binasa ni isa. Wala siyang pake kung nakita man 'yun nang nag lagay non kahit masaktan pa 'yung nag lagay non, kaya si Sean kyle talaga pinaka nagustuhan ko sakanilang lahat kasi mabait siya 'di gaya ng iba pa nilang kaibigan playboy." Aniya.
                                                   
NAG LALAKAD KAMI papasok nang school.

"May picture ka ba ng mag kakaibigang 'yon?" I.

"Of course!" she smirked.

Tinuro niya sa'kin kung nasaan 'yung crush niya na si Sean. Ang cute ng crush niya. Naka wacky 'yung crush niya sa picture. Mukhang masiyahin nga 'yung crush niya. Habang pinag mamasadan ko 'yung picture sa cellphone niya. Mukhang pamilyar sa'kin 'tong naka pamulsa sa picture. 'Di ko masyadong matandaan kasi naka facemask siya, color black 'yung facemask.

"Hailey sino 'tong naka pamulsa na naka facemask?"

"ah si-"

'Di ko narinig 'yung sinabi nang biglang nag hiyawan ang mga babae. Tili nang tili. Kala mo may artista!

"Ang pogi!"
   "Akin ka nalang!"
   "Ang cute mo talaga!"
   "Sana akin ka nalang!" sigawan ng mga babae.

"Caleb, anakan mo 'ko" sigaw ng isang babae.

Sandaling nabalot ng katahimikan at nag lingunan sakaniya. Kaagad naman nawala ang katahimikan. Nag patuloy ang hiyawan nila.

Color Black 2020 Lamborghini Aventador SVJ, ang naka parada sa harap ng mga babaeng naghihiyawan.

Nalaman ko kagad 'yung tatak ng car niya kasi 'yan ang pinapangarap ni daddy na bilhin kaso ayaw ni mommy kasi pang dalawang tao lang ang pwedeng sumakay.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon