Chapter12:Hailey'sBrother

126 49 1
                                    

"Ezekiel Calley!?" gulat na natutuwa kong tono.

Hindi 'yun narinig ni Hailey dahil pumunta na siya sa mga nagku-kumpulan na istudyante rin ng Violexia.

"Iha, What's your name?" tanong ng isang babae.

"Magandang araw po! I'm Maxcoleen Collins!"

"What a beautiful name!" puri ng babae. Nginitian ko siya

"Kayo po ba?, Ano po kayo ni Hailey? kaibigan po 'ko ni Hailey!"

"Nanay ako ni Hailey!" she smiled.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya agad akong nag mano.

Umupo kami sa sofa nila. 'Yung yaya nila kumuha ng Juice.

"Alam niyo po ba ang cute ng lalaking 'yun!" Itinuro ko si Ezekiel.

Madali lang maging close 'yung mama ni Hailey. Kaya sinabi ko sakaniya 'yon.

"Huh? Saan?" tanong ng mama ni Hailey.

"'Yun pong naka navy blue shirt."

"Si Ezekiel?"

"Kilala niyo po siya? lagi po ba siyang andito?" tanong ko pa.

"Anak ko siya!" she smiled.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. A-Anak?

"P-Pero.. Calley po ang last name ni Ezekiel at si Hailey Araque—"

Agad nag sink in sa utak ko na middle name ni Ezekiel ay Araque pero pa'no sila naging mag kapatid kung middle name ni Ezekiel 'yung last name ni Hailey? Anggulo.

"Nag kamali kasi 'yung nag susulat at ang nalagay ay ang apelyido ko na dapat apelyido ng tatay nila. Nagka baliktad ang kay Hailey kaya Hailey Calley Araque ang nasa birth certificate niya. Si Ezekiel naman Ezekiel Araque Calley. Tama ang nasa birth certificate ni Ezekiel." She explained.

Napanga nga nalang ako sa mga nalaman ko.

    Ilang buwan na kaming mag kaibigan ni Hailey pero ngayon ko lang naman 'yon. Shocks! K-Kapated niya ang crush ko! natulala pa 'ko ng ilang segundo. Shocks! Papalapit na si Ezekiel. Ano'ng gagawin ko? shocks bumibilis 'yung tibok ng puso ko hayst!

"Andito ka pala Maxcoleen!" bati ni Ezekiel.

"H-Hi Kiel!"

"Magka kilala pala kayo, kuya?" biglang singit ni Hailey.

"H-Hails.. s-siya 'yung crush ko.." Bulong ko kay Hailey. Nagulat si Hailey sa sinabi ko.

"Akala namin nila Gelian 'yung Ezekiel na tinutukoy mo ay si Ezekiel william Worseford, hindi ko naman akalain na kuya ko pala 'yun!" natatawa niyang sinabi.

Parang gusto ko na tuloy lagi dito sa bahay nila hayst!

"Hails, sino nga pala 'yung dapat na bida sa dance number niyo?" pag iiba ko.

"Ako atsaka si Harrey sana 'yon kaso bigla siyang umayaw. Hindi ko nga lang alam 'yung dahilan." Aniya Kiel.

Napa tango nalang ako. Gusto ko sana mag presinta na ako nalang kaso nakakahiya ako.

"Kung ikaw nalang kaya Max?" alok ni Hailey.

Napa tingin naman ako kay Ezekiel. Ngumiti siya sa'kin.

"Pero hindi ba't kakanta atsaka sasayaw don? Hindi naman maganda boses ko!" nahihiya 'ko sakanila shocks!

"Once ko nang narinig ang boses mo, ang ganda kaya!" Hailey.

"'Yon naman pala! Ikaw nalang Maxcoleen para hindi na kami mamroblema." Ezekiel.

Biglang nag init 'yung mga pisnge ko hayst! lalo tuloy akong nahihiya shit! Ba't ba gan'to 'tong pisnge ko? Nakakahiya ah! hayst!

"Para yatang namumula ang pisnge mo, iha?" parang natatawa ang tono ng mommy nila.

Tinignan naman akong maigi ni Ezekiel sabay nag karon ng ngisi sa labi.

"Oo nga namumula 'yang pisnge mo!"

"At lalo pang namumula." Natatawa niyang dagdag.

Natawa rin 'yung Mama nila pati si Hailey

What the heck! Sana naman tigilan na nila 'ko nakakahiya naman hayst! Pinagkaka-tuwaan na nila 'ko hayst!

"Araque, practice na raw tayo!" tawag ng babae na kasali sa special number nila.

"Max pleaseee!" Hailey.

"Osige ako na!" nahihiya kong pag payag.

"Ano ba 'yung kanta ng sasayawin niyo?" tanong ko kay Ezekiel.

"Marry you by: Bruno Mars." Ezekiel.

"Maganda ba 'yon?" tanong ko pa.

"Aba! Oo naman! Meron akong video dito kung paano, gagayahin lang natin ginawa nila." Ipinakita niya sa'kin 'yung video ng gagayahin namin.

Si Yook Sung jae atsaka si Joy of Red Velvet.

"Maiba pala 'ko, kinse ka palang at si Hailey sixteen na, paano magiging kuya ka niya?"

"Nasanay kasi kaming Kuya ang tawag niya saakin at Hailey lang ang tawag ko sakaniya."

Napatango nalang ako sa sinabi niya.

Ang ganda, ang galing nila Yook Sung Jae kaso kakayanin kaya naming gayahin 'yung ginawa nila? hindi naman ganoon kaganda 'yung boses ko gaya kay Joy, hayst!

"Pa'no 'yung damit? Saan tayo makakabili no'n?" tanong ko.

"Meron naman siguro no'n sa Mall 'diba?" singit ng mama niya.

"Sana may mahanap kami." Ezekiel.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon