Chapter06:RealTalk?

155 53 13
                                    

"Nasaan tayo Ethan?"

"Basta." Malamig niyang sinabi.

Inilahad niya ang kamay sa'kin. Inabot ko naman 'yon at lumabas ng sasakyan.

Nasa tapat kami nang isang Garden? Puro puno atsaka bulaklak lang kasi nakikita ko pero napaka ganda.

Lumakad kami papasok doon. Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.

"E-Ethan.."

Lumingon naman siya. Tumaas ang kilay niya. Lumingon naman ako sa kamay niyang naka hawak sa kamay ko. Mas lalong tumaas ang kilay niya sakin.

"What?" pagtataka niya.

"'Yung k-kamay—" 'di ko na natuloy dahil sa pagka-mangha sa nakikita ko.

May round table ta's dalawang upuan na mag kaharap. May mga musikero at magarang mga disenyo. Nagustuhan ko 'tong lugar na 'to sobra dahil sa mga Pulang Rosas na nakapalibot dito. Hinila niya'ko papalapit don. Inurong niya ang upuan at pinaupo ako roon. Umupo naman siya sa kabila.

Napanganga nalang ako sa mga nakikita ko.

"Ethan?"

"Yes?" he smiled.

"Are we dating?" tanong kopa. Tumaas ang kilay niya. Sabay humalakhak.

"Hindi ba obvious?" ngumisi siya.

Ewan pero napangiti ako sa sinabi niya at umiling. May lumapit sa'min na lalaki. Mukha siyang waiter or baka waiter talaga siya?  Nilapag niya sa harap ko ang isang ice cream. Omyyyyy natatakam na 'kong lantakan 'to. I love ice cream talaga.

Parehas na kaming kinakain. Ice cream. Lumapit ang waiter. Inilahad niya ang Menu. Napatingin naman ako kay Ethan. Ngumit siya sa'kin. Ano bang ang problema niya? Naiilang na 'ko. Naninibago ako sa kinikilos niya, nasanay siguro ako sa kaniya na hindi palangiti at walang pinapansin na babae na humahanga sakaniya.

Nag aantay pa rin 'yung waiter sa magiging sagot ko. Sumenyas ako na mamaya na.

"Ba't mo ba 'to ginagawa? Ba't natin 'to ginaga—" 'di ko naituloy ang sasabihin ko nang mag salita siya.

"Just enjoy."

"Papaano ako mag eenjoy e hindi ka naman si Ezekiel Calley 'yung crush ko. Ni hindi mo nga 'ko kilala ta's kung dalhin mo 'ko rito kala mo boyfriend kita!"

Napa Buntong hininga siya sabay tingin sa wrist watch.

"Maxcoleen charlie Maxwell. Collins. Hanggang 7:00pm. ka lang kailangan na natin umuwi." Malamig niyang tugon.

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. P-Paano niya nalaman 'yon? Pati nga kaibigan ko hindi alam ang buo kong pangalan. Hindi ko nilalagay 'yon sa lahat ng info. Ko pati sa card ko dahil nahihiya ako. Panlalaki kasi ang Charlie 'bayan! pero papaano niya nalaman na hanggang 7:00pm. Lang ako?

Hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang malambot niyang kamay. Ito nanaman! Parang may butterflies dito sa sa'kin! Nakatingin lang ako sa kamay namin na mag kahawak habang pabalik sa car niya.

"Bakit mo alam ang buo kong pangalan?" tanong ko.

Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot? Ba't naman kaya siya malungkot?

Bumuntong hininga siya.

"Nainom mo ba 'yung gamot mo?" malamig niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"P-Paano mo nalaman na may iniinom akong gamot?"

Ngumisi siya at nag drive na.

Tahimik lang ako buong byahe at siya naman pasulyap sulyap sa'kin.

"Masanay kana!" sambit niya.

Pumungay ang mata ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" Ngumisi siya.

Anubayan napaka ma-sikreto naman nito kinikilabutan tuloy ako.
    Nanlaki ang mga mata ko nang huminto kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba siya at pinag buksan ako ng pinto.

P-Pa'no niya nalaman na dito bahay namin?

"P-Pumasok ka muna sa loob p-papakilala lang kita kila mommy," anyaya ko. Ngumisi nanaman siya. Haysst!

"Hindi na kailangan, Charlie!" sagot niya.

Bwisit! Feeling close makatawag ng Charlie!

"H'wag mo na 'kong tatawaging Charlie please!" pag titimpi ko. Akmang aalis na sana siya nang lumabas si mommy.

"Oh Ethan, Maxcoleen andito na pala kayo!" mommy.

Napanganga ako sa sinabi ni mommy. Lumapit naman si Ethan kay mommy at nag mano.

"Magandang gabi po tita Maxinne!" bati ni ethan. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"M-Mom? m-mag kakilala kayo?" pagtataka ko.

"Hindi mo pa rin ba natatandaan si Ethan?" nag tatakang tanong ni mommy.

"Hindi po" diretso kong sagot.

Nagkatinginan si Mommy at Ethan. Nag bago ang ekspresyon ng dalawa na kanina'y masaya. Kita ko ang pag lungkot nang mga mata ni Ethan. Tinapik ni mommy ang balikat ni Ethan.

"Babalik din sa dati ang lahat 'wag ka lang mawalan ng pag asa" tugon niya kay ethan sabay pilit na ngiti.

"D-Dito na poako tita." Sumulyap siya sa'kin at ngumiti.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon