Chapter27:Peace

91 33 0
                                    

"Bukas na ang deadline ng project niyo, hindi ako tatanggap ng mga gawa na hindi napasa sa tamang oras ng pasahan!" paalala ng strikta naming guro. "Yes Ma'am!" sabay sabay naming tugon. Nilisan na ng guro namin ang room.

Inasi-ayos ko kaagad ang mga gamit ko para makauwi ng maaga. "Collins! Collins! Collins!" natataranta pa si Yexzan. "Bakit? Ano'ng problema?" pagtataka ko. "S-Si Ethan!"

Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang pangalan ni Ethan. "Ano'ng nangyari kay Ethan?" pag aalala ko pa. "May binubugbog siya sa Food Park!" natataranta niya sagot. Agad kong kinuha ang bag ko at dumiretso sa Food park.
Nang narating na namin ang Food Park nadatnan ko si Ethan na nakapatong sa lalaki at patuloy ang pag sapak sa mukha ng lalaki. Lumapit agad ako kay Ethan. Aawatin ko sana siya kaso dahil sa bilis nang pag kawala nang mga suntok niya sa mukha ng lalaki ay natamaan niya ako. Napa atras ako sa nangyari at napaupo. Napahawak naman ako sa dibdib ko medyo nanikip ito at naidaing ko 'yon sa sakit.

"Maxcoleen!" sigaw ni Hailey saka ako nilapitan at tinulungan. "Okay ka lang ba?" tanong niya agad sa'kin.

Hindi ko siya nasagot dahil sa sakit ng dibdib ko. Nakita ko namang lumingon sa'min si Ethan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang dinadaing ko ang sakit ng dibdib dahil sa pag tama ng kamao niya. Inilayo niya si Hailey agad sa'kin para maka lapit.

"Ano'ng nangyayari sa'yo max?" nangangamba niyang tanong. "Aawatin ka sana niya sa pag gulpi mo kay Prime kaso natamaan siya ng kamao mo sa dibdib!" paliwanag ni Hailey. Nagulat si Ethan dahil sa sinabi ni Hailey. Sobrang naninikip ang dibdib ko nahihirapan akong maka hinga.

Nagulat naman ako nang bigla niya 'kong buhatin. Dumiretso kami sa Lambo niya at dahan dahan akong ipinasok doon. Iningatan niya na hindi ako mauntog. Nakahawak pa rin ako sa dibdib ko. Ipinaharurot niya ang sasakyan niya. Habang nag mamaneho siya. Pinilit kong mahawakan ang kamay niyang nasa manibela. Napatingin naman siya agad sa'kin. Nakataas ang kilay niya na parang hinahanatay kung ano ba ang sasabihin ko.

"H-H'wag kang mag aalala sa'kin.. O-Okay lang ako" pinilit kong maka ngiti sakaniya. "Paanong hindi ako mag aalala sa'yo? Ako ang dahilan kung bakit ka ganiyan, ngayon!" seryoso siya. "Ethan.. Nag papanggap lang naman tayo 'diba? H'wag kang umasta nang ganiyan, pakiusap."

"Alam ko! I'm just your fake boyfriend, wala naman talaga 'kong dapat pake sa'yo kaso, ako nga! Ako ang dahilan nang pagkaka ganiyan mo ngayon." Mariin niyang sinabi sa'kin.

Parang may nadurog na kalahati sa puso ko ng ipinag diinan niyang He's JUST my FAKE BOYFRIEND.

"B-Bakit m-mo ba kasi ginulpi 'yung Prime na 'y-'yon?" pinilit ko pang makapag salita. "It's becasue of you." Malamig niyang sagot. Natulala ako saglit sakaniya nang sabihin niya 'yon.

"D-Dahil.. Sa'kin?" pag uulit ko.

"P-Pero bakit?" dagdag ko pa nang hindi siya sumagot.
Ilang sandali pa nang pag antay ko anng isasagot niya ay tumigil ang sasakyan. Bumaba siya at binuhat niya 'ko palabas.

Habang buhat buhat niya 'ko ay sinusulit ko pa rin 'yon. Natulala ako sa Mukha niya. Bakit.. Napaka perpekto? Sobrang kinis ng mukha niya.

"Sir ano pong nangyari sakaniya?" tanong ng nurse kay Ethan with blinking eyes. Iw.

"Sumisikip ang dibdib niya, nahihirapan siyang makahinga." Ethan.

"Dito po tayo, Sir!"dumirtso kami sa isang kwarto. Inilapag ako ni Ethan sa isang kama.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon