Chapter31:SkyRialle

108 30 0
                                    

"Sure ba talaga kayong dito tayo sasakay? Sa Extreme tower?" nangangatog ang boses ko.

"Oo!" sagot ni Gelian.

"Kayong tatlo nalang kaya ang sumakay r'yan?" Dylan.

"Luh? Ang panget! Kaya nga magkakasama tayo eh! Edi sana nag date nalang kayo ni Max, hindi niyo na kami sinama duh!" pagsusungit ni Sthepenie.

"Max!" Hailey

"Bakit?"

"Si Annabelle umiiyak oh!" Hailey

"Huh? si Annabelle andito rin?" pagtataka ko.

"Oo nga 'no!" nang makita ni Gelian si Annabelle.

Nalingon kami sa isang bench at may mahabang buhok, black boots, maikling palda at naka pink off shoulder na babae na nakaupo roon. Nakatakip sa mukha niya ang isang panyo. Nakilala agad 'yon ni Hailey dahil sa haba ng buhok nito. Mabilis lang talaga makakilala ng kakilala si Hailey.

"Bakit kaya siya umiiyak?" pagtataka ni Dylan. Lahat kami napalingon kay Dylan ng lapitan niya si Annabelle. Hinaplos niya ang Likod ni Annabelle.

"Luh t*ng*na'ng Dylan 'to parang g*go." Sthepenie. "Hoy Steph watch your words!" saway ko. "Tignan mo naman kasi, Nakakainit talaga ng ulo!" Sthepenie. "Akala ko ba galit siya kay Annabelle dahil mukhang gusto si Annabelle ni Ethan?" Gelian.

"Guys, remember? kayo lang ang may galit kay Annabelle dahil masyado siyang close kay Ethan at sa Sky Rialle!" paalala ko.

Ang Sky Rialle kasi, group name 'yon ng squad/barkadahan nila Ethan, Sean at kasama ang dalawa pang kaibigan nila. Hindi ko lang kasi kilala 'yung dalawa pa. Lagi lang kasi na nakikita kong kasama ni Ethan ay si Sean, So si Sean lang ang kilala ko sa mga miyembro ng Sky Rialle. Sabi ng ilan pang studyante dito sa westwood ay ang ibig sabihin daw ng Rialle ay guwapo, sikat, maraming babae, may mga utak, mapaglaro ng puso ng babae, may kaunting respeto pero kapag may naiibigang isa ay roon lang talaga naka tuon ang atensyon at ang Sky pampaganda lang ata sa name ng group. Pero hindi ako naniniwala ro'n sa "'Pag may naiibigang isa keme keme roon lang keme atensyon?" Bulok Hahahaha.

"Ay basta! Hindi niya dapat dinadamayan 'yang Anna anna na 'yan!" galit na sambit ni Sthepenie.

Nakita kong sumandal sa balikat ni Dylan si Annabelle. Lahat nalang ba talaga ng gusto ko.. Lagi kong kahati si Annabelle? Bakit ba kasi ang ganda niya? Nalilito 'ko kung.. Gusto ko ba si Dylan dahil may kahati ako? o nahuhulog na talaga ang loob ko kay Dylan?

Sa ilang taong panliligaw niya sa'kin, Ngayon ko lang naramdaman ang kirot na 'to habang pinag mamasdan si Dylan na cinocomfort si Annabelle.

"Hindi kaya.. Nililigawan na rin ni Dylan si Annabelle, Max?" bulong ni Hailey. "May point ka Araque! Ikaw naman kasi Collins, tagal tagal mong sagutin si Dylan! 'Yan tuloy naunahan ka nanaman ni Annabelle!" Gelian. "Grabi ang karisma nito ni Annabelle, lahat ng lalaki napapa ibig!" iling ni Sthepenie. "Tama na, Tara na!" pag ayang umuwi nalang ang sagot ko sa mga pinag sasabi nila.

"Max okay ka lang ba?" Hailey. Pag tango lang ang tangi kong naisagot. Hindi na sila muling nag tangka na mag tanong o mag salita pa.

Bakit ba kasi sobrang swerte ng Annabelle Versly na 'yon? Si Dylan lang 'yon! Kaibigan mo lang siya! Naka tingin lang ako sa baba habang nag lalakad. Ayokong makita nila ang pag patak ng luha ko. Aurgh! Lintek na puso 'to! Andaling mahulog! Napa tigil ako sa paglakad ng may nakaharang sa daraanan ko.

"Tabi!" mahina kong paalis. Naka black shoes na pang lalaki ang naka harang at mahaba ang pants na parang pang office ata kasi medyo makinis ang tela.

Nagulat ako ng bigla niya 'kong higitin palapit sakaniya. Sa lakas ng pag higit niya sa'kin ay nadala na rin ako. Naramdaman ko ang kamay niyang humahagod sa likod ko.

Ang bango niya be!

"Ano'ng nagyari?" malamig ang boses nito. Hindi ako umimik. Ano bang pakelam niya? Hindi ko alam kung bakit hindi ako maka palag o umalis man lang sa yakap ng lalaking 'to. Pakiramdam ko ay kahit ano'ng oras o kahit dito nalang ako ay okay lang sakaniya. Sobrang komportable ko sa yakap niya. Pero sino ba 'to? baliw ka talaga, Max!

"Si Dylan at si Annabelle..." Gelian.

"Sabi ko na nga ba." Malamig pa rin ang boses nito.

Natanaw kong naka tuxedo pala ang lalaki. What? Tuxedo? Bakit naman siya naka suot ng tuxedo dito sa Enchanted?

"Max tahan na!" malambing ang boses niya. Humigpit ang yakap. Akmang lilingunin ko siya pero pinigilan niya ang pag hipit ng ulo ko. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at naramdaman ko ang isang malambot na dumampi sa noo ko. Ilang segundo ang itinagal non.

"Hayaan mo sila, h'wag kang magiisip-isip ng ikakasama ng loob mo. Kung may problema ka, Andito lang ako." He said.

"H'wag kang mahihiya na lumapit sa'kin, Andito lang ako lagi para sa'yo. Tandaan mo 'yan Max." He added.

Kakaiba ang naramdaman ko bigla. Sobrang saya ng nararamdaman ko hindi ko maipaliwanag. Napag desisyonan kong lingunin na siya. Upang mag pasalamat sa pag papagaan ng loob ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko...

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon