Chapter09:SundayDate

134 52 19
                                    

Hindi naman ako pinagalitan ng teacher namin dahil hinatid ako ni Ethan sa room. 'Tong mga kaklase ko anglalaki ng mga mata ng makitang hinatid ako ni Ethan at syempre dahil mga chismosa sila panay sila tanong sa'kin kung ano nangyari. Ang iba'y nag bibigay sa'kin ng papel na may tanong nila, ang iba naman nag chat sa gc namin na walang teacher at ang iba nag p'private message sa'kin. Ang gagaling nila gumawa ng paraan kahit may teacher kami basta maka sagap lang ng kwento, tsk. Pero Ni isa wala akong sinagot sa mga kaklase ko pwera lang kay Hailey ikinuwento ko sakaniya ang buong istorya.
    It's 6:42 in the morning.

Ginugusot gusot ko pa ang mga mata ko habang papuntang kitchen.

"Mom?"

"I'm here dear!" dinig ko sa boses ni mommy ang saya niya. Pumunta naman ako roon at

"W-Why are you here? Mr.Caleb?" nauutal na gulat kong tanong.

Tumingin naman siya sa'kin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi. Naka over sized shirt ako at walang short. Naka panty lang.. Kung babalik ako sa kwarto baka kung ano isipin niya?.. Lintek!

Anong ginagawa niya dito?

Time check: 6:45 in the morning. Sobrang aga niya naman. Excited much?

"Mag d'date tayo remember?"

parang nang-aasar ang tono niya na ewan. Napa taas naman 'yung kilay ko sakaniya. Date? Anong araw na ba? Kainis naman 'to panira ng araw!

"It's Sunday, Maxcoleen!" naka ngiting aso pa rin siya. I just rolled my eyes at hindi siya pinansin. Umupo 'ko ron sa tabi ni mommy. Andaming niluto ni mommy natatakam na 'ko!  Nakakahiya naman kumain ng marami sa harap ng isang Ethan Caleb.

"Nahihiya ka ba?" nahahalata niya siguro sa'kin.

Tinignan ko naman siya naman ng matalim. Natatawa naman siya sa ekspresyon ko. Baliw ba 'to? Naiinis na 'ko sakaniya ta's may gana pa siyang tumawa riyan. Hay!! Nakakainis na talaga siya, kung wala lang dito si mommy baka sinipa ko na 'to palabas.

"Gan'yan lang ba susuotin mo?" tanong ni mommy.

"Hindi po mom! Mag bibihis po 'ko" sagot ko.

"Aba'y mag bihis ka na! Nakakahiya naman kay Ethan kung pag aantayin mo siya nang matagal" mommy.

Bumaling naman ang tingin ko kay Ethan at nag taas ng kilay sabay ngisi.

"By the way mom, Pa'no niyo po nakilala si Ethan? Noong unang punta niya po dito nawi-wierdohan po 'ko sa'yo kilala niyo na agad siy—"

Hinawakan ni mommy ang kamay ko saka hinaplos haplos. Nag bago ang masayang ekspresyon ni mommy, parang may bumalot sakaniya na kalungkutan. Si Ethan naman naging ganun din ang ekspresyon. Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha niya at pilit hindi pinapahalata 'yun. Nakita ko 'yun sa gilid ng mata ko, hindi ko siya tinignan nang diretso kay mommy pa rin ang atensyon ko.

"Malalaman mo rin," mommy.

"When mom?"

"Not now.. ,but soon." Pilit ang ngiti niya sa'kin.

   HABANG NASA BYAHE kami wala parin siyang imik.

"Ethan.."

Nagulat ko ata siya, agad siyang napalingon sa'kin

"May problema ba?" malamig ang boses niya.

Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong itanong sakaniya.

"A-Ano kasi.. Na-Nakita kita kanina nangingilid 'yung mga luha mo noong nag uusap kami ni mommy. M-May problema ka ba? Ano.. Pwede ka naman mag open sa'kin eh! I'll comfort you! I'll—"

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon