Chapter10:EthleenMaxthan

143 51 8
                                    




"So.. Saan mo ba gustong kumain? Ano bang gusto mong kainin?" Ethan.

"Gusto ng Street food lang." Nag taas siya saakin ng kilay.

"Tsk! First Sunday Date nga natin eh! ta's Street food lang? Baka nakakalimutan mong si Ethan Caleb 'tong kasama mo?" iritado niyang tono.

Hinila niya ako papunta sa isang Restaurant. Nanlaki ang mga mata ko sa laki ng presyo ng mga pagkain. Shocks! Ta's unti lang naman ise-serve sa'min, laki ng babayaran

Hinila ko siya sa upuan. Lumabas kami sa restaurant na pinasukan namin.

"Saan tayo pupunta?" iritado niyang tanong.

Dinala ko siya sa Jollibee.

"Mas gusto ko ang pagkain dito! atsaka mura 'no, 'di gaya ng restaurant na gusto mo unti lang s'serve sa'tin non mahal pa!" Maxcoleen.

"Hayst! H'wag ka ngang mamroblema sa presyo! Marami akong pera!" iritado parin siya.

"At least dito sure akong masarap tsaka baka mamaya may pinalagay ka pala ron na gayuma sa pagkain ko!"

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Satingin mo naman lalagyan ko ng gayuma or something 'yung pagkain mo? Hahahaha sa gwapo ko palang na pagmu-mukha alam kong dito palang maiInlove ka na!" natatawa niyang pagyayabang.

"Ang kapal ng mukha mo ah! For Your Information hindi ako sa mukha nag babase!" natatawa kong sagot sabay irap.

Sa wakas dumating na 'yung order namin. Siguro first time niya lang kumain dito. Kanina kasi habang umoorder kami 'di niya alam ioorder niya.

"Eto tikman mo 'tong burger steak nila, favorite ko 'to!" nag slice ako sa burger steak ko saka isinubo sakaniya. Tumango tango pa siya

"Delicious!" naka ngiti na siya. Habang kumakain nag kwentuhan at nag tawanan pa kami.
Natapos na kaming kumain. Muli niyang pinadausdos ang kamay niya sa baywang ko.

"Mag Fire noodles tayo!" anyaya ko.

Napa taas 'yung kilay niya.

"Fire noodles? Samyang?" nag tataka niyang tanong.

"Oo!" pabebe 'yung boses ko.

"Ba't hindi ka pa ba nakaka kain non? Maanghang 'yon eh!"

I rolled my eyes at him.

"Naka kain na 'ko non ,Gusto ko lang dalawa tayong kakain ulit non!"

parang ayaw niya, kaya nag puppy eyes ako sakaniya saka nag pacute pa. He bit his lower lip. Namula 'yung pisnge niya shocks!

"Oh sige na!" pilit niyang sang ayon. Natuwa naman ako dahil do'n.

"Pero.."

"Huh? May pero?" iritado kong sinabi.

"Punta tayo sa photo booth." He smiled.

Napa payag naman ako kaagad, Photo booth lang pala e

Bago kami pumasok don. Tinignan niya muna 'yung mga mata ko. May kinuha siya sa bulsa niya. Box? Mini box

Kinuha niya ro'n 'yung necklace na kulay Gold pero siguro rosegold lang 'to. Hindi naman siya gagastos ng malaki para sa'kin. Hinawakan niya 'yung buhok ko at inilagay sa gilid. Pumunta siya sa likuran ko para.. Isuot sa'kin 'yung necklace

Natulala naman ako sa nangyayari. Nang masuot niya na sa'kin 'yung necklace.

"Gorgeous!" he sweetly smiled at me.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon