Prologue

558 71 30
                                    

"–Stop! Nakakakiliti, ano ba!" she laughed.

"Sulitin dapat natin 'tong mga oras na 'to. Malay mo isang araw... Wala na 'ko sa tabi mo, 'di ba?" sabi ko.

Naging seryoso siya bigla ng sandaling sabihin ko 'yon.

"Ayokong nagsasabi ka ng mga gan'yang bagay, okay?" irap niya pa. "Nagsasabi lang ako ng totoo, Max..." Ayokong may isang ma-disappoint sa'min sa huli dahil sa kapalaran. "Bakit iiwan mo ba 'ko? O baka–" I cut what she's about to say. "Hindi sa gano'n, Max. I love you so much and I know, you knew it.  I'm just being realistic. Hindi ko alam kung kailan niya kukunin ang isa–"

Hinalikan niya ako para maputol din ang sasabihin ko.

"Shh... I love you!" she whispered the moment our lips parted.

"What have you been up to lately?" I asked her.

"Who are you thinking of so far away?" she asked me sweetly. Matamis lang akong ngumiti sa kaniya. Alam kong sa ngiti ko na ito lang ay alam niya na ang sagot ko.

Narito kami sa park, kakaunti lang ang tao. Nasaktuhan pa na windy day ngayon. Naglatag kami ng kumot para sapin namin dito sa damuhan. Humiga kaming pareho sa isinapin namin. Ginawa niyang unan ang braso ko.

"Honeybabe!" she called.

"Hmm?" She smiled as she looked up at the sky. "Tignan mo 'yung sky, ang ganda 'no?" I looked at her. "Yeah... You're my cloud and star in my sky."

"Pa'no?" Ibinaling niya ang tingin sa'kin.

"Basta, mas maganda, mas nakakaengganyong tumingin sa langit kung may ulap o bituin. 'Pag may ulap marami kang nai-imagine na mga bagay na sa paningin mo napo-form 'yon ng ulap, ang saya hindi nakaka-boring. Sa bituin parang gano'n din pero para kang magte-trace sa imagination, ay basta! Ayoko na mag-explain," I explained while looking up at the sky.  "Eh, ako? Ano ako sa'yo?" I turned my gaze back to her.

"You are my lip tint!" she answered, then smiled.

I frowned at what she said. "What? I'm just your lip tint?" I raised a brow.

She nodded. "Yeah, because I can't live without you!" She kissed me softly.

"Run, bitches!" someone shouted.

Nanlaki ang mga mata namin sa baril na nakatutok sa'min. "Hey, bro, pwede nating pag-usapan 'to. Ano bang problema?" Pinipilit kong maging mahinahon. Humigpit ang hawak ng kamay sa'kin ni Max.

"F*ck you!" he shouted in his demonic voice.

He shot me.

"Ah!" tilian ng mga taong nasa paligid at nagkaniya-kaniyang alisan sa sobrang takot.

Pagbagsak ko ay siyang pagtagas ng dugo ko. Binaril niya ako sa may dibdib. Bumagsak ang mga luha ni Max habang hawak hawak ang kamay ko. Nakaluhod siya sa gilid ko at patuloy ang paghagulgol. Nanginginig ang kamay niya, alam kong takot na takot siya sa nangyayari.

"Honeybabe, run! Save your life! Please!" pilit kong sinabi kahit hirap na hirap na akong magsalita. Umiiling siya habang patuloy ang agos ng luha niya.

"Please, Honeybabe! Save your life!"

"The color of the sky we saw together. The scent of the path we walked down together. Don't forget them. I'll be with you until our last breath. I love you—" she said before he shot her too.

Hinawakan ko ang kamay niya habang pareho kaming nakaratay sa damuhan at duguan. Pareho na kaming sobrang kapos na kapos sa paghinga.

He shot us again.

"I love you endlessly," I said before finally losing my breath.

Life without you is really unbelievable. But even so, I still gotta go. To the person I loved too much. To the red thread that got too entangled in it. I couldn't reach you, so I'll walk a separate path. For that reason I'll say goodbye.

At first, every day is like that beyond the tears hidden in the rain. I'll wait for you. Let's start over. So that in the future,

I can meet you again with a smile.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon