Drowned in Love(4)

174 58 39
                                    


Chapter 4

🌺 Sky POV 🌺

Nakapangalumbaba ako sa upuan ko malapit sa may bintana bored na bored na nakatanaw sa malakas na buhos ng ulan habang hinihintay ang prof. namin sa Prof Ed 1.

Nakikinig lang ako ng tugtog sa cellphone ko habang nakasalpak sa magkabilang tenga ko. Wala naman kasi akong makausap since wala naman akong kaibigan, call me introvert I don't care.

"Chelsea teka lang---"

"Ace tama na muna please !" nagulat ako ng tumambad sa akin ang dalawang tao I mean malapit kasi ako sa may bintana sa may lobby habang tinatanaw ko yung ulan sa labas.

Basang basa si Ace ng ulan habang tuyo naman yung babae, wala naman akong balak makinig sa usapan nila.

"babe....."

Nagulat ako sa tono ng boses ni Ace na nagmamakaawa sa harap ng girlfriend niya. Malayong malayo sa Alas na nakakita sa akin sa nakakahiyang pangyayari sa buhay ko noon, sa Alas na nahawakan ang dalawang papaya ko, sa Alas na walang ibang alam kundi manyakin ako.

Sumandal ako sa may pader malapit sa may bintana para di nila ako makita. Promise wala talaga akong balak pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Ace... please ako naman ang nakikiusap sayo, wag na muna tayong mag-usa-------"

"babe ! You know I can't please don't do this to me, I'm sorry sa nasabi ko kanina nagselos lang----"

"--Ace, I promise kapag okay na ako kakausapin ulit kita aayusin natin ang satin but for now hayaan mo muna ko ha?"

It takes a minute ng wala na akong marinig na nag-uusap kaya napatingin ako sa may labas ng bintana. Si Ace na lang ang nakita ko nakatayo nakatingin sa malayo na para bang sinundan niya ng tingin ang kung sino man na umalis palayo. Basang basa siya ng ulan at may tumutulo pa sa mukha niya pero hindi nakatakas sa mata ko ang butil ng luha na tumulo sa mata niya.

Umiiyak siya. Nagulat ako sa nasaksihan ko. Napatingin siya sa direksiyon ko kaya automatic na napatago ako, alam niyo yung pagong yung nakalabas ang ulo tapos nung may nakakita automatic na tinago ganun yung ginawa ko.

"Sorry class I'm a bit late due to heavy rain"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Ma'am Solis. No choice ako kundi umayos ng upo napatingin ako sa may lobby at wala na doon si Alas.

Napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman yung mukha niya kanina yung tono ng boses niya at yung luha niya. Teka nga bakit ko ba iniisip yung lalaking yun?

Pero wala namang masama diba? Nacurious lang kasi ako bigla kasi last week sinundan pa nga namin yung girlfriend niya kasama yung kapair niya sa OM daw. And ngayon biglang ganitong eksena.

Ano kayang nangyare sa kanila. Napatingin ako sa unahan at nakita kong may mga nakatayo. Kaya napatayo rin ako.

"Ms. Alabares lalaki ka ba?"

"h-ha ?"

Inilibot ko ang tingin ko at sheems mga lalaki lang pala ang nakatayo.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon