Drowned in Love (21)

81 7 5
                                    


🌺 Sky POV 🌺

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa nakasandal na si Alas sa may wall ng classroom ko.

Pero instead na sagutin ako hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako. Hindi naman yung kaladkad to the point na nasasaktan na ako, yung kaladkad na nakakakilig.

Joke! Ako lang tong kinikilig kasi hawak niya kamay ko eh.

"Hoy Alas!" tawag ko sa kanya nilingon niya naman ako pero di naman nag-salita at nginitian lang ako.

"Napipi ka na ba? Ba't di ka nag-sasalita dyan?" naiirita kong tanong pero ang gago nginitian lang ulit ako.

"Isa pa Alas masasapak na talaga kita" huminto ako kaya napahinto din siya. Tapos tumawa lang siya.

"Hahaha ba't ba ang cute mo pandak?"

Feeling ko nag-init ang mukha ko. Sobrang nag-iba na talaga siya since umamin ako sa kanya na gusto ko siya. Mas naging sweet pa siya sakin, minsan nabibigla na lang ako kasi nasa tapat siya ng bahay namin hinihintay ako or sa labas ng classroom namin may dalang snack or lunch ko. Di ko siya mahulaan kong para saan yun.

Like gusto niya din ba ako? Nanliligaw na ba siya? Pinapaasa niya ba ako? Bihira ko na nga lang makasama yung dalawa kasi kapag kasama namin yung dalawa si Pit at Gio, hihilahin niya ako bigla tapos lalayo kami kung saan. Diba ang gulo niya?

Pero back to reality.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at binawe ko ang kamay ko sa kanya kaya huminto siya sa pagtawa.

"Alam mo pandak kung di lang talaga kita----- nevermind lika na" pag-iiba niya ng sinasabi niya at inakbayan ako.

"Kung di mo lang ako ano? ha?" pang-hahamon ko sa kanya.

"Wala hahaha!"

"Ano nga ?"

"Kung di ka lang cute yun lang yun"

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Bakit ba? Nag-expect ako dun. Akala ko sasabihin niya kung di niya lang ako mahal.

"Saan mo ba ako dadalhin Alas ha? May klase pa ako mamayang 3:30" pag-iiba ko ng usapan.

"See it yourself" sabi niya sabay kindat sakin.

"Wait lang pandak ha? Cr lang ako" paalam niya at humiwalay sa pag-kakaakbay sakin.

"Bilisan mo, napakasira ulo nito c-cr ka lang pala, sinama mo pa ako"reklamo ko.

"Nagpapahintay lang eh, kung isasama kita edi sana yayayain kita sa loob diba?"

Sininghalan ko siya kaya tatawa tawa siyang pumasok sa men's cr. Napairap naman ako sa kawalan sabay buntong hininga.

"Tangna Alas ! Mapapatay kita" piglas ko ng biglang may nagtakip ng panyo sa mga mata ko. Pinipilit kong tanggalin pero may pumipigil sa magkabila kong kamay. Ibig sabihin dalawang tao sila at hindi to si Alas kasi malayo sa amoy ni Alas.

"Papakawalan niyo ko o papakawalan?" tanong ko.

Mas mabuti ng wala silang choice para pakawalan nila ako.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon