🌺 Sky POV 🌺"Sky! Wala lang yung nakita mo okay?"
Napatayo ako dahil sa sinabi niya, hinarap ko siya at tumango tango ako na tila ba sinasang-ayunan ko ang sinabi niya.
"Alin ba yun Alas ? Yung sabay kayong kumain o yung nakikipagtawanan ka sa ex mo?" I asked sarcastically.
"Sky ! Walang masama dun okay? Were just eating and having fun---"
I cut him off.
"...ayon ! You're having fun with her kaya pala nakalimutan mo ng may girlfriend ka, tell me Ace nagkabalikan na ba kayo ha?" pagpapatuloy ko.
"For God sake Sky ! She's just my friend now and you're my girlfriend kung ano mang nakita mo kanina ay walang malisya yun!" he shouted at napahilamos ng mukha.
Sobra sobra ng pagtitimpi ang ginawa ko kaya nanginginig na ako.
"Talaga Ace ?! girlfriend mo ko? Really ? Wow ! I just can't believe it" namamangha kunwaring tanong ko.
"Di ka na ba masaya sakin kaya you're having fun with your ex? Bakit Ace? May nagawa ba akong mali?" garalgal ang boses na tanong ko.
Inangat niya ang tingin niya at muling napatungo.
"It's not you, it's me---"
"Tangnang ! It's not you it's me na yan ! Gasgas na yan Ace ! Laspag na kasi gamit na gamit na!" pasigaw ko sakanya.
"--I know it's not yet me co'z it's still her diba? Gago ka Ace ! Sana naman kung plinano mong gamitin ako sana ininform mo ko, para naman ginalingan ko ang acting ko edi sana di na umabot yung ilang buwan nagkabalikan na kayo!" naiiyak na sigaw ko sa kanya at wala na kong pakialam kong may maligaw man na ibang students malapit samin.
"Sky please ! I didn't use you okay?" paliwanag niya na pilit inaabot ang kamay ko.
"Don't you dare explain it Alas, kung sasaktan mo ako ngayon wag naman yung masyadong masakit ha?" mahinang sambit ko sa kanya.
"Totoong mahal kita Sky pero kasi naguguluhan ako---"
Umiling ako't pinigilan siya sa kanyang mga salita.
"Hindi mo ko mahal Ace" nakangiti bagaman puno ng hinanakit kong sagot sa kanya. Tinitigan niya ako't bakas ang lungkot at pag-sisisi sa kanya.
"No Sky ! Believe it or not totoong minahal kita"
"Kung talagang mahal mo ko hindi ka maguguluhan, kasi alam mo mismo na ako ang mahal mo, pero hindi eh.. hindi talaga" sabi ko na umiiling iling pa.
Napakagat labi ako't pilit na pinipigilan ang luha.
"Sana sinabi mo sakin noon na kulang yung effort na ginawa ko para sagipin ka sa pagkakalunod doon sa taong una mong minahal" di ko na napigilan yung luha ko kasi tuloy tuloy ng tumulo.
"You don't know how much I tried saving you from drowning Ace, you don't have any idea na habang tinutulungan kitang makaahon, ako naman yung unti unting nalulunod"
BINABASA MO ANG
Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)
Teen FictionNaranasan mo na bang malunod sa sobrang pag-mamahal. Yung tipong kahit nasasaktan ka na mahal na mahal mo pa rin siya ? Yung nagpapakalunod kang mahalin siya. Samantalang lunod na lunod naman siya sa pagmamahal ng iba. Sino ba ang pipiliin mong sagi...