🌺 Sky POV 🌺Natapos ang klase ko ng wala sa isip ko ang discussion namin kanina, ito yung pinakaayaw ko sa sarili ko kapag nag-oover think masyado, lahat naapektuhan.
Lumabas na ako ng classroom na nakatulala. Inilibot ko ang paningin ko, napabuntong hininga ako ng di ko makita si Alas na nakasandal sa corridor habang nakalean ang isang paa, at matiyagang naghihintay matapos ang klase ko. Sanay kasi akong laging ganun ang naaabutan ko. Di ko nga alam kung pano ko nagawang makababa ng building ng walang nababangga.
"Hey Sky?" Pit snapped infront of me kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Uyy Pit ?" di siguradong bati ko sa kanya kaya tinawanan niya ako.
"Mukhang nakakalunod yang iniisip mo ha?"
"Ba't nandito ka? Akala ko ba walang kang pasok every Wednesday?" tanong ko ignoring his question.
"Nagpractice lang kami sa P.E, kumain ka na?" tanong niya habang nag-umpisa na kaming maglakad.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Kakatapos lang ng klase ko" tumango siya sa naging sagot ko.
"Edi sabay na tayo, di pa ako kumakain eh" sabi niya sabay himas ng tiyan niya.
"Nakita mo ba si Alas?" di makatiis na tanong ko. Natigilan siya bigla at mataman akong tinitigan kaya tinanong ko siya kung bakit, umiling lang siya.
"Di ko pa siya nakikita eh, bakit nag-away ba kayo?" tanong niya na nakapagpatahimik sakin.
"No !" agarang sagot ko. Pumasok kami sa canteen at namili ng kakainin.
"Anong ulam mo?" he asked kaya napatingin ako sa mga luto doon. May menudo, turtang talong, dinuguan, fried chicken at sinigang. Masasarap ang ulam, I am aware of that pero wala ako sa mood kaya di ako makapagdecide.
"Lumpia na lang" sagot ko ng makitang may lumpia pala, one of my favorite.
"Nagdadiet ka ba or nagtitipid?" tanong ni Pit habang tumatawa.
"Both" nakangiti kong sagot. Inilingan niya lang ako.
"Ate dalawang menudo, po tyaka limang lumpia, at 2 rice po" narinig kong order niya. Ipinukol ko na lang ang tingin sa mga table at lumapit sa isa sa mga yun. Kunti na lang ang tao since ala una at ang tanging kumakain na lamang ay ang mga kagaya kong may ganoong schedule.
Tumayo ako nang makitang bitbit ni Pit ang mga pagkain namin, tinulungan ko siyang ilapag yun.
"Andami ng ulam mo tapos ang kunti ng kanin mo" sabi ko ng nilalapag ang mga pagkain.
"Sayo yang isa" sagot niya at naupo sa harap ko.
"Nag-abala ka pa, ayos na ako sa lumpia di naman kasi ako nagugutom, kailangan ko lang kumain" sabi ko sa kanya at nag-simula ng sumubo ganun din siya.
"----Pero thank you" binigyan ko din siya ng lumpia.
"I'm sure pagagalitan ka ni Ace kapag di ka kumain ngayon haha, alanganin pa naman schedule niyo ngayon" natatawa niyang sabi kaya napahinto ako at naalala ko si Ace.
BINABASA MO ANG
Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)
Teen FictionNaranasan mo na bang malunod sa sobrang pag-mamahal. Yung tipong kahit nasasaktan ka na mahal na mahal mo pa rin siya ? Yung nagpapakalunod kang mahalin siya. Samantalang lunod na lunod naman siya sa pagmamahal ng iba. Sino ba ang pipiliin mong sagi...