Chapter 16🌺 Sky POV 🌺
"Antagal naman ng labasan niyo" nakabusangot na reklamo ni Alas ng makita ko siyang nakalean sa may dingding ng classroom namin.
"Sinabi ko bang hintayin mo ko?" sumbat ko sa kanya.
"Gusto kitang makasama, bawal na ba?" banat niya habang inaagaw sakin ang bag ko.
Loko to! Di ba siya aware na dahil sa mga ginagawa't sinasabi niya lunod na lunod na ako.
Isang linggo na din ang nakalipas since ang pasukan at 2nd year college na kami unluckily walang subjects na magkaklase kami ni Alas.
"tigilan mo ko Alas, alam kong may klase ka ngayon" sabi ko habang sinusundan siya sa paglalakad.
"free cut namin so you don't have to be worried" lingon niya sakin.
"Sana all na lang talaga"
"Tapos na klase mo pandak diba?" tanong niya habang sinabayan ang lakad ko at umakbay sakin.
Mamamatay na talaga ako. Wala man lang bang may balak dyan sainyong sagipin ako sa pagkakalunod dito?
Napatingin kami pareho ni Alas sa direksiyon kung saan nakaupo ang isang babae.
"Subukan mo lang lumapit sa kanya pipilipitin kita" banta ko sa kanya inililihis ko sa ibang direksiyon ang mata niya.
"She's alone pandak bak----"
Tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay sakin. Humarap ako sa kanya, pinagtaasan ng kilay habang nakahalukipkip.
"Sige lapitan mo, go ahead! Di na kita pipigilan basta wag ka na ring umasang tutulungan pa kitang kalimutan siya" banta ko na nakapagpatigil sa kanya.
Nilingon ulit namin ang kinaroroonan ni Chelsea at kasama niya na si Jerome na may dalang pagkain. Tiningan ko si Alas na nakatingin pa rin sa dalawa. I saw pain in his eyes.
Nasasaktan din ako.
"Ako dapat yun" mahinang sambit niya na punong puno ng lungkot.
Napabuntong hininga naman ako.
"Tayo na sana ngayon" bulong ko din habang nakatingin sa mga mata niya.
"Ha?" baling nya sakin. Umiling naman ako. Manhid na nga bingi pa.
"Wala sabi ko tara na! diba may pupuntahan pa tayo?" yun lang ang sinabi ko at nauna ng maglakad kahit wala akong idea kung saan kami pupunta.
Tahimik lang naman siyang nakasunod at hindi talaga ako sanay na tahimik siya. Nababadtrip na din ako sa kanya kaya balak ko sanang sumama kay Ian na classmate ko sa Prof. Ed. Babatiin ko pa sana siya pero naunahan niya na ako.
"Hey Sky bat di ka pa umuuwi?"
"medyo maaga pa kasi eh, gala gala lang ikaw ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sa may likod saka binaling ang tingin sa akin.
"Ah... pauwi na ako, sige Sky ha? bukas na lang" paalam niya at nagmamadaling umalis. Bumaling ako sa likod ko at pinagtaasan siya ng kilay. Nakatingin lang siya sakin habang kunot na kunot ang noo.
"What?" singhal ko sa kanya.
"Sino naman yun?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Ba't galit ka sakin?"
"Galit ba ako?"
"Ba't sumisigaw ka?"
BINABASA MO ANG
Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)
Teen FictionNaranasan mo na bang malunod sa sobrang pag-mamahal. Yung tipong kahit nasasaktan ka na mahal na mahal mo pa rin siya ? Yung nagpapakalunod kang mahalin siya. Samantalang lunod na lunod naman siya sa pagmamahal ng iba. Sino ba ang pipiliin mong sagi...