🌺 Sky POV 🌺"isa pa Alas sasapakin na talaga kita" sita ko sa kanya. Sinimangutan lang ako ng loko. Hinayaan ko lang siya at ipinagpatuloy ang pagtatype sa laptop ko. May reporting kasi ako mamaya at hindi ako nakagawa ng power point kahapon.
"matagal pa ba yan pandak?" nakasimangot niya uling tanong kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Kung hindi mo kasi ako iniistorbo ng kakatanong mong yan edi sana tapos na ako diba?" sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa laptop ko.
"I'm sorry" narinig kong buntong hininga niya kaya nakonsensiya naman ako bigla kaya tiningnan ko siya at hinawakan ang nakapatong niyang kamay sa mesa. Andito kasi kami sa Jambayan.
"Look Alas! I'm sorry okay? Kailangan ko lang talagang tapusin to kasi mamaya ko na to irereport at aaralin ko pa to" paliwanag ko sa kanya. Lumipat siya sa tabi ko at inagaw sakin ang laptop ko.
"Then let me help you, ako na magtatype, just dictate it while your studying it okay?" presenta niya at hinalikan ang sentido ko sabay pisil ng kanang pisngi ko.
I smiled on him.
"Thank you"
"You know that's not what I want to hear" seryoso niyang titig sakin habang sinasabi yan. Pinagkunotan ko naman siya ng noo.
"tss. arte mo! sige na dali na let's do it para matapos na" Sabi ko na lang sa kanya.
Mas lalo siyang sumimangot kaya pinagtawanan ko siya.
"Hindi mo na ba ako mahal pandak?" nakasimangot niyang tanong maya maya ng mag-umpisa na siyang mag-type ng sinasabi ko.
"What are you thinking to asked that?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang"
"Ofcourse I do love you, bakit hindi mo na ba maramdaman?" tanong ko sa kanya.
We've been together for 3 months. Yeah, ganun lang kabilis lumipas ang panahon, parang kailan lang nung bestfriend lang kami diba? Nung hindi niya alam na mahal ko na siya, parang kahapon lang nung di siya makamove on sa ex niya, but now? Boyfriend ko na siya for real!
After 15 mins. tapos na kami kaya inaral ko muna ofcourse with the help of him.
"Ihahatid na kita pandak sa room niyo" nauna na siyang tumayo at binitbit na ang bag ko na may lamang laptop. Inakbayan niya ako ng naglalakad na kami papuntang classroom ko.
"Good luck sa reporting pandak, I love you" sabi niya ng nasa tapat na kami ng classroom.
"Thank you, uuwi ka na ba?" tanong ko habang kinukuha sa kanya yung bag na may laptop.
"Not yet, hihintayin kita"
Umiling ako agad agad.
"3 hours ang klase ko Alas, mabobored ka lang" sabi ko sa kanya.
"kailan ba ako nabored kakahintay sayo?"
Di na lang ako sumagot sa sinabi niya. This man! Napailing na lang ako sa naisip ko.
"O sige na andyan na si prof. I love you" paalam ko bago nagmamadaling tumalikod sa kanya.
"I LOVE YOU TOO !" sinigaw niya yun kaya pinandilatan ko siyang niligon. Umalingaw-ngaw tuloy ang asaran sa loob ng classroom. Tatawa tawa namang naglakad palayo si Alas.
"Sino na ang mag-uulat ngayon?"
Nagtaas na lang ako ng kamay at pinapunta na ako sa unahan. Sobrang kabado pa rin ako kahit na hindi naman ito ang first time kong magtuturo sa unahan.
Nairaos ko naman kahit papano kaya nakakuha ako ng papuri sa professor namin at sinabing handa na daw ako para maging future educator.
Maaga kaming dinismissed kaya sobrang pagbubunyi ang naganap sa classroom. Di pa man ako nakakaligpit ng mga gamit ko ay nasa harap ko na yung sundo ko kaya nagtilian yung kaklase kong mga babae.
"Sana all may Alas!" narinig ko pang tili nung isa kong kaklase kaya tinawanan ko lang siya. Kilala na si Alas ng mga kaklase ko ikaw ba naman halos araw araw hatid sunduin sa klase mo eh.
"How was it?" tukoy niya sa reporting ko, nagthumbs up lang ako sa kanya at ngumiti. Umakbay naman siya sakin at pinauna akong pumasok sa kotse pagdating namin sa parking lot.
"uuwi na tayo ?" tanong ko, pinagkunotan niya naman ako ng noo ng maupo siya sa driver seat.
"Bakit gusto mo pang gumala? tsk! Ang sabi ko kay tito iuuwi agad kita sa bahay after your class"
Nanlalaki bigla ang mata ko.
"Bahay?" patanong kong baling sa kanya ng inistart niya ang engine ng sasakyan.
"Opo! Sa bahay niyo, pero pwede din sa bahay namin" nakangisi niyang sagot at muling ipinukol ang tingin sa kalsada. Inirapan ko lang siya at hindi na lang umimik.
Boring kaming magkasintahan walang kiligan at parang magkaibigan lang ang turingan pero may commitment at mahal namin ang isa't isa. Gets niyo ba? Hahaha
"We're homeeee~" anunsiyo niya at tuloy tuloy sa pagpasok sa loob ng bahay NAMIN. Feel na feel niya namang siya ang anak ng may-ari ng bahay siya pa ang nauna eh!
"Napaaga ata kayo ngayon?" tanong ni mama na kakagaling lang sa kusina.
"Maaga pong natapos klase ni Sky tita" si Alas na ang sumagot. Nag-mano lang ako kay mama at umakyat na sa kwarto ko para magbihis ng pambahay.
Wala namang masyadong ganap sa school pero feeling ko pagod na pagod ako. Nahiga lang ako saglit sa kama ko at di ko alam na makakatulog ako. Nagising na lang ako at bigla kong naalala bigla si Alas na nasa bahay pa nga pala kaya dali dali akong lumabas ng kwarto at naabutan ko si mama na nag-wawalis sa sala, at si papa na umiinom ng kape.
"Ma? Si Alas nakauwi na ba?" tanong ko kay mama, pinagkunotan niya ako ng noo ng saglit na tumigil sa pag-wawalis maging si papa ay napatigil sa akmang paghigop ng kape.
"Kagabi pa nakauwi yung boyfriend mo! ginigising kita kasi di ka na bumaba pagkatapos mong magpaalam na magbibihis ka lang, pero tulog na tulog ka na----"
Di ko na tinapos ang sinasabi ni mama ng napatingin ako sa wall clock sa may sala. Alas otso na ng umaga at maliwanag na nga. Dali dali akong bumalik ng kwarto at kinuha ang selpon sa bag ko.
10 messages and 5 missed call galing sa iisang tao lang.
Patay !
BINABASA MO ANG
Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)
Teen FictionNaranasan mo na bang malunod sa sobrang pag-mamahal. Yung tipong kahit nasasaktan ka na mahal na mahal mo pa rin siya ? Yung nagpapakalunod kang mahalin siya. Samantalang lunod na lunod naman siya sa pagmamahal ng iba. Sino ba ang pipiliin mong sagi...