Drowned in Love (17)

69 12 2
                                    


Chapter 17

🌺 Sky POV 🌺


"Sky ikaw lalaban para sa spoken poetry diba?" tanong sakin ni Ian. Hindi na ako loner ngayon pansin niyo ba? Marunong na ako makipag socialize HAHA.

"Oo nga eh kinakabahan ako ikaw na lang kaya"

"HAHAHA opportunity na nga yun, tyaka ikaw naka assign dun kaya mo yan ikaw pa!" he said cheerfully.

Ang bilis lang ng panahon at Buwan ng Wika na ngayon though next week pa naman yung mga contest pero preparation na ngayon. As expected naman kapag may ganitong event syempre maraming activities especially sa aming mga major in Filipino.

"Ikaw ano sinalihan mo?" tanong ko sa kanya magkatabi kasi kami ngayon. Hinihintay namin yung prof. namin and 25 mins. na siyang late. Sana huwag ng pumasok HAHA. Nakakainis kasi eh preparation week ngayon para sa buwan ng wika pero papasok daw siya.

"Sanaysay"

"Good luck !" sabi ko sa kanya.

"Good luck satin, anong title ng piyesa mo diba dalawang category yun, saan ka?"

Binuklat ko muna yung notebook ko wala kasi akong magawa eh.

"secret muna yung title haha. Uhm, doon ako sa pabigkas yung depende sayo kung anong tema ng piyesa" sagot ko at itinago ko na yung notebook ko.

"Sinong sasali sa pasulat?"

"taga kabilang block eh, nakalimutan ko pangalan, nahihirapan kasi ako gumawa kapag may specific na theme kaya binigay ko sa kanya"

Nag-usap lang kami ni Ian ng mga bagay bagay at natapos ang isang oras walang dumating na professor kaya nag-paalam na kami sa isa't isa. Syempre masaya ako kasi walang lesson pero badtrip at the same time kasi nasayang yung pag-hihintay ko edi sana nakapaghanda na ako para sa piyesa ko diba?

"Pandak !"

"uy Sky !"

Nilingon ko ang mga tumawag sakin at nakita ko yung tatlong sira na mag-kakasama. Sa panahong to himala na yun men kasi naging busy kami lahat sa kanya kanyang course at magkakaiba pa kami ng schedule.

"Ano to reunion?" tanong ko ng makalapit sila sakin. Inakbayan naman ako ni Alas at ginulo ni Pit ang buhok ko kaya pinalo ko ang kamay niya.

"HAHAHA pwede rin ano gala tayo?" pang-aaya ni Gio.

"Game akooooo~" sang-ayon ni Pit habang itinataas niya pa ang kaliwang kamay. Magkaakbay kasi ang dalawa si Gio at Pit.

Napatingin sakin si Alas.

"Sama tayo?" tanong niya sakin.

"Malamang ! Reunion nga diba?"

"Sungit mo!" reklamo niya.

Nag-umpisa na kaming maglakad kami ang naunang maglakad ni Alas habang nasa likuran naman namin yung dalawa.

"Mag-hiwalay nga muna kayo brad !" sita ni Pit.

"Inggit ka lang !" pang-aasar ni Alas. Napailing na lang ako, ano na naman kayang kahihiyan ang mararanasan ko mamaya sa pag-sama sa tatlong sira na to?

"Takte brad lumayo ka nga muna sakin" tinulak ni Gio si Pit kaya napamura naman ang isa.

"Tangna ! bakit ba?" reklamo ni Pit.

May nakasalubong kaming babae at napaubo naman si Gio. Napahinto kami ni Alas at nilingon ang nasa likuran namin. Huminto rin yung babae habang nakangiti sa kanya si Gio. Nakatunganga naman si Pit sa may gilid kaya natawa ako. Pabalik balik lang ang tingin sa dalawa.

"Magandang hapon Akhin !" sa wakas ay bati ni Gio doon sa babae.

"Maganda talaga ako! So if you don't mind don't block my way"

Napahiya si Gio kaya tinawanan naming tatlo.

"Woooaaahhh ! Wala ka pala brad eh" pang-aasar ni Pit kaya sinamaan niya naman ito ng tingin.

"Sungit mo talaga" yun lang sinabi ni Gio saka tumabi. Lumakad naman yung babae at nung tumapat na kay Gio huminto ito.

"Sa susunod wag mong haharangan ang daanan ko, baka di ako makapagpigil isama kita sa lahat ng pupuntahan ko"

Lahat kami nagulat dahil sa binitawang salita nung babae bago ito lumakad palayo.

"Pft. brad ! Ang astig nun ha"

Naunang magreact si Pit at tinapik sa balikat si Gio.

"HAHAHA sino yun?" tanong ko ng natatawa.

"Ang babaeng patay na patay sa kagwapuhan ko" nangangarap niyang sagot at naunang maglakad.

"kaya pala nabara ka kanina eh. HAHAHA" sumunod na din kami sa kanya.

"kanina ka pa ngiti ng ngiti you look stupid !" sita ni Alas sa nakangiting si Gio. Nandito na kasi kami sa loob ng Inasal, nakaorder na kami't kumakain na pero hindi na matanggal tanggal ang ngiti ni Gio.

"Nakakaselos na yan brad ha!" reklamo ni Pit na katabi niya.

"Hindi niyo kasi alam yung feeling brad na may nagkakagusto eh, pare pareho kasi kayong single eh" sabi niya habang sumusubo ng pagkain.

"Ulol mo ! wala kang jowa brad !" si Pit.

"Malapit na at nararamdaman ko na yun" parang siguradong sigurado niya yung sinabi.

"Sino ba? Yung babae kanina?" tanong ko.

"Oo, kita mo naman kung pano siya bumanat Sky diba? Isasama niya daw ako sa lahat ng pupuntahan niya kapag di siya nakapagpigil sakin"

"Pft. Hahaha baka kasi gusto kang gawing body guard brad!"

"Napaka kj mo Pit" sumimangot si Gio dahil sa sinabi ni Pit. Napailing na lang kami ni Alas.

"So sino nga yun?" tanong ni Pit. Bumaling na lang ako sa kinakain ko.

"Akhinacxia !"

"Gago ! ang possessive mo pala brad, wag kang mag-alala wala akong balak agawin yun kaya sayo lang talaga siya" binato pa ni Pit ng buto ng manok si Gio kaya napamura naman ito.

"Tangna brad ang bastos mo ! Yun kasi yung pangalan niya" reklamo ni Gio habang tinatanggal yung buto sa damit niya.

"Ugh ! Stop it guys will you? Wala kayo sa bahay niyo have some etiquette" saway ko sa kanila. Napapatingin na kasi sa table namin yung ibang costumer at nakakahiya yun.

Napatingin naman ako sa katabi kong walang pakialam at abala lang sa pagkain. Sinamaan ko siya ng tingin ng kinuha yung manok ko.

"Ang takaw mo, mabilaukan ka sana"

Kakasabi ko pa lang ng umubo ubo siya at uminom ng tubig. Natawa kaming tatlo ng nabilaukan nga si Alas.

"Ang powerful ng bibig mo Sky" namamanghang sabi ni Gio.

"nakakatakot na yang bibig mo Sky ha" si Pit naman.

"bilis ni karma no?" tanong ko kay Alas with a sarcastic tone.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon