Drowned in Love(5)

155 54 49
                                    


Chapter 5

🌺 Sky POV 🌺

Hawak hawak niya ang kamay ko palabas ng school, tumigil na yung ulan kaya kahit hindi na kami gumamit ng payong ayos lang. Basa pa rin siya.

"uy brad san punta?"

"kailan ka pa natutong mambabae? Congrats brad sa wakas natauhan ka na rin"

"teka bakit basang basa ka?"

Nakasalubong namin sa may gate yung dalawa niyang bugok na kaibigan. Sino na nga yun Gio? Ahh basta siya yung tumulak kay Alas kaya---- nevermind.

"tabi mga brad, di na makapaghintay to" sabi ni Alas doon sa mga kaibigan niya at tinapik lang ito sa balikat atsaka na naman ako hinila.

"mukhang hindi ka na papapigil ha?"

"Hahaha. wag masyadong harsh brad ha? Be gentle kay fc mo !!!"

"Mga gago !" sigaw ni Alas nagtawanan naman yung dalawa habang ako di ko mapick up yung pinagsasabi nila.

"Hindi ako fc !!" sigaw ko din sa kanila pero nakalayo na sila

"Pft. talaga?" natatawang tanong ni Alas

Binawi ko nga kamay ko mamaya may makakita pa samin maissue pa kami, may girlfriend pa naman siya .

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit feeling close ba ako sayo? Ikaw nga tong bigla bigla na lang nanghihila palagi"

Tinawanan niya naman ako. Siraulo na talaga toh !

"HAHAHA. You're interpretation is false Miss. It's flat chested and not feeling close"

Tiningnan ko muna siyang tumatawa. Hindi pa kasi naaabsorb ng utak ko ang sinabi niya.


"Pervert !"

"--aw-ray ha ! HAHAHA. bakit flat naman talaga ha?" natatawa niya pang dagdag tyaka tiningnan ang dibdib ko namula naman ako sa inis.

"Napakabastos mo talaga ! dyan ka na nga!" Padabog ko siyang iniwan papasok na sana ako pabalik sa school ng maalala kong nag-skip nga pala ako ng klase.

Nakasalubong ko naman siya na nakangisi pa rin na parang nauulol.

"You really can't resist me"

Ang kapal ng mukha niya. Di ko na lang siya pinansin at nilampasan ko lang siya kaso ang gago hinila yung kamay ko.

"Wait lang Miss---"

"Bitawan mo nga ako ! Mamaya manyakin mo na naman ako"

"I'm not. I'm just telling the truth here"

"truth mo utot mo! Tigilan mo ko!"

Nabawe ko naman yung kamay ko pero nakasunod pa rin siya sakin.

Nang may dumaan na sasakyan Basta na lang niya ako hinila at pinara yun saka kami sumakay.

"kidnnaping to ha?" bintang ko pero ano pang ineexpect mo sa Alas na to? Wala tinawanan lang ako.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon