🌺 Sky POV 🌺Nakailang ring muna bago niya sagutin ang tawag ko.
'hello?' napatingin ako sa caller ID kung tama ba ang natawagan ko at pangalan naman ni Alas ang nakalagay doon.
"Ahh whose this?" tanong ko sa babaeng sumagot sa kabilang linya.
'It's Kira, Ace classmate'
Napatango ako as if na nakikita niya. I remembered her, siya yung pinagseselosan ko na kaklase ni Alas na kung makadikit sa boyfriend ko parang close na close sila. Tsk!
"Can I talk to him?" nag-aalangan kong tanong. And I don't know kung bakit nasa kanya ang selpon ng boyfriend ko! I know Alas schedule at hindi sila magkaklase ngayong araw, kasi every Thursday lang naman sila magkaklase at sa iisang subject lang naman. Samantalang mamayang alas dyes pa ang klase ko, at maaga naman ang pasok ni Alas ngayon.
Nabagot naman ako sa biglaang pananahimik sa kabilang linya. Hindi ko naman iniisip na niloloko ako ni Alas, co'z I trust him, but ofcourse, di ko itatangging nakakaramdam ako ng selos!
"Hello?" muling imik ko at naiinip na ako. Nainis ako ng makarinig ako ng dial tone sa kabilang linya, kaya di ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
Bakit hawak ng Kirang yun ang selpon ng boyfriend ko?! At nasaan si Alas? Ano bang ginagawa nila? Di ako mapakali kaya panay ang ikot ko sa loob ng kwarto.
Maya maya pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang cp ko at nakatanggap ako ng text mula sa number ni Alas.
'i'm sorry, naputol ang tawag, sasabihin ko na lang kay Ace na tumawag ka.
Kira to'
Sa sobrang gigil ko sa nabasa ko naitapon ko sa kama ko ang selpon ko. Napaka OA ko pero masisisi niyo ba ako kung nakakaramdam ako ng ganito? Di ko alam kung kanino ako maiinis, kay Alas ba, kay Kira o sa ka-OA-han ko!
"Sky ! bumaba ka na dyan at mag-almusal" dinig kong tawag ni papa.
"Opo, teka lang !" sagot ko na ngayon ay tinitingnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Para akong tanga !
Sa huli ay napagdesisyunan ko nang bumaba para mag-almusal. Di ko alam kung bakit tinanghali ako ng gising.
"Si Skyler ma?" tanong ko kay mama na tinutukoy ang bunso kong kapatid na lalaki.
"Pumasok na kanina pa, himala ata at ngayon mo lang hinanap yun?"
Nanahimik na lang ako dahil sa sinabi ni mama, yun kasi ang totoo. Di kami super close ng kapatid ko kahit dalawa lang naman kami, mas close pa nga sila ni Alas eh. Napaismid ako ng maisip ko si Alas. Siguraduhin niya lang na katanggap tanggap ang rason niya kung bakit na kay Kira ang selpon niya.
"Ma, papasok na ako sa trabaho" paalam ni papa kay mama na bahagyang nakasilip sa kusina.
Isinubo ko ang tinapay habang nakatulala sa kawalan.
"Sige pa, ingat ka" bagaman di nakapako ang atensiyon ko sa kanila ay kita kong nilapitan ni mama si papa para humalik sa pisngi. Sanay na ako na ganyan sila, kami kaya ni Alas ganyan din? Napailing ako sa naisip ko. Naagaw naman ni papa ang atensiyon ko.
"Ikaw ate, sasabay ka na ba sakin?" tanong niya sakin kaya saglit ko pa siyang binalingan ng tingin. Umiling ako.
"Mamaya pa pasok ko pa, baka malate ka na" yun lang sinabi ko.
Pagkatapos ko mag-almusal ay naghugas lang ako ng mga pinaggamitan ko. Umakyat na ulit ako sa kwarto para maghanda dahil pasado alas nuwebe na at ayoko malate ngayon.
Nag-handa lang ako ng isusuot at pagkatapos ay naligo at nagbihis na.
"Ma~" pagtawag ko kay mama, nakita ko siya sa may mini garden. Di naman kalakihan ang bahay namin kaya madali ko lang siyang nakita.
"Pasok na po ako" paalam ko sa kanya.
"Ingat ka! di ka ba susunduin ni Ace ngayon?"
Napairap ako sa kawalan.
"Maagang pumasok yun ma! Sige na po alis na ako"
9:45 na ng makarating ako sa school kaya nagmadali na ako sa paglalakad. Terror ang Prof. namin ngayon kaya bawal malate!
"Kanina pa kita hinihintay" napahinto ako ng makita ko si Alas na nakasandal sa may railings ng hagdan. Nasa second floor kasi ang classroom ko ngayon.
Ngiting ngiti siya ngayon kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Naalala ko lang tuloy ang kanina ko pang tanong kung bakit na kay Kira ang selpon niya.
"Ba't di mo sinasagot mga tawag ko? You didn't even reply to my messages" muli niyang tanong nang di ko siya kibuin kanina.
So nasa kanya na ngayon yung selpon niya?
Naglakad ulit ako ng maalala kong naiwan ko nga pala ang selpon ko.
"Nakalimutan ko ang selpon ko" tuloy tuloy akong naglakad nakasunod lang naman siya.
"Are you mad?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Hindi !" tipid na sagot ko. And I am telling the truth hindi naman ako galit sa kanya.
"Then why are you acting like that?" nauna siyang lumakad at hinarap ako. Naiinis na din ako sa sarili ko kung bakit ba ang babaw ko. I just feel like I wanted to have fights on him. Gustong gusto ko kasi kapag nilalambing niya ako. Wag kayong ano girls parang di kayo ganito. Hahaha
"I am like this" I answered at muling lumakad pero humarang ulit siya, kaya pati yung mga nasa corridor ay napapatingin sa gawi namin.
"Tell me, kung bakit ganyan ka, it's not your usual"
Inirapan ko lang siya at tiningnan ko ang wrist watch ko and it's says 5 mins. before 10.
"If you won't mind, malelate na ako" pag-iinarte ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga at tumitig sakin saglit. Puno ng pagpapasensiya, gustong gusto kong yakapin siya pero pinanindigan ko ang pag-iinarte ko. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko.
"Okay let's talk later okay? Let's eat our lunch together" malumanay niyang sabi.
"1:00 ang out ko at 11:30 ang out mo" sagot ko sa kanya.
"Then hihintayin kita"
Nakonsensiya ako bigla. Napapikit ako at muling tinitigan siya.
"You don't have to Alas, baka walang kasabay mag-lunch si Kira" saglit siyang natigilan at umawang ang kanyang bibig na para bang may sasabihin subalit naunahan ko na siya.
"Excuse me pasok na ako"
Mabibigat ang hakbang na nilampasan ko siya. Gusto kong maiyak, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko simpleng dahilan lang naman yun diba, ano naman kung hawak ni Kira yung selpon niya, baka nanghiram lang naman diba? Pero kasi di matahimik ang loob ko. Natatakot ako na may namamagitan sa kanila, pero hindi naman siguro ganun si Alas diba?
Shit ! Mababaliw na ako!
BINABASA MO ANG
Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)
Teen FictionNaranasan mo na bang malunod sa sobrang pag-mamahal. Yung tipong kahit nasasaktan ka na mahal na mahal mo pa rin siya ? Yung nagpapakalunod kang mahalin siya. Samantalang lunod na lunod naman siya sa pagmamahal ng iba. Sino ba ang pipiliin mong sagi...