Drowned in Love(15)

90 14 11
                                    

Dedicated to akhinacxia please enjoy !

Chapter 15

🌺 Sky POV 🌺

It's been a month. Sobrang bilis ng panahon parang kailan lang excited pa ako kasi bakasyon na, tapos ngayon pasukan na naman.

Sa mahigit 2 buwan na nakalipas marami ang nangyare. Like mas naging close ako sa dalawa kay Pit at Gio wag na nating isali si Alas kasi expected na yun.

Kung itatanong niyo naman ang lagay ng puso ko? Makakasurvive pa naman. Hindi na sila nagkabalikan pa pero di naman na ako umaasang mamahalin ako ni Alas pero may part sakin na umaasang magiging kami ang gulo no?

"Nakita ko si Chelsea kanina pandak"

Heto na naman po tayo. Sa loob ng dalawang buwan walang araw na hindi niya nababanggit yung ex niya. At sanay na din ako na pandak ang tawag niya sakin pinanindigan ng loko eh.

Nasa moving on stage parin kami. Oo kami kasi nga diba? Tinutulungan ko siyang makalimot pero ewan ko at parang wala man lang progress.

"Unang araw ng pasukan ngayon Alas at wag mong sisirain ang araw ko sa pagbanggit tungkol dyan sa ex mo!" padabog ko siyang iniwan sa daan.

Puro na lang Chelsea ! Chelsea ako naman tong kasama niya palagi.

"Sky hey !" nakasalubong ko si Pit kaya huminto ako.

"Hello Piiiiiit !!" binati ko siya pabalik at niyakap.

"Ganun mo ba ako namiss at sobrang higpit ng yakap mo--- Aww!" daing niya ng kinurot ko siya bago pakawalan.

"Isang linggo ka din sa Palawan eh kaya namiss ko din naman yung kalokohan mo---- pasalubong ko?"

"Sabi na nga ba eh kaya mo lang ako niyakap kasi may gusto kang makuha--- teka asan si Ace?"

"Iniwan ko kanina malay ko kung saan na nagsusuot yun" kibit balikat kong sagot.

"buti naman at masosolo kita HAHA"

"loko !"

"si Gio nakita mo na?" tanong ko ng nagsimula na kaming maglakad niyaya niya kasi ako papuntang canteen.

"di pa hayaan mo na yun, pagala gala lang yun alam mo naman ang isang yun di napirmi sa isang lugar"

Natawa lang ako sa sinabi niya, ganun naman kasi silang tatlo eh.

"Anong sayo Pit?" tanong ko ng nasa canteen na kami.

Pft. Makatanong ako akala mo ako magbabayad noh? HAHA libre niya daw ako eh.

"Ikaw"

"Ha?" medyo nagulat ako sa sinabi niya kasi may mga nabasa ako at napanood na ganitong scene eh.

"Ikaw kako ! Kung anong sayo yun na lang din sakin" he answered casually.

Sorry na nagiging assuming na ata ako HAHA.
Baliw ka Sky si Pit yan kaya malabo ang iniisip mo.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon