Drowned in Love(7)

120 47 32
                                    


As promise I'll return the favor so itooooo naaaaa this chapter is dedicated to -kimichix- thank you very much sa nakaka overwhelmed mong mensahe ^____^ para sa baguhang kagaya ko ay nakakakilig yun.

Chapter 7

🌺 Sky POV 🌺

"CUT !"

Napairap ako sa dahil sa sigaw at inis na binalingan siya.

"Ano na naman bang problema mo?"

"Romance ang genre ng kwentong toh guiz pero di ko magawang kiligin sa inyo"

Napahawak ako sa sentido ko, at sa isip ko pinapatay ko na siya. Kanina pa kami paulit ulit sa scene na to at ginagawa naman namin ang nakalagay sa script pero hindi ko maintindihan ang Alas na to at kanina pa cut ng cut hindi naman siya ang director.

"Sorry naman diba ?! Hindi kasi kami mga artista!" pairap kong sagot

"guys chill lang ha?! Uhm Sky at Jim medyo kasi kulang ang chemistry niyong dalawa. No offense ha? pero kasi may point si Ace" awat ni Mia yung director namin.

"Sabi kasi sayo ako na lang maglelead man, ayaw mo" bulong bulong na sagot ni Alas.

Di ko pinansin yung sinabi ni Alas.

"Sorry Jim pati ikaw nadamay pa"

"Ayos lang Sky, kung hindi ka komportable sakin okay lang naman na maging supporting actor ako----"

"ano ka ba?! Hindi yun may saltik lang talaga yang Alas na yan"

Gumagawa kasi kami ngayon ng movie kasi yun yung finals namin sa isang minor subject kung saan kaklase ko si Alas. And it's been a month and marami ng nangyare. Hindi man ako pumapayag pero self proclaimed ng gagong si Alas na magbestfriend na kami pati nga yung dalawa niyang kaibigan na si Gio at Pit kaclose ko na din. Syempre noong una medyo naiilang pa ako kasi kung naaalala niyo pa ang una naming pagkikita pero sabi nila kalimutan na daw namin yun.

Pero di ko lang maintindihan si Alas ngayon at nakakabadtrip siya.

Pinaready na ulit kami ni Mia.

"Scene 5--- Take 7 Action !!!"

Naupo ako sa isang bench at tinanaw ang malawak na rice field nang biglang may tumakip sa mga mata ko.

"Jim alam kong ikaw yan" napapangiti kong sabi

Bigla niya naman akong niyakap.

"Pano mo nahulaan?" tanong niya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Syempre kapag mahal mo kahit hindi mo nakikita nararamdaman mo" sagot ko.

Napangiti siya sa sinabi ko atyaka kumalas sa yakap at naupo sa tabi ko.

🔥 Ace POV 🔥

"sino bang nagsulat ng concept ng kwentong to?" medyo may pagkainis kong tanong habang pinapanuod ko ang best friend kong si Sky at ang kagrupo naming si Jim na umaacting.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon