Drowned in Love (26)

52 2 0
                                    


🌺 Sky POV 🌺

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Ngayon ko masasabi na madalang na lang kaming magkita ni Alas, dahil finals na ngayong first sem at kailangan ng seryosong oras para maipasa lahat ng kailangan.

Tatlong subjects palang ang napapasahan ko ng requirements at kailangan ko pang bunuin ang anim na natitira. Naiinis ako sa mga minor subjects na kung makahingi ng requirements ay daig pa ang major.

Abala ako sa paghahanap ng librong kakailanganin ko ng may makabangga sakin kaya napaharap ako para lang makita ang isang lalaking may katangkaran na may inaabot na libro. Bagaman natatakpan ako dahil na rin sa maliit lang ako at may katangkaran siya, iisipin ng iba na yakap niya ako. Nakahawak kasi ang isa niyang kamay sa estante sa may gilid ko habang kinukuha ang libro sa may gilid ng tenga ko gamit ang isang kamay.

Sinulyapan ako ng lalaki at doon ko lang siya nakilala.

"Hi Sky" nakangiting bati nito sakin, di alintana ang posisyon namin.

Siguro kung freshmen pa rin ako at hindi ko pa nakikilala si Alas ay kikiligin ako sa kanya, isa kasi siya sa silent crush ko na tanging ako lang ang nakakaalam.

"Kuya t-troy" naiilang na tugon ko. Gulat man kung paano niya nalaman ang pangalan ko ay nagawa ko pa ring tumugon sa kanya. Mas matanda kasi siya sakin at 3rd year na siya, taking up Financial Management.

Dumistansiya siya nang makuha ang libro kaya naibuga ko ang hanging kanina ko pa pinipigilang ilabas.

"Anong hinahanap mo?" tanong niya. Tumalikod ako sa kanya at muling hinarap ang mga libro.

"Mga case study sana po kuya, kailangan ko kasi ng idea para sa case study ko" sagot ko na tinanguan niya. Muli niya naman akong tiningnan at itinuro kung saan ko yun makikita.

Sinamahan niya pa ako at siya na rin ang kumuha kaya nag-pasalamat naman ako.

Nag-paalam na ako sa kanya na mauuna na ako, pumunta muna ako sa Librarian para magpaalam na hihiramin ko yung hawak kong libro. Pina-fill up niya lang ako ng form at binilinan na bawal kong kopyahin ang anumang mga information na naroon at bawal akong mag take ng picture nun. Sinabi ko naman na babasahin ko lang para magkaroon ng idea.

Wala akong natanggap na text kay Alas ng sinabi kong pauwi na ako. Naglalakad na ako nun palabas ng gate ng matanaw ko siya habang akay akay si Chelsea. Hindi man tugma sa sitwasyon ng makita kong iika ika ito, pero nakaramdam ako na parang biglang may kumirot sa parteng dibdib ko.

Nang makalapit sila sa gawi ko ay tiningnan lang ako ni Alas, tila ba normal lang na nagkita kami sa ganoong sitwasyon.

"Ihahatid ko muna siya sa clinic"

Napatango lang ako sa kanya. Tiningnan naman ako ni Chelsea at hindi ko alam kung anong emosyon ang pinapakita niya.

"Uuwi ka na?" muling tanong ni Alas, nakita ko nang hawakan niya sa bewang si Chelsea at nakaakbay naman ito kay Alas.

Muli akong tumango bilang sagot. Di ko mahanap kung nasaan na yung bibig ko at tanging tango lamang ang kaya kong gawin.

"Okay, ingat" yun lang at inakay niya ng muli si Chelsea. Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko at sinundan sila ng tingin.

Dapat ko bang intindihin ang sitwasyon? Bakit ganun ang pakikitungo niya sa akin? Umiling ako at nag-simula lang ipagpatuloy ang paglalakad ng mawala na sila sa paningin ko.

Lumipas ang araw na iyon ng walang paramdam si Alas kaya heto ako't napaparanoid na naman. Panay ang tingin ko sa selpon ko umaasang may text o tawag siya kahit alam kong maririnig ko naman kung sakaling tumunog iyon, habang di ako makapagfocus sa binabasa ko.

"Ano ba ate ?! Para kang tanga diyan! " nabaling ang tingin ko sa kapatid kong kasalukuyang nanunuod ng TV.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin. Panay lang ang reklamo niya kaya sa huli ay napagdesisyunan kong sa kwarto ko na lang ipagpatuloy ang ginagawa. Nahihiya naman akong magtanong kina Pit at Gio kung nagtxt o tumawag ba sa kanila si Alas, alam kong busy din kasi ang dalawang yun. Nakatulugan ko na lahat wala man lang akong natanggap.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga ang pasok ko. Pagdating ko sa school ay nakita ko si Gio.

"I'm sure maganda ang umaga mo dahil ako ang bumungad sayo" inismiran ko siya na ngayon ay ngiting ngiti. Nakita ko kasi siyang papasok na din sa gate.

"Hindi maganda ang gising ko, lalo pang pumangit dahil ikaw ang unang nakita ko" nakasimangot na sabi ko at nilampasan siya. Sumabay naman siya ng lakad sakin.

"Bantayan mo yang Alas mo, kita kong may umaaligid aligid diyan sa boyfriend mo" bulong niya na nakapagpahinto sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw din" sabi niya lang at nauna ng maglakad humabol naman ako sa kanya.

"What do you mean by that?" habol ko sa kanya.

"Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin Sky, hindi naman sa iniisip kong kaya kang lokohin ng kaibigan ko pero sana aware ka kung gaano nabaliw yun noon sa ex niya, baka magising ka na lang isang araw nakabalik na siya sa nakaraan at makalimutan niya na kasama ka niya sa kasalukuyan" mahabang litanya niya. Sa sobrang haba ay wala akong naintindihan or kung meron man, pinili ko lang na wag intindihin, Kasi ayaw kong intindihin.

Masyado akong binagabag ng mga sinabi ni Gio, kayat lutang ako sa mga exams ko sa ilang subjects. Alam kong si Chelsea ang tinutukoy ni Gio, nakita niya din siguro ang nakita ko kahapon pero sapat na ba yun para kabahan ako?

Pero nakumpirma ko yun ng makita ko sila sa canteen na nagtatawanan na para bang may isang nakakatawang joke na ngayon lang nila narinig kaya sobra silang nataws.

Umurong ang gutom ko dahil sa nadatnan ko, tatalikod na sana ako para lumabas ng makita kong napatingin sa gawi ko si Alas. Unti unting napawi ang tawa niya, nakita kong tumayo siya at parang kinausap si Chelsea kaya tuluyan na akong tumalikod paalis.

Naging tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko't di ko alam kung dapat ba akong magulat na napunta ako sa may garden. Alam ko naman kasing walang tao doon kaya ayos lang kahit tumulo ang uhog ko. HAHA

Umupo ako't sumandal sa puno tyaka tumingala para naman bumalik yung mga luha ko. Alam ko wala namang masama sa nakita ko pero bakit nasasaktan ako?

"Sky ?"

Napunasan ko bigla ang luha ko't napatingin sa kanya.

"Di pa ata kayo tapos kumain, ayos lang ako makakapaghintay naman ako Alas" tuloy tuloy na sabi ko bagaman nakangiti ay pumipiyok piyok ang boses ko.

"I'm sorry" napapatungong sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at mataman siyang tinitigan.

JeyRa's Note:
Heto na🙈 oh my gosh !!! Sorry sa napakatagal na update huhu.. Wala na siguro akong babalikang readers, Alam kong walang nag stay pero ayos lang haha tagal Kong nawala eh 😔

If ever man na may matiyagang naghintay thank you so much, and please click the star below. Enjoy 😉

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon