Drowned in Love (18)

64 11 2
                                    


Chapter 18

🌺 Sky POV 🌺

"Si Alas po nandito ba?" tanong ko sa babaeng nasa may pintuan.

"I'm sorry?" tanong niya pabalik.

"Ah ! I mean si Ace"

"Ahh.." tumingin siya sa loob kaya nakisilip din ako nakita ko siyang may kausap na babae habang hawak hawak niya ang isang gitara pero di naman siya tumutogtog, nag-tatawanan lang sila nung babae. Nakaramdam ako ng kunting kirot. Kinantahan niya kaya yun?

Ano ba sky ? Classmate niya yun okay! Alalahanin mo walang kayo.

"Ace may naghahanap sayo" tawag nung babaeng pinagtanungan ko. Napatingin sila pareho sa amin. Saglit pang tumingin sakin yung babae at saka tumingin kay Alas at ngumiti.

"Thank you" sabi ko doon sa babaeng kaklase ni Alas nung nakita kong papalapit na si Alas. Nginitian niya naman ako at saka umalis.

"Miss mo agad ako pandak?" ngiting ngiti niyang tanong. Inirapan ko siya at sinulyapan ko yung babaeng kausap niya kanina nakatingin lang ito saamin.

"bag ko po?"

"ahh oo nga pala teka lang ha?" bumalik siya sa loob at kinuha ang bag ko. Kanina kasi dinala niya yung bag ko nung nag-meeting kami para sa contest next next day. Ang bigat nun kaya nag-volounteer siya na siya daw muna magdadala.

"dala mo ba lahat ng gamit sa bahay niyo at ang bigat nito?" reklamo niya habang inaabot sakin ang bag ko.

"Hindi noh" nakasimagot kong sagot.

"kaya ka di tumatangkad eh" asar niya at ginulo ang buhok ko kaya pinalo ko ang kamay niya.

"whatever !" inirapan ko ulit siya at sinimangutan. Sinuot ko na ang bag ko.

"Layas na ako !" paalam ko sa kanya.

"May klase ka ngayon?" tanong niya umiling lang ako.

"ako din, sama na ko sayo" papasok na sana siya kaya lang pinigilan ko.

"wag na! dito ka lang muna baka may maghanap sayo" sagot ko habang pasimpleng sinulyapan yung babaeng kausap niya kanina. May kausap na itong iba. Tiningnan ko si Alas na nakakunot ang noo sa akin.

"Sino?"

"Wala makipag-usap ka muna sa mga kaklase mo, ayoko maistorbo at naghahanda ako para sa contest ko"

Dumiretso ako sa library mabuti pa dito kasi tahimik at makakapagfocus ako. Pero kanina pa ako tulala sa kawalan. Nagsusulat kasi ako ng piyesa ko at paulit ulit sa utak ko ang scene kanina. Nakakafrustrate !

Argh.

2 days na lang at contest na pero wala pa akong piece na natatapos. In the end umuwi ako ng maaga at doon ko na lang sa bahay ipinagpatuloy.

Tumawag sakin si Alas at tinatanong kung nasan daw ako kaya sinabi kong nakauwi na ako kaya ayun nagtampo ang loko. Pero nainis naman ako ng may narinig akong babae sa background niya. I asked him kung sino yun si Kira daw classmate niya kaya binabaan ko at inoff ang phone ko.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon