🌺 Sky POV 🌺"Sky ! paserve ng table 7" utos nung president ng booth namin.
It's foundation week kaya, sobrang busy ko. Ngayong araw kasi ang sched ko para maging server sa booth ng Filipino major club. Isang mini resto ang booth na pinili namin with the name na "Date Me Crush". Sobrang dami ng pumupunta kaya napakahaggard ko na dahil apat lang kaming server dito. Pwede dito ang couple, blind date, or yung set up date na napagtripan ka ng mga kaibigan mo sa crush mo. It's your time to confess to your crush kaya dinudumog talaga ang booth namin.
Pumunta ako ng table 7 at nakatalikod sakin ang lalaki at nakacap ito kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa hawak kong notebook na nililistahan ng order.
"Hi sir good afternoon, may I take your order?" magiliw kong bati sa kanya ng tumayo ako sa harap niya.
Inangat niya ang tingin niya kaya nakilala ko naman ito agad kung sino. Kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Hi Miss, uhm ! Can I have YOU?"
Tinalikuran ko siya at naramdaman ko namang tumayo ito.
"Please"
Humarap ako sa kanya kaya nakita ko kung paano na siyang nakasimangot ngayon sa harap ko.
"Di pa ako tapos sa shift ko Alas !" paliwanag ko sa kanya.
"I already talked to your President and she said yes"
"The answer will still depend on my decision, besides nakakahiya naman kung iiwan ko sila dito lalo pa at andami ng costumer ohh" inilibot ko ang paningin ko para kumpirmahin na tama ang sinabi ko.
"Then I'll pay them, just please be with me please pandak, maghapon kitang di nakasama eh" he pouted.
Di makapaniwalang binaling ang tingin ko sa kanya. Nahahabag naman ang kalooban ko ng makita ko kung gaano siya kalungkot. Kinikilig ako sa kanya at the same time kasi handa siyang magbayad ng malaki makasama lang ako, pero di naman ako pwedeng umalis na lang bigla since it's my duty.
"Then wait till matapos ang shift ko, then sayo na lahat ng oras ko"
"Masama bang makasama ang girlfriend ko ngayon na mismo?" nakapout pa ring tanong niya. Parang may kumiliti naman sa tiyan ko ng banggitin niya ang salitang girlfriend.
"Sky ! Table 10"
Pareho kaming napalingon sa president ng booth ng tawagin ako nito, tiningnan ko muna si Alas na malungkot na nakangiti sakin, humihingi ako ng paumanhin bago ako pumunta sa table 10 para kunin ang order nila.
3 days pa lang mula ng maging kami at nagkakaconflict na agad kami sa schedule. Haist !
After kong makuha ang order sa table 10 ay sumulyap ako sa tinatayuan ni Alas kanina at ganun na lang ang dismaya ko ng makitang wala na siya doon. Napabuntong hininga na lang ako at malungkot na tinungo ang counter para ibigay ang list ng order.
Bagot na bagot kong hinintay na matapos ang shift ko kaya ng sabihin ng President na pwede na akong umalis kaya patakbo akong lumabas ng mini resto na classroom lang naman.
BINABASA MO ANG
Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)
Teen FictionNaranasan mo na bang malunod sa sobrang pag-mamahal. Yung tipong kahit nasasaktan ka na mahal na mahal mo pa rin siya ? Yung nagpapakalunod kang mahalin siya. Samantalang lunod na lunod naman siya sa pagmamahal ng iba. Sino ba ang pipiliin mong sagi...