Drowned in Love (19)

67 11 3
                                    


Chapter 19

🌺 Sky POV 🌺

Kinabukasan kabadong kabado ako. Di kasi ako nakatulog ng maayos at hindi rin ako nakapagpractice. Ngayon na kasi itatanghal yung sa spoken poetry at kinakabahan ako ng todo! Buti na lang at memorize ko na yun.

Pumunta ako ng school 1 hour before the contest. Iniiwasan ko kasi si Alas malay ko ba kung nagets niya na yung huling sinabi ko sa kanya bago ako nag-walk out. Ayoko pa siyang makausap.

Nakasalubong ko si Pit at Gio kaya kinabahan ako kasi baka kasama nila si Alas.

"Good luck Sky, ichecheer ka namin" ngiting ngiti na sabi ni Gio.

"galingan mo ha?" Sabi naman nj Pit.

"Wag kayong maingay mamaya ha? Kukutosan ko kayo pareho" banta ko sa kanila.

Nagpaalam na ako sa kanila na pupunta na akong back stage. Hahanap na din daw sila ng mauupuan.

Sobra sobra na talaga ang kaba ko. Papasok na ako ng back stage ng makasalubong ko si Alas. Parang gusto kong bumalik sa pinanggalingan ko at lumihis ng daanan para di siya makasalubong.

"Sky---" lalapit sana siya kaso

"Sky bilisan mo girl kanina ka pa hinahanap punta na daw lahat ng contestant sa back stage" sabi sakin ni Ate Miles. P.I.O ng SAMAFIL.

"opo ate papunta na ako" sabi ko sa kanya at tumingin kay Ace nginitian ko siya ng tipid.

"Good luck !" he mouthed.

Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga nanunuod habang nagpeperform yung mga naunang contestant. Habang palapit na palapit ang bilang mas lalo akong kinakababan. Alam ko kasing manunuod siya.

Ang gagaling ng mga kalaban ko. Kaya tinatak ko sa isip ko na kahit hindi ako manalo ayos lang basta makapagperform ako.

"At ngayon tawagin naman natin ang susunod na kalahok mula sa ikalawang taon at isa ito sa nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino---"

Pakiramdam ko kakawala na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

"Bb. Sky Albares!"

Umakyat na akong ng entablado at nalula ako sa dami ng bilang ng mga nanunuod.

"Go Sky !!!!! Galingan mo woooaaahhh !" narinig kong cheer ni Gio

"Kaibigan namin yan" sigaw naman ni Pit nakatayo pa talaga ang dalawa habang pumapalakpak kaya nginitian ko sila.

Nag-simula nang tumugtog yung background music.

Hanggang Kailan
by: Eric Santos

Inilibot ko ang tingin ko at hinanap siya sa maraming tao.

"Magandang hapon po sa lahat ng naririto" bati ko sa lahat nagsigawan naman yung mga nakakakilala sakin lalong lalo na yung dalawa.

Napaka supportive nila. Dumako ang tingin ko sa matangkad na lalaking nakatayo habang nakatingala sa akin at napatingin ako sa kasama niya.

It's Kira again kaya iniwas ko ang tingin ko.

"---Ang piyesang ito ay pinamagatan kong Lunas o Pamunas"

Narinig kong may mga nagreact pero di ko na lang pinansin kasi nag-simula na ako.

~Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa kaya hayaan mo akong itanong sayo.
May pag-asa bang maging tayo?
Sabihin mo lang ang dalawang letrang hinihintay ko.
Ipaglalaban ko ang nararamdaman kong ito.
Pero----- bago tayo dumating sa pinakapunto ng tulang to.
Naguguluhan kasi ako sa kung ano ba ako para sayo.
Ano bang ganap ko sa buhay mo?
Naguguluhan kasi ako sa relasyon nating walang label.
Gusto kong malaman ang aking papel.....
Ano ba ako para sayo?
Taga punas ng luha mong pumapatak.
O
Lunas sa puso mong wasak?~

Habang binibitawan ko ang mga salitang yan nakatingin lang ako sa kanya. Nakatitig lang din siya sakin. At this point wala na akong pakialam sa iba.

~Alam ko namang siya parin ang mahal mo.
Pero masama ba kung aasa akong baka mapansin mo din ako.
Baka sakaling makita mo din ako.
Hindi bilang isang sandalan, kundi bilang kasintahan----

Pakiramdam ko kasi kami lang dalawa at umaamin ako sa kanya sa pamamagitan ng pag-tula.

~Sana alam mo ng mahal kita.
Kaya hayaan mo akong maging taga punas ng iyong luha.
O lunas sa puso mong winasak niya.
Magmukha man akong tanga sa paningin ng iba, Wala akong paki kasi totoong gusto kita.

Pagtatapos ko.

"Maraming salamat po" nag-sigawan sila may mga nag-asaran pa nga pero tumalikod na ako at binigay sa emcee ang mic.

Pagbaba ko ng back stage nakatanggap ako ng kaliwa't kanang komento.

"Para kanino yun ha? Nanood ba?" pang-uusisa ni Ayeth isa sa contestant. Tinawanan ko lang siya.

"Nakakaiyak na nakakakilig grabe ka gurl" komento naman ni Macky or Macy daw sabi niya.

Nag-thank you lang ako sa mga papuri nila at nag-stay pa doon. Nahihiya kasi akong lumabas kasi baka makita or makasalubong ko siya. Naduduwag ako sa magiging reaksiyon niya.

Pero di naman tayo sigurado kung alam ba niya na siya yung tinutukoy ko diba?

Argh. Di ko na alam.

Inanounce na yung mga nanalo at hindi ako ang nagchampion. 2nd runner up lang ako well not bad kasi di naman talaga ako umasang manalo diba?

Kinongratulate lang kami at binigay samin ang premyo. 2k ang nakuha ko since 2nd runner up lang ako at certificate.

Panay pa ang sigaw sakin ng dalawa habang binibigay sakin yung premyo ko.

"Yes nangangamoy Jollibee !" sigaw ni Gio kaya tinawanan siya ng mga tao.

Loko talaga yun. Sa back stage muna ako dumiretso since hindi pa ako handang makita siya.

Pero sa kakaiwas ko saka naman ako minalas kasi pagbaba ko sa back stage.

"Sky ! Can we talk?"

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon