Drowned in Love (11)

109 31 11
                                    


Chapter 11

💖 Gio POV 💖

"tagay pa pre" sabi ko kay Ace at tinungga niya bigla ang laman ng basong binigay ko.

Break na daw sila ng bebe niya at isa lang masasabi ko.

Edi MABUTI 😀

"dahan dahan lang brad, hayaan mo malalasing ka niyan" biro ko sa kanya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin, tumawa naman si Pit at bumaling sa pagtetext.

"Putspa brad, sinasayang mo ang pagkain" inis niyang sigaw sakin ng binato ko nga ng chips

"Sinong katxt mo at kinikilig ka dyan?"

Tiningnan niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa selpon. Tamo to !

"Wag kang magseselos brad ikaw parin ang bebe ko"

"Ulol." binato ko nga ulit

"Isa pang bato mo ng pagkain makikita mo, maraming nagugutom kasi walang makain tapos ikaw sinasayang  mo lang"

"Sino ngang katxt mo at para kang timang?"

"Si Sky" sagot niya na nakapagpatigil kay Ace sa akmang pag-lagok ng iniinom.

Kinuha niya ang phone niya na saktong nagriring. Si Sky kausap niya wala naman akong planong makinig sa usapan nila. Oo di kasi ako chismoso.Narinig ko lang na sinabi ni Ace na kailangan niya si Sky.

🌺 Sky POV 🌺

Sinalubong ako ni Pit sa labas ng gate nina Gio.

"Pasok ka sky "

"Lasing na ba siya?" tanong ko sa kanya habang pumapasok ng bahay.

"Andaming nainom nun halos siya lang naman ang uminom eh, nakinig lang kami ni Gio sa kadramahan niya"

Tumungo kami sa sala at ang naabutan ko.

Nakayukong Alas at nakangising Gio habang nakatingin kay Alas. And gues what kung anong nasa mesa

1 liter Sprite na paubos na at mga chichirya, nagkalat pa ang mga supot nito sa sahig.

"Ayan lasing na lasing sa sakit"

Napaangat ng tingin si Alas dahil sa sinabi ni Pit. Halos mahampas ko naman siya ng dala dala kong bag

"Akala ko ba nag-iinuman kayo at lasing na lasing na siya?!"

Napakamot naman siya sa batok niya.

"nag-iinuman nga kami pero wala naman kasi akong sinabing alcoholic drinks "

Napairap na lang ako sa sobrang pagkainis. Ang sisira talaga ng mga ulo nito sarap pag-uuntugin eh.

"Ano ba Sky? Good boy kaya kami"

Isa pa tong Gio na to eh.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon