Drowned in Love (20)

71 10 1
                                    


Chapter 20

🌺 Sky POV 🌺

"Sky ! Can we talk?"

Tumango ako sa kanya at sumunod. Sa may school garden lang kami pumunta.

Tahimik lang kami habang naglalakad papuntang garden. Kinakabahan kasi ako sa kung anong pag-uusapan namin.

Pagdating namin nakaharap lang kami sa isa't isa. Walang imikan, bubuka ang bibig niya tapos isasara ulit ako naman eh tahimik lang na nakatingin sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya.

"Galit ka pa rin ba?"

Woah ! Akala ko kung ano ng sasabihin niya. Halos gusto ko na lang siyang sampalin o kaya sakalin pinakaba niya ako ng sobra sobra yun lang pala itatanong niya.

"Ha? May dapat ba akong ikagalit?" tanong ko sa kanya.

Naupo siya sa may puno kaya sumunod naman ako, tumabi ako sa kanya.

"Kahapon kasi diba?"

Sinimangutan ko siya kaya kinurot niya ang pisngi ko.

"Nagtatampo lang naman ako eh, ikaw kasi eh kasama mo lang yung Kira na yun nakalimutan mo na ako" nakasimangot ko pa ring sabi.

"Sorry na, di naman mangyayare yun ikaw lang ang nag-iisang best friend ko" sabi niya habang inaakbayan ako. Nagulat pa ako at hindi agad nakareact ng hinalikan niya ako sa pisngi.

Nag-wawala ang puso ko ! My goodness Alas, bakit ka ba ganyan?

"Congrats pala kanina, ang galing galing mo! Alam mo bang nag-aasume ako na para sakin yun? Haha"

Tangna mo Alas! Ang manhid mo talaga. Para sayo naman talaga yun eh.

Nginitian ko lang siya at nag-pasalamat baka kasi maiyak lang ako kapag nag salita pa ako. Gano ba siya kamanhid at katanga para hindi niya maramdaman na siya ang pinapatamaan ko?

Inalis niya yung pag-kakaakbay niya sakin ng may tumawag sa selpon niya nakita ko sa screen kung sino.

"Hello Kira"

Umusog ako ng kunti para bigyan siya ng privacy. Wow ha? Level up na, may palitan na ng number palang naganap sa kanila. Sana all katawagan.

Hindi ko napansing nakatulala na pala ako. Namalayan ko na lang ng mag-salita ang katabi ko.

"kawawang damo!"

Nilingon ko siya at tinapunan ng damong hawak hawak ko.

"tapos na kayo mag-usap?" tanong ko sa kanya.

"Yup, she just asked me kung nasan daw ako. Nagyaya kasing kumain sa labas"

"Oh ba't di ka sumama?" tanong kong may kapaitan sa pagkakasabi. Sana di niya mahalata.

Umiling siya at ikinibit ang mga balikat.

"What do you think of Kira? Mag-kiclick kaya kami?" tanong niya na nakapagpaguho ng pag-asang binubuo ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Drowned in Love (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon