Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Pupungas-pungas akong tumayo at naglakad para pagbuksan ang paniguradong mambubulabog na kapatid.
Pagkabukas ko'y sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Celestine. Napangiti na lang din ako kahit na gustong-gusto ko pang matulog dahil hating-gabi na akong nakauwi kagabi. Hindi na naman kasi nakapasok si Rovey kaya ako ang sumalo ng shift niya.
"Good morning ate!"
"Ang aga-aga ang hyper mo. Bakit ba nambubulabog ka na naman nang ganito kaaga?"
"Wala man lang bang good morning din sa pinakamaganda mong kapatid?" She pouted.
I playfully rolled my eyes at her, but I couldn't help myself but smile, "Good morning din, Celestine. Kumain ka na ba? Anong kailangan ng makulit kong kapatid?"
Ngumuso siya at tuluyan nang sumandal sa pintuan. I nipped her pouted lips in between my fingers as her pout got more protruding.
Binitawan ko ang kaniyang labi nang mapansing sobrang sama na ng tingin niya sa akin.
"Ate naman! Manghihingi lang ako ng baon, 'wag mo na akong panggigilan."
Umiling ako't tumawa bago mahinang pinisil ang kaniyang ilong. Mas lalo siyang sumimangot pero agad ding naglahad ng kamay sa harapan ko.
"Pahingi po akong baon at pamasahe, ate. Aalis na rin ako maya-maya dahil baka maipit na naman ako sa traffic, ma-late, at pagalitan na naman ng student teacher na 'yon."
Nanatili ako sa aking pwesto habang patuloy na pinagmamasdang mabuti ang kapatid na nakasimangot. Kilala ko si Celestine, alam ko kapag may iba pa siyang pakay maliban sa baon at pagsasabi ng mga hinaing niya sa kaniyang eskwelahan. Kaya naman nang makita niyang nakatitig lamang ako sa kaniya at hindi nagsalita ay tumigil at bumuntong hininga siya.
"Gusto ko rin kasi sanang magpaalam, ate. May sinabing trabaho sa akin 'yong kaklase ko na puwede kong pagtrabahuhan. Gusto ko lang sanang tumu--" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na ito.
"Bub, alam mo namang hindi pa puwede, 'di ba? Mahirap pa ang sitwasyon natin ngayon, baka mamaya kung ano pang mangyari sa'yo. Saka kaya pa naman ng kinikita ko sa Cafscape at Musnetic ang mga pangangailangan natin kaya hindi mo naman na kailangang magtrabaho pa."
Tinitigan lamang ako ni Celestine at hindi sumagot.
Napahilot ako sa aking sentido at napapikit. I'm just being cautious!
I opened my eyes and looked at her softly, "Okay, I'll think about this. Pag-usapan natin mamaya pag-uwi ko."
Tumango si Celestine at tipid na ngumiti. "Sorry, gusto ko lang naman pong makatulong. Pero kung ano po sa tingin mo ang makakabuti, sige, susundin ko na lang. Ayoko rin namang pag-alalahin ka." Napangiti ako sa sinabi ng kapatid. Ayoko namang... masakal siya pero hindi ko pa talaga siya kayang pakawalan sa ngayon.
Pagkatapos nang naging pag-uusap ay nagpaalam si Celestine na mag-aayos na ng gamit. Naligo naman ako at naglinis muna ng kwarto bago nagmadaling bumaba. Naabutan ko si Celestine na nakaupo sa sofa habang nagcecellphone. Dumiretso ako sa kaniya at ibinigay ang kaniyang pamasahe't baon. Pagkatapos niyang makuha ang kaniyang baon ay hinalikan niya ako sa pisngi at nagpaalam nang aalis dahil baka siya raw ay mahuli sa klase.
Nagtungo ako sa kusina para sana maghanda ng makakain subalit nang makarating roon, ay mayroon ng nakahandang pagkain sa lamesa. I smiled at the thought of my little sister preparing our breakfast while singing and dancing weirdly.
Pagkatapos mag-agahan ay agad akong naghanda para sa pag-alis. I double-checked myself in the mirror. I'm now wearing a blue and white vertical striped bow off the shoulder blouse with white skinny jeans and white ankle strap block heels. I then put on my earrings and necklace, and wore my hair in a messy bun. Pagkatapos kong siguraduhin na maayos na ang aking itsura, bumaba ako at nagmamadaling tumingin sa orasan. Before leaving the apartment, I double-checked all of the doors and windows.