Chapter 13

20 6 0
                                    

Labing-isa, labing-dalawa, labing-tatlo... Natigil ako sa pagbibilang ng aking mga hakbang nang biglang may bumangga sa'king isang babae.

"Uh- pasensya na." Pagpapaumanhin ko habang nakatingin pa rin sa mga paa kong nasa buhanginan.

"Long time no see, Aki." Napa-angat ako ng tingin nang mahimigan ko ang tinig ng isang pamilyar na babae. Agad na kumalat ang takot sa aking sistema.

"Geraldine..."

"Kumusta?" Napaatras ako sa ginawa niyang paglapit.

"O-okay lang... okay lang naman." Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi at pinaglakbay ito hanggang sa tumigil at pumirmi sa aking leeg.

"Mabuti naman. Ang tagal kitang hinanap, Aki. I missed you so much! Did you miss me?" Isang nakakapanindig-balahibong ngisi ang sumilay sa kaniyang mukha. Hindi na ako makapagsalita. Gusto kong tumakbo, gusto kong magtago, at gusto kong umiyak. Ano ba ang kasalanan ko sa kaniya at bakit ako ang gustong-gusto niyang paglaruan?!

"B-bitiwan mo a-ako." Sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakapalupot sa aking leeg subalit mas lalo lamang itong humigpit.

Nasa malayong parte kami ng isla. Magsusumigaw man ako ngayon, patayin man niya ako ngayon, walang makakapansin, walang makakaalam. It's a dead end. 

Agad kong naisip ang aking nakababatang kapatid. Celestine..

"Parang awa mo na, pakawalan mo na ako! Wala naman akong ginawang masama sa iyo! Please.. please.." Napaluhod ako sa panghihina habang nagmamakaawa.

"No way! 

"Bakit... Bakit ako?"

"Alam mo, ikaw? Nanggigigil ako sa'yo e! Alam mo 'yon? Bigla ka na lang umalis! Akala mo siguro matatakasan mo ako, 'no? Ayaw mo na bang makipaglaro sa akin?" Sandaling lumungkot ang kaniyang mga mata subalit agad din itong napalitan ng poot. "Sabihin mo nga... Bakit ayaw mo?! Paborito ko pa namang itali sa leeg mo 'yong lubid. Hmm... Ayaw mo ba ng larong 'yon? Kung ganoon, anong gusto mo? Sabihin mo!" Nanginig ako sa takot at pinilit na tumayo upang makatakbo papalayo kahit pa na nanghihina ako. 

"Hindi mo ako matatakasan, Aki. Magkikita at magkikita pa ulit tayo. Saang lupalop ka man magtago, mahahanap kita. For now, I'll spare your life. Galingan mo sa pagtatago!" Humalakhak siya nang nakapagpanindig ng aking balahibo.


Nang makarating ako sa lobby ng tinutuluyan kong hotel, doon ko lang naramdaman ang sakit ng aking leeg mula sa pagkakasakal niya at ang hapdi ng sugat sa aking kaliwang braso. Ilang hakbang pa papalapit sa elevator nang naramdaman ko ang pag-alon ng aking paligid kasabay nang pagdilim ng aking paningin. Subalit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, bumuhos ang takot at pag-aalala sa aking sistema nang iluwa ng bumukas na elevator ang aking kapatid na nanlalaki ang mga mata habang sa likod niya ay ang nakangising si Geraldine.

"Celes..."


"Ate, wake up!"


"D-dad, I told you! It's her who pushed nana Nikola on the stairs!" He kept pulling my hair until we got to my room. I cried even harder when he slapped me in front of my younger sister.

"Shut up, Meraki! What the hell are you saying?! Stop making stories! Misha and Geraldine saw you pushing your nana on the stairs because she won't let you go outside!"

His RaconteuseWhere stories live. Discover now