Chapter 11

19 6 0
                                    

To: Rave

Nandito na ako sa baba. What floor ba?


From: Rave

I'm going down. Just wait for me at the lobby.


Naupo ako sa isa sa mga couch at ipinalibot ang tingin. This is my second time here, but this is my first time na nakapasok ako sa loob. Noong una kasi'y idinaan lang kami ni Rave dito para ipagyabang ang kayamanan niya.

Naramdaman kong may umupo sa aking tabi kaya napalingon ako.

"Hi, miss!"

"Hello." Napakurap-kurap ako nang inilapit pa niya ang kaniyang katawan papalapit sa akin.

"My name is Sadiro, you are?" This is uncomfortable. Oo nga't medyo sanay na ako sa mga tao subalit hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo na't may estrangherong ganito kalapit sa akin.

"Aki!" Napa-angat ang tingin ko kay Raven na nagmamadaling lumapit sa akin.

"Mr. Poronto." Bati ni Raven sa katabi kong tumayo para makipagkamay sa kaniya.

"Good to see you here, Mr. Guillen." Tinanggap naman ni Rave ang kamay niya subalit nang mapansing wala sa kaniya ang atensyon nito ay agad siyang nagpaalam. "We have to go. Have a good day, Mr. Poronto." Inakbayan niya ako at hinila papuntang elevator.

"That's just rude, Rave." Nakangiwi akong tumingin sa kaniya. Inirapan naman niya ako bago ngumisi.

"Talaga ba, Aki? If I know, hindi mo rin naman gusto ang presensya niya."

"Pero dapat nagpaalam tayo nang maayos!" Singhal ko sa kaniya bago tumingin sa harap. Humalakhak naman ito at kinurot ang aking pisngi.

"I don't like the way he looks at you. Mukhang kakainin ka e." Kunot-noo ko siyang binalingang muli.

"What?!" Nagkibit-balikat lang si Rave at hindi na ako pinansin. Nang bumukas ang elevator ay agad kaming pumasok sa opisina niya at parang senyoritong umupo sa kaniyang office chair.

"Ito na 'yong pinapadala mo. Bakit mo ba kasi naiwan? At bakit na kay Celestine 'to?" Umupo ako sa sofa at iniunat ang paang nangangalay dahil sa pagod.

"Dumaan nga ako sa apartment niyo noong lunes, 'di ba? Naiwan ko sa table. And when I realized it wasn't with me, I immediately texted Celestine to ask her to look for it. C'mon, Aki! 'Wag ka nang magreklamo, ililibre na nga kita ng lunch ngayon e."

"Whatever, Rave." Binuksan niya at chineck ang laman ng attaché case na naiwan niya sa apartment. "All's good. Ano? Tara na?"

"Okay. Bilisan mo at marami pa akong gagawin sa café." Mabuti na lang talaga at napakiusapan ko si Mili na magtagal muna dahil kinailangang ako ang maghatid ng naiwan ni Rave dahil may pasok si Celestine.

"Where do you want to eat?" Tanong ni Rave habang naglalakad kami sa labas papuntang sasakyan niyang nasa harapan na ng entrance.

"Ikaw na ang bahala. Ikaw naman ang manlilibre e." Walang-buhay kong sagot sa kaniya. Sa totoo lang, inaantok na talaga ako. Anong oras na kami natapos sa Musnetic kagabi dahil absent si Melissa. Mabuti na lang talaga at wala akong schedule sa Musnetic ngayon.

"Are you okay?" Hinawakan ni Raven ang braso ko at idinampi ang likod ng kaniyang palad sa aking noo at leeg.

"I'm fine, just tired and sleepy."

His RaconteuseWhere stories live. Discover now