It was five o'clock in the evening when we all decided to have a bonfire; however, bonfires are not permitted here, and camping is only permitted until 7:00 p.m. Kaya sa huli ay napagdesisyunan naming huwag na lang tumuloy at mag-ipon na lamang ng lakas para sa activities kinabukasan.
Kanina, matapos nilang maglaro ay nilibot namin ang isla at nag-enjoy muna sa ganda ng kalupaan bago tunguhin ang kagandahan ng dagat bukas.
We intend to go island hopping and snorkeling tomorrow. I'm hoping it'll be a fun day for all of us.
Naglakad-lakad ako sa dalampasigan para magpahangin at mahimasmasan. Maybe I'm just overthinking. Dapat siguro ay hindi ako mag-isip ng ganoon dahil baka makasama lamang 'yon ulit sa aming relasyon. Dapat magtiwala ako sa kaniya.
Habang naglalakad-lakad sa dalampasigan ay hindi ko napansing napadpad na ako sa isang madilim na lugar. Naaninagan ko ang isang babae at lalaki na nag-uusap sa mas madilim pang lugar. Kumunot ang aking noo nang mapansing parang pamilyar sila sa akin.
H-hindi... Hindi puwedeng sila 'yon-
Iniwas ko ang aking paningin at nagsimulang lumakad pabalik sa pinanggalingan ko. Tigilan mo nga 'yan Aki, baka may pinag-uusapan lang silang importante.
Sumabay ako kina Shinea pabalik sa aming hotel dahil nauna na sina Shapi at Mili doon. Kasama naman ni Tine sila Mel, Chivian, Yesh, Harold, David at Rach na nagpaalam na maglilibot-libot pa raw. Hinayaan ko naman dahil kasama naman ang apat na lalaki.
Hindi ko alam kung bakit pero panay ang tingin nina Shinea at Zui sa akin tapos biglang magtatawanan. Are they talking about me? Are they mocking me?
Nang magtama ang paningin namin ni Shinea ay tumigil siya sa paglalakad at ibinaling ang buong katawan sa akin. Bahagya rin akong napatigil nang dahil doon kaya nagulat ako nang may bumangga sa aking likod.
Bago pa man ako makalingon sa kung sino iyon ay nagtanong na sa akin si Shinea habang nakataas ang kaniyang kilay.
"Where's Ron?" Mapang-uyam niyang tanong.
Nag-aalinlangan akong sumagot sa kaniya. Tinatantiya kung ano ang nais niyang ipahiwatig. "He's... somewhere."
"Oh, really? Probably he's with the ori.." Hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi dahil hinila na siya ni Zui papalayo.
Tumabi naman sa akin si Toffer na siya palang nakabangga sa akin dahil sa biglaan kong pagtigil sa paglalakad.
Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako na talaga pa lang kilala niya ako. I'm quite shy because I shut him out the last time we talked.
"Hi." I glanced at him who's smiling at me.
"Uh- hello."
"Ngayon lang tayo nakapag-usap, medyo mahirap kasing lumapit sa'yo dahil laging ang daming nakapalibot sa'yo." Sumang-ayon naman ako sa kaniya dahil bukod kagabi at ngayong gabi, lagi-lagi talaga akong may kasama. Kung hindi si Ron ay sina Shapi at Mili naman.
"So, allow me to properly introduce myself to you. I'm Prince Toffer Borja. Harold and Aerin's friend." Tinanggap ko ang kamay niya. Nang bitawan niya ito ay bahagya akong tumigil sa paglalakad at yumuko para magpakilala.
"I'm Meraki Savienna. You can call me Aki para mas maikli." I can see amusement in his eyes. Nang hindi siya nagsalita ay nagsimula na akong maglakad muli. Agad naman siyang humabol at kinausap akong muli.
"So, you owned a café? Or you're just working there?"
"Kaming dalawa ng kaibigan ko, si Mili, ang namamahala ng café." Tiningala ko siya. "You know her?"