Dinama ko ang hangin na tumatama sa aking maputlang mukha habang iniisip ang lahat nang nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan.
Minsan napapaisip na lang ako. Bakit parang... hindi na 'ko naging masaya? Bakit parang... puro sakit na lang? Problema?
Napapagod din naman ako.
Masama bang hilingin na sana naman, kahit minsan, maging masaya rin ako?
Pinaglaruan ko ang buhangin sa isang malungkot na dalampasigan gamit ang aking mga paa. Ang lugar kung saan nagtatagpo ang hangin, tubig-dagat, buhangin, at mga emosyong madalas ay sinasarili lamang.
Maya-maya'y umihip nang malakas ang hangin na naging dahilan ng aking pagkapuwing. Agad akong napapikit dahil sa sakit at kasabay nito ang pagbuhos ng kanina ko pang pinipigilang mga luha. Itinakip ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha at hinayaang lumabas ang nararamdamang pilit na itinatago.
Okay lang 'yan, Aki. Okay lang na hindi ka ngumiti at maging masaya para sa kanila ngayon. Okay lang na damdamin mo ang lahat ng sakit. Okay lang na maging mahina ka. Tao ka lang din naman at nasasaktan. Tama na muna ang pagpapanggap. Tama na muna.
Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa napaluhod ako sa buhanginan at napahagulgol nang napakalakas.
Ang sakit. Sa sobrang sakit parang gusto ko na lang maglaho. Gusto ko na lang umalis at hindi na magpakita pa kahit kanino.
Tuluyan akong napahiga sa buhanginan habang hawak-hawak ang aking dibdib.
Paano ba patigilin ang sakit? Kahit sandali lang sana. Gusto naman makaramdam ng iba, hindi lang 'yong puro lungkot, pait, at sakit.
Patuloy ang naging pag-agos ng aking luha, walang balak na tumigil.
Sa nanlalabong paningin, naaninag ko ang isang pares ng tsinelas sa aking harapan. Pilit kong tiningala ang nagmamay-ari nito at nakita ang isang malabong imahe ng lalaki. Nagtatakha ma'y pinagmasdan ko siya gamit ang mga mata kong puno ng luha.
He kneels in front of me out of nowhere. When he brushed away my tangled hair due to the wind, I trembled. I stood motionless and stared lifelessly. But when he rubbed his thumb against my cheeks, I found myself drifting into a long deep sleep.
Malayo man ang distansya
Di man marinig ang boses mong aking nakasanayan
Pipikit na lang muna
At papagalingin ang mga mata sa kaluluhaNaramdaman ko ang pagkirot sa aking puso subalit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
At hihinga ng malalim
At papakalmahin ang patalimTapos na ang laban
Ang sakit pala malaman na sa simula pa lang, wala na pala talaga akong laban.
Salamat sa saglit
Salamat sa sakitAko'y di magsisisi
Kahit di ka na sa akinKung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi sa minsa'y sandali kang naging akin