"Hi, Miss." Napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa at napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Hello. Do you need anything? May problema ba?" Tanong ko sa isang matangkad at morenong lalaki.
"Nothing. I just want to ask if Mikaesha's here. Kasi we met somewhere and she gave me the wrong calling card. I tried calling her last night pero lalaki kasi yung sumagot e. Huli ko nang napansin na iba pala 'yong pangalan na nakalagay."
"Oh, really? Puwede bang makita 'yong calling card na binigay niya sa'yo?"
"Yes." Kinuha niya ang kaniyang wallet sa bulsa ng kaniyang pantalon at iniabot sa akin ang calling card na galing sa kaniyang wallet. "Here." I mentally groaned when I saw my name and my number.
"Oh. Sorry, nagkamali nga siya ng binigay sa'yo. This is my number by the way, and the person who probably answered you last night is my boyfriend." Is this why Ron's grumpy and irritated last night?
"Oh, really? Kung ganoon, maari ko bang makuha 'yong number ni Mikaesha."
Napatingin ako sa kaniya at sandaling nag-isip. Maybe I should call Mili first, baka mamaya ay napulot lang nito ang calling card na nahulog ni Mili. "I'll call her first. By the way, ano nga ulit pangalan mo?"
"Deizon Hidelo. You are?" Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap.
"Meraki Savienna." Ngumiti naman siya at tumango.
"Nice to meet you."
"Nice to meet you, too. Upo ka muna, tatawagan ko lang si Mili." Iginiya ko siya sa isang upuan malapit sa counter bago tinawag si Beth.
"Beth, pakibigyan muna siya ng coffee. Salamat!" Pumasok ako sa opisina at tinawagan ang aking kaibigan.
"Hello, Mili." Naupo ako sa aking swivel chair at iniipit ang phone sa pagitan ng aking balikat at tenga bago nagbuklat ng mga files sa aking mesa.
(Uy, Aki!) Then she laughed. Napakunot naman ang aking noo dahil doon.
"Why are you laughing?"
(Wala. May kausap lang ako.) Then I heard faint voices from the background. (Wait lang. I'll just talk to Aki.)
"Anyway, there's a guy here asking for your number."
(Huh? Sino?)
"Deizon Hidelo raw. Should I give him your number? You, crazy woman! You gave my number to him!" Then she hummed.
(Deizon? Oh okay! I remember him na. Sorry, Aki. Mukhang maling calling card nga yata ang naibigay ko to him. No one called me last night e. We're supposed to talk something about business pa naman.)
"Anong mali yata? Mali talaga! Kaya siguro iritado si Ron kagabi kasi tumawag 'yang si Deizon." She laughed at my irritated answer.
(Sorry na! Nagmamadali kasi ako noong panahong 'yon kaya hindi ko na rin na-check.) I rolled my eyes at her lame answer.
"Sige na. Ano? Ibibigay ko ba?"
(Yup! Tell him na lang din na sorry.)
"Okay, bye! Love you."
(Love you, Aki!)