"Stop staring, Mili. You're being annoying. It's making me feel uncomfortable!" Umirap siya harapan ko at namaywang.
"Just answer me, Aki. Yung totoo." I stood up straight then looked directly in her eyes.
"I said no. Hindi pa nga!"
"Really?"
"Mili!" Paimpit kong sigaw. "Kanina pa tayo paulit-ulit sa tanong mo na 'yan. Hindi ka ba napapagod?" She was and 'still' asking me if Ron and I are now together.
"Nope. But honestly, Aki? Tell me the truth. I won't judge."
"Why are you even here? Hindi ka ba magpapahinga? Wala ka bang gagawin? Napapadalas ka na rito ah? Akala ko ba may boyfriend ka?"
"Wala akong gagawin today and I'm bored kaya naisipan ko na lang na manatili rito at tumulong sa'yo." Umiwas siya ng tingin at ipinagpatuloy ang pagwawalis.
"Well, how about the other days? Nagkakampo ka na rito e. May tinataguan ka ba? How about your boyfriend?"
"I don't have a boyfriend. Bye." Tinalikuran niya ako at naglakad papalayo. Kita mo? Ito lang pala ang kailangan para tigilan at layuan ako.
"Hey! Do you have a problem?" She simply waved her hand and shook her head. Of course, she's not going to tell me. That's her attitude. She will keep things to herself until she can no longer handle it and loses herself.
Tinapos ko ang paglilinis ng lamesa bago pumasok sa opisina at nagpahinga.
Limang buwan na ang nakalipas mula nang ligawan ako ni Ron. Wala namang masyadong nagbago sapagkat hatid-sundo niya pa rin ako tulad ng dati, bagamat naging mas maalaga siya ngayon kumpara noon.
Pero pakiramdam ko hindi pa rin sapat ang limang buwan dahil hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw ang kaniyang motibo. Masyado pa rin siyang misteryoso at parang maraming sikretong tinatago.
Hindi ko alam kung masyado lang ba akong paranoid at overthinker, but he still seems distant to me.
Nang maburyo sa kakaisip ay kinuha ko ang cellphone sa bag at binuksan ito. Sunod-sunod ang naging pagtunog nito kaya't dali-dali kong titingnan sana ang mga mensaheng natanggap nang biglang nagpop-up ang chat head ng group chat namin.
PATATAS 🥔❤️
9:49 AM
Shamaiah Phillistine
What happened?
Mikaesha Lindsay
Where are you? Are you okay?
10:27 AM
Shamaiah Phillistine