Chapter 12

21 6 0
                                    

From: Ron

File a three-day leave, Babe.


Napakunot ang aking noo nang mabasa ang mensahe ni Ron.


To: Ron

Bakit?


Agad na tumunog ang cellphone ko dahil sa naging mabilis niyang pag-reply.


From: Ron

We're going on vacation. Sembreak naman na ni Tine, right?


To: Ron

Yes. But where exactly are we going? I'll ask Mili first.


From: Ron

All right, babe. If she doesn't agree, text me and I'll talk to her.


Hindi na ako nagreply sa kaniya at lumabas na ng office.

Agad kong hinanap si Mili na kanina'y naghahanda nang umalis dahil niya raw kikitain ang kaniyang kapatid.

Naabutan ko siyang may ibinibilin kila Dhalia. Medyo dumarami na ang tao ngayon sa Cafscape kaya hindi ako sigurado kung papayag ba si Mili na magleave ako ng tatlong araw.

May apat naman na kaming crew dito sa café subalit kailangan pa rin ng magmomonitor dito araw-araw. Si Dhalia at Beth ang sa umaga tapos si Galla at Brean sa gabi.

Magiging buong araw din siyang nandito sa café kung wala ako. Isa pa, masyadong mahaba ang tatlong araw. Hindi ko alam kung kakayanin niya iyon.

Umikot ako sa loob ng counter at naghintay sa gilid na matapos siyang makipag-usap kila Dhalia. Napansin na niya ako kanina pa kaya nang natapos siya ay agad akong sumenyas sa kaniya na kakausapin ko siya. Pinabalik niya sa trabaho ang dalawa bago naglakad papalapit sa akin habang inaayos ang kaniyang mahabang buhok.

"What is it, Aki?"

"I need to talk to you about something."

"And what exactly is that? Did you and Ron have another misunderstanding?"

Natawa ako at umiling. "Grabe. Away agad? Magpapaalam lang sana ako."

"Oh?"

Tumango ako. "Ron texted me just a while ago. He informed me to take a three-day leave. Puwede ba?" Alanganin kong sabi. 

She raised her eyebrows again. "Why do you look so nervous?" She chortled. Bumuga ako ng hangin. Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa ako nagpipigil ng hininga. 

I pouted, but she just laughed. "Three-day leave? Bakit ang tagal naman? Where will he bring you na naman ba?" Tanong niya. Nabanggit ko kasi sa kaniya 'yong biglaang Bicol trip namin noong nakaraang dalawang buwan.

I shrugged. "I honestly don't know. Basta ang sabi niya lang sa text, magfile ako ng leave. Tapos kapag 'di ka raw pumayag, siya na raw ang kakausap sa'yo."

"Okay. I'll to talk to your boyfriend, baka mamaya kung saan ka na lang niyan dalhin. Bigla-bigla na lang basta may maisipan." She said.

Naglalakad kami ngayon patungong opisina para doon na lang hintayin si Ron at ipagpatuloy ang pag-uusap. Tutal, may pag-uusapan din naman kami tungkol sa supplier.

His RaconteuseWhere stories live. Discover now