Chapter 18

24 7 0
                                    

Alas kwatro ng madaling araw ang napag-usapan naming pagkikita sa Musnetic. Sinundo kami ni Ron dahil hindi siya pumayag na kami lang ni Tine ang magcocommute papunta roon.

Hindi bitbit ni Ron ang kaniyang kotse dahil napagdesisyunan ata nilang dalawang van lang ang gagamitin bukas kasama ang sasakyan ni Kevin. Ang alam ko lang ay siguradong kasama namin sa bakasyon na ito sina Mili at Shapi, kasama ang Amihan at ang mga katrabaho ko sa Musnetic. Kung may iba pa silang napag-usapan ay hindi ko na alam.

Kasalukuyan naming hinihintay ang iba pa naming kasama sa loob ng resto bar. Humikab ako habang pinagmamasdan ang mga customer na kumakain sa loob. Lima pa lang kaming nandito kaya natulog muna si Celestine sa balikat ko habang tahimik naman si Ron na nakaupo sa tabi ko. Si Harold at Yesh naman ay nakatutok sa kaniya-kaniya nilang cellphone habang si Harold naman ay paminsan-minsang tumatawag, siguro ay para sa pagbibilin sa resto bar habang wala kami at nasa bakasyon.

Saktong alas kwatro kami nakumpleto. Nandito na sila Mili, Shapi, Amihan kasama na rin ang asawa at mga anak ni Kevin, si Shinea at Zui, Rov, Rin, Mel, David, Chivian at mga kaibigan ni Harold na sila Toffer, Joseph at Dominic.

"Okay, guys. Ito ang magkakasama sa unang van. Aki, Ron, Celestine, Mili, Shapi, Rin, Melissa, David, Yesh at Chivian. Si Yesh ang magdadrive ng van niyo. Sa kabilang van, ako, Joseph, Toffer, Dom, Shinea, Zui, Reille, Kreine, Rach at Rov. Kevin's family will have their own car. Sa kanila rin mapupunta ang ibang bagahe para hindi tayo gaanong magsiksikan sa van. Any complaints?" Anunsyo ni Harold sa aming lahat. Wala namang nagreklamo sa kanila dahil siguro masyado pang maaga at mga inaantok pa.

Nang masigurado na ayos na ang lahat ay sumakay na kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan. Si Yesh ay dumiretso sa driver's seat habang si David naman ay sa passenger's seat. Kami nila Tine at Ron ang nasa unang hilera ng upuan. Sa tabi ng bintana ay si Tine katabi niya ay ako habang si Ron naman ay tumabi sa akin. Sa gitna ay sina Mili at Shapi habang ang nasa pinakalikod naman kasama ang ibang bagahe ay sina Mel at Rin

Agad din naman kaming bumyahe nang makitang maayos na ang lahat. Si Tine ay agad na humanap ng komportableng pwesto. May dala rin siyang neck pillow kaya mabilis din siyang nakatulog. Ako naman ay sumandal sa balikat ni Ron na nakapikit na ang mga mata at doon natulog.

Nagising ako nang marinig ang boses ni Yesh na mukhang may kausap sa telepono. Sumilip ako sa bintana at nakitang nasa bandang Batangas Exit na kami.

"Sundan ka na lang namin, Harold. Mukhang medyo malapit na nga tayo sa Anilao Port." Ani ni Yesh kay Harold sa kabilang linya.

"Madadala ba natin 'tong van hanggang Masasa?"

"Okay."

Nilingon ko si Ron na tulog pa rin sa tabi ko. Sinilip ko ang mga tao sa likod at nakita kong mga tulog pa rin sila. Binalik ko ang tingin kay Yesh na tahimik na ngayong nagdadrive. Si David naman ay panay ang lingon sa rear-view mirror ng sasakyan.

"Malapit na ba tayo, Yesh?" Mahina kong tanong. Alam kong narinig niya ako dahil napasulyap siya sa rear-view mirror.

"Gising ka na pala, Aki. Yup, malapit na tayo kaya pakigising na sila." Agad akong tumalima sa kaniyang inutos. Una kong ginising si Ron na hawak ang kamay ko.

Madali itong magising kaya hindi na ako nagtakha nang dalawang beses ko pa lang siyang tinatapik sa kamay ay nagmulat na agad siya ng mata.

"Good morning! Malapit na raw tayo." Masigla kong bati. Nginitian niya ako at hinalikan sa noo. "Good morning to you too, baby."

Sunod ko namang ginising sina Mili at Shapi. Gising na kasi si Celestine nang bumaling ako sa kaniya kanina pagtapos kong gisingin si Ron.

Lumuhod ako sa upuan ng kotse para gisingin sina Mili at Shapi. Inalalayan ako ni Ron habang tinatapik ko si Mili. Sa kanilang dalawa kasi, mas mahirap gisingin si Shapi kaya si Mili na lang ang ipapagising ko sa kaniya.

His RaconteuseWhere stories live. Discover now