Chapter 23

22 6 0
                                    

"Aki?" A voice suddenly interrupted my glum thoughts.

Nang lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, halos matumba ako sa upuan dahil sa pagmamadaling pumunta sa kaniya.

"Rave!"

He chuckled. Oh, I miss my best friend. "Miss me?"

I hit his arm. "Of course! Who wouldn't? Ang tagal mong hindi nagpakita!"

"I'm busy sa business. Can we hang out? Namiss ko kasi ang best friend ko." He playfully wink at me. I giggled. "Sure!"

Nagpaalam ako kila Beth na aalis muna ako saglit dahil ayaw ni Rave na dito kami mag-usap o maghangout. Gusto niya raw mag-samgyup. Well, makakatanggi ba ako sa libreng eat all you can?

Pinark niya muna ang kotse niya bago kami bumaba. 

Rave found a good spot near the railings of the restaurant. Agad kaming dinaluhan ng waiter at dahil wala akong alam sa ganito, si Rave na ang pinapili ko.

Nang makaalis ang waiter, agad kong kinulit si Rave.

"Musta? Sana nagpaparamdam man lang 'no?"

He smiled. "Sorry. I'm just really busy with work. Halos doon na nga yata ako tumira nitong mga nakaraang buwan."

Napataas ang kilay ko. "Gano'n ka ka-busy? Baka naman pinapabayaan mo na ang sarili mo n'yan?" Nag-aalala kong ani.

Umiling siya. "Of course not. Kulang lang sa tulog pero nakakakain naman... I think?"

Hinampas ko siya. "Anong I think ka riyan? Nakakalimutan mo nang kumain sa sobrang busy 'no?" I disappointedly shook my head. "Tigas ng ulo. Mapapalitan ba ng trabaho 'yang nawalang sustansiya sa katawan mo? Hindi naman, 'di ba?" Wow! Coming from you, Aki? Parang hindi ka nahospital last year dahil sa kapabayaan mo ha?

He just laughed at me. Sandali lang ito tumawa dahil agad ding tumigil. The mood suddenly shift from light to heavy. His face is now full of different emotion.

"What's wrong?" I softly asked. Minsan ko lang makitang ganito ang itsura ni Rave.

Hindi kaya may nangyari sa trabaho niya? O tungkol na naman sa mga magulang niya?

He sighed. "I lost the deal. I lost a three million deal, Aki."

Napatakip ako ng bibig. "Oh my god!" T-three million? That's a huge deal! Kaya ba gano'n siya kapuspusan magtrabaho nitong mga nakaraang buwan? At naistorbo ko pa siya no'ng nakaraan? Oh my gosh!

"Hindi ko na alam gagawin ko sa totoo lang. Some of our investors almost pulled their investments out. Mabuti na lamang at nakumbinsi ni dad na 'wag silang umalis, kaya lang I disappointed my parents again, Aki. I did everything; I gave my best, yet I still failed. Hindi pa rin sapat." Saglit siyang tumigil bago nagpatuloy. Lumapit naman ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang likod.

"Muntik pang kunin ni Dad sa'kin ang kompanya."

His voice and face looks so down. Ni hindi man lang namin alam na may ganito siyang pinagdadaanan nitong mga nakaraang araw.

"Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Saksi ang mga tao sa opisina kung paano ko tinutukan ang deal na iyon. I mean, the deal is almost done! Kailangan na lang pumirma kaya ang hindi ko maintindihan... ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kung kailan nandoon na, kung kailan maayos na, kung kailan nandoon 'yong parents ko, tsaka sila biglang aatras! Telling my parents that I am not doing my best. That I am not... Bullsh*t! Pumalpak pa rin ako!" That's sketchy..

His RaconteuseWhere stories live. Discover now